Chapter 8

147 8 6
                                    

MADDIE'S POV

"Maddie"

Tawag ng isang pamilyar na boses ng babae na nasa likod ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ito normal, kinakabahan ako sa pweding mangyari sa akin. Agad akong napalingon dahil alam kong sya ang taong nasa likod ko.

"Denice" Mahinahon kong sambit sa kanyang pangalan.

Lumapit sya sa akin at kita ko sa mga mata nya ang kalungkutan.

Nung akma ko na syang hahawakan ay may dumating na isang matipunong lalaki at marahan na syang hinila papalayo sa akin.

"I'm sorry Maddie" Mahina ngunit malungkot nyang sabi.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang panuorin syang lumayo na may kasamang iba. At kasabay ng paglaho nya sa aking paningin ay ang unti unting pag tulo ng aking mga luha. Kakaibang sakit ang aking nararamdaman. Nahihirapan na akong huminga at dahan-dahan ko rin naramdaman ang pag sakit ng aking dibdib.

"Maddie, anak"

Nagising ang diwa ko sa mahinang tinig na tawag ni mama sakin. Marahan kong idinilat ang aking mata at aking nasilayan ang nag aalalang muka ng aking ina.

"Anak nananaginip ka. Binabangungot ka nanaman ba?" Malambing nyang tanong sa akin.

Tumango nalang ako bilang tugon at naupo sa aking kama. Naupo sya sa aking tabi at niyakap ako.

"Wag mong hayaan na matalo ka ng kalungkutan. Andito kami ng papa mo at ng mga kaibigan mo. Tutulungan ka namin anak" Payo ni mama.

"Thank you ma. Pasensya na dahil hindi ko nagawang ingatan ang sarili ko. Ayan tuloy nag aalala kayo ngayon sa akin ni papa" Mahinang sambit ko.

"Shhh.. Tama na baby, makakasama sayo ang masyadong pag iisip at pgiging malungkutin. Ang mahalaga sa ngayon ay ang maging maayos kang muli" Sabi ni mama sabay ngiti.

Gumaan ang pakiramdam ko sa mga narinig ko kahit papano ay nabawasan nito ang bigat na nararamdaman ko. Maswerte ako sa magulang ko dahil kahit na pasaway ako ay hindi parin nila ako pinababayaan at iniintindi parin nila ang ugali ko. Ang dami na nilang naranasan na pag hihirap dahil sa pag aalaga sakin simula palang nung bata ako, pero andyan parin sila at patuloy akong sinusuportahan.

Niyakap ko ng mahigpit ang aking ina at patuloy kong sinabi ang salitang salamat. Naputol lang ang moment namin ng pumasok si ate Den.

"Yah sali ako" Sabi nya at saka sya lumapit samin at sabay kaming niyakap ni mama.

Pag alis ng yakap nya ay sabay sabay kaming nag tawanan. Iba talaga ang saya kapag pamilya ang kasama.

"Iha nakaalis na ba sila Alyssa?" Tanong ni mama kay ate Den.

"Opo tita. Babalik nalang daw ulit sila bukas" Sagot ni ate Den

"Nag punta sila ate Ly dito?" Tanong ko.

"Oo Madz mga isang oras at kalahati din sila dito kaso ang tagal mong magising kaya hindi ka na nila naantay." Sambit ni ate Den.

"Gusto na ngang iwan ni Bea at Ly si Jia dito kasi nag rereklamo sya, gusto kasi nya intayin ka nyang magising bago sila umalis, kasi daw umalis sya nung hapon hindi sya nakapg paalam sayo dahil nakatulog ka tapos pag dating nya nitong gabi at pag alis nya kanina tulog ka parin. " Dagdag ni ate Den.

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng marinig ko ang sinabi ni ate Den. Nahuli nya ang aking pag ngiti kaya't tinignan nya ako ng may halong nakakalokong ngiti.

"Nga pala Den, Maiwan muna kita dito at bibili lang ako ng makakain natin sa labas" Paalam ni mama.

"Sige po tita, ingat ho kayo."

Another Life With Her (JiaDdie Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon