Chapter 2 -- Truth or Dare

41 0 0
                                    

Chapter 2.

Truth or Dare?

[ALEX POV]

Pagkatapos ng lahat ng pang-aasar ko sakanya ay naging close kami na nag shashare na niya saakin mga secrets niya , mga crush niya sa room naming at ganoon naman ako sakanya. Palagi kaming magkatext hanggang madaling araw. Natapos na ang isang school year at ang summer ganoon pa din dating gawi hanggang mag 3rd year highschool na kami.

*kring*

First day of school nanaman. Ayun nalate ako. ^^ Pumunta kaagad ako sa quadrangle para sa flag ceremony at dahil aking taglay na katangkaran e palagi ako sa likod kaya di mahirap pag nalalate! (sabi na sainyo! Asset yun!). Pagkatapos ng flag ceremony na parati kong tinatakasan pumunta na kami sa kanya-kanyang room.

Lumilipad nanaman utak ko hanggang sa ..

*Pak*

“Aray ku po! T__T , Al pwede wag kang mamatok?” opo! Binatukan ako ni Al , barakada kong sooo gay! Haha. Gay as in bakla , third gender , beki! Gets?

“Eh kasi naman men , nag dadaydream ka nanaman oh.”

Now playing : Hey daydreamer

“Bakit ba? Masama bang managinip ng gising? Sarap kasi matulog”

“Oo na. Ikaw na. Oh maglalaro daw tayo truth or dare! Kalaro sila Jeff my labs!” uso pa ang truth and dare! 90’s baby kami no! Kaya uso yan saamin! :D

“May labs mo mukha mo! Hahaha! Akin yun! Joke!” haha. Actually di yun joke dahil naging crush ko na nga si Jeff. Sa every weekend ba naman na kayo magkatext magdamagan pa di ka pa madedevelop? Oi. CRUSH lang ha! As in C-R-U-S-H! Haha.

“Eh di sayo tara na nga dun oh. Naghihintay na sila!”

[LEIN POV]

“Sa wakas dumatina na kayo Al at Alex! Antagal e! Haha”

“Nanaginip pa kasi ang prinsesa! Bwuahahaha!” sagot ni Al

“Psh! Let the game begin!” sabi naman ni Alex

Nagpaikot na ng bote ng biglang uh-oh , natapat saakin.

“Truth or Dare” tanong ng aking pinaka bestfriend sa barkada na si Kara

“uhm , dare?”

“Dare pala ha , 10 seconds holding hands with Clint!” sabi nila Powie. Si Clint nga pala ay bestfriend ni Alex na ngayong nag-iinsist na manligaw saakin kahit ayaw ko. May iba kasi akong gusto.

“ha? Seryoso kayo?”

“Ayaw mo? Oh sige kiss nalang oh..” sabay na mapang asar na ngiti nila Powie , Alex , Al , Flip at ng iba pang barkada.

“oo na gagawin na!” kahit labag sa kalooban ko ee ginawa ko na dare naman kase. Pero sana yung crush ko nalang.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

“Dude , ilan na ulit bilang natin? 10 palang diba?” sabi ni Jeff sa barkada ngumiti ng ng aasar.

“Oi. Balak niyo mag 1!?” pag-aapura naman na tanong ni Clint at binitawan na nya kamay ko.

“Ay sorry! 1!” in chorus

Sunod e ako naman ang nagpaikot ng bote ng biglang napaturo kay Jeff.

“u---hm , truth or dare?”

“truth? Nang maiba naman!”

[JEFF POV]

“truth? Nang maiba naman!” yan ang nasagot ko kay Lein. Actually , ayoko sa mga ganitong laro pero dahil ayoko naming masabihan na KJ at andito rin lahat ng barkada ko e sumama na din ako.

“uhm , ano magandang tanong?” sabi ni Lein ..

“sino crush mo?” nang biglang magtanong si Kara. Nagulat ako kasi masyado akong malihim sa mga bagay na ‘to. Kahit nga kay Alex na super close ko di ko masabi na crush ko siya. Oo! Crush ko si Alex. Matagal ko nang napagtanto , kasi super kalog siya at walang dull moments pag katext ko siya. Textmate ko ata yun!

“uhm , si—Maja!” dahil ayokong sabihin ang totoo (tyope ako ok?) nagbigay nalang ako ng crush kong artista. Haha. Baka naman i-accept nila .

“Walanjo naman yan Jeff! Walang artista. Sino na nga kasi?” pangungulit na tanong ni Alex. Patay si Alex na nagtanong. Di lang siya nagtatanong nangungulit na rin.

“I---kaw! Ikaw Alex ang crush ko!” ewan ko ba;t biglang lumabas sa bibig ko. Di nab a ako tyope? Haha. Joke.

Ayiiiiieeee. Uyyy! Ehem. Yan na naririnig ko sa tropa. Tininganan ko si Alex na nakatingin din pala saakin , then I gave her my sweetest smile at ganoon di siya saakin at inalis na niya ang tingin niya saakin.

“Ok , ikot na ulit!” sigawan sila. Natameme ako kay Alex e. Cute niya pag tumawa. Pina ikot ko ang bote at nasakto kay Alex! Ayun time ko na ‘to sana mag truth siya! *cross fingers*

[ALEC POV]

“I---kaw! Ikaw Alex ang crush ko!” sh8 , ba’t ganun! Totoo kaya sinabi niya. Walanjo napapaisip nanamn tuloy ako. Nak ng tokwa’t baboy naman Jeff pinapakilig mo ako!

Ng biglang saakin nap ala tumapat ang bote. Nabigla naman ako kasi nag-iisip pa ako sa mga sinasabi netong mokong na to. Amp. ;/

“truth or dare?” sabay titig saakin. Kailangan ba talaga may titig. Wag ganun matutunaw ako. Bahala ka di ko na masasabi crush kita.

“truth!” haha. Lakas ng loob ko diba? Pero bigla nalang yan lumabas sa bibig ko.

“sino crush mo? With a pang-asar or maybe sweet smile na tanong saakin ni Jeff.

“si Al crush ko! I love you Al! Haha” Mapang-asar ko na sagot. Sa totoo lang tuwing maglalaro kami neto ay kung sinu-sino ang pinagsasabi kong crush ko. Ewan ko ba talaga di ko talaga feel magtapat pero biglang may bumatok saakin “aray! Al ba’t ka pa mapang sakit sa nagmamahal sayo?”

“Gaga! Seryosohin na kasi ang tanong si Jeff nga umamin na oh, it’s your time!” tae may alam ba ‘to? It’s my time na daw? Time na magtapat na crush ko din siya! Paks8!~

“Oo na seseryosohin na, si Jeff.” Napaamin na ako binatukan na ako e. Yoko ng maulit! Masakit!

“Yun naman pala e kailangan ka pang batukan ni Al! Ha? Sino? Si Jeff? Diba crush ka din ni Jeff? Ohmaygad! What’s the meaning of this??” pag-iintrigang tanong nila Kara.

“Move on na!” sigaw ko naman ayoko nang magtanong pa sila.

Now playing: Huwag mo nang itanong

It takes time to call you "MINE" ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon