O n e - The Blue Envelope

102 5 0
                                    

Dedicated to my BFF! ^_^ muahmuah :* xoxo

*     *     *     *     *

*ten-te-de-den

*te-de-de-den

*whistle*

(LOL.pagpasensyahan nyo na po mga readers ang background music! XD ganyan talaga trip ko:P)

“ KINGS UNIVERSITY “

*tot-totot-totototot!*

Welcome to Kings University!

A school for elite people.

Isang paaralan na tanging mga anak-mayaman at galing sa angkan ng mga makapangyarihang pamilya ang nag-aaral dito. Malapalasyo ang dating nito kung kaya ay tunay na napakalaki nito at napakaganda.

*tot-torotot-torototot!*

“ WELCOME PRINCESS! “ magiliw na bati ng mga maids at butler saakin pagkaapak na pagkaapak ko pa lamang sa napakaganda at napakakintab na sahig ng KingsUniversity! Nakakatuwang isipin na tinatawag nila akong Princess! Saka teka? School, may maids at butler? Woaahh. Ibang klase talaga ang Kings University!

Totoo ba ito? Totoo bang nangyayari to? O isa lamang panaginip? Kung oo, ayaw ko nang magising.

*BLAAAG!*

“ Araykupo! “

Bigla akong nagising nang mahulog ako sa kama. Hinimas-himas ko ang aking puwet dahil sa sakit ng pagkakabagsak nito sa sahig. Kawawang puwet!

Hayy. Isang panaginip lang pala iyon. Napabuntong hininga ako. Hanggang panaginip na lang talaga siguro yun na makakapasok at makakapag-aral ako sa Kings University.

*sigh* Sino nga ba naman ako para makapag-aral dun? Isa lamang akong simpleng tao na hindi kabilang sa mga nakakaangat sa buhay.

Hayy. Naku naman. Napakadrama ko eh kaaga-aga. Haha.

Tumayo na ako at inayos ang kama ko. Napatingin ako sa kalendaryo. Malapit na nga palang magpasukan. First year college na ako ngayong taon. Hay. Parang kailan lang elementary pa lang ako. Haha.  Mas lalo ko pang namimiss ang high school! >_<

Dumiretso ako sa kwarto ni nanay.

*tok-tok!*

*tok-tok!*

Walang sumasagot. Siguro tulog pa talaga si nanay. Dumiretso na lang ako sa kusina at naghanda ng almusal.

* * * * * *

Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng bahay. Marami nang tao ang nasa labas. May mga bata nang naglalaro. Nakuu. Mga bata talaga. Kaaga-aga eh naghahabulan na kagad. Pero nakakawili din naman silang panuorin. Nakakatuwang pagmasdan ang mga mukha nilang nakatawa’t nakangiti. Mga inosente at wala pang pinoproblema. Hayy. Sana bata na lang uli ako :D

Naupo muna ako sa may harapan ng bahay namin. Medyo malamig pa yung simoy ng hangin dahil maaga pa naman. Hmmm. Nakakarelax, ang ganda sa pakiramdam. Pinagmasdan ko lang ang paligid ..

“ Magandang umaga Shine! “ bati sakin ni Aleng Lisa, kapitbahay namin.

Mababait talaga mga tao dito sa lugar namin, simple lang mga buhay, kagaya ng samin ni nanay. Tahimik at simple kaming namumuhay, kung ano ang meron nagiging kuntento na kami. Masaya kami ni nanay kahit kaming dalawa nalang at kahit gantong buhay ang meron kami. Kung mapapansin nyo pala kaming dalawa nalang ni nanay ..dahil yung tatay ko daw ay namatay nung ipinanganak ako. Napakalungkot isipin pero ganun talaga. Hayy. Sa picture ko lang nakita ang itsura nya =((

The H.C. Club [EXO-M] Ongoing!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon