Chapter 3 (Close na tayo te?)

15 2 9
                                    

<Adrian's Pov>

"Lorraine? Ikaw ba yan?"

Napatulala nalang ako habang sinasabi sa sarili ko na napaka ganda ni Lorraine sa isang picture nya sa timeline niya....

Naka-Blue sya dun, naka-tali ang buhok, at may make-up na lalong nagpaganda sa kanya...

"Haay! Totoo ba ito?"

Tanong ko sa sarili ko..... Sa kalagitnaan ako ng pagtinggin sa timeline nya ng biglang may nag message sakin...

*Hi

Nakita ko ang profile pic ni Lorraine at tinignan ko agad ang messenger ko...

*Hello!

Sagot ko.... Habang nakangiting nagiisip ng mga bagay na maaaring mangyari

*Alam mo? May sasabihin ako sayo

Ng mabasa ko ang message na yun.... Nagtaka ko kung ano yung sasabihin niya...

*Ano?

Sagot ko at mabilis siyang nagreply

*Ang gwapo mo! Ikaw lang ata gwapo sa room eh!

Nagulat ako nung nabasa ko yun I was like WHAT? Paano?

"Kuya! Kakain na daw!"

Sigaw sakin ng kapatid ko.......
Bumaba ako kaagad at saka tumungo sa lamesa...

"Anong ulam ma?"

"Adobo"

"Eh almusal bukas?"

"Pancit Canton"

"Ahh lunch namin bukas ni Eunice?"

"Menudo"

"Ahhh pwede dagdagan mo ma?"

"Oo na at wag ka na maraming tanong at kumain ka nalang!"

Sagot ni mama na para bang ayaw nya na talaga akong magtanong......

Nakalipas ang ilang minuto, bumalik na ako sa kwarto ko upang mag chat kay Lorraine ..

*Hi? Andyan ka pa?

Tanong ko.... 10 minuto ang lumipas, saka palang siya sumagot...

*Sorry Late reply pero oo andito pa ko may ginawa lang sa bahay!

Reply nya...... Sa mga time na yun.... Parang may mali sa pagmemessage niya....

*Nga pala! Pwede mo ba kong ligawan?

Nagulat ako sa tanong na iyon

*Hah? Ano? Close na tayo te? Seryosi ka ba dyan?

Tanong ko sa kanya at sa sarili ko

*Oo seryoso ko... Bakit?

Hala sya! Bakit? Paano? Ano trip nito? Tingin ko sinabi ni Francis tong pangtitrip na to eh!

*Ah--ehh--Ano--ahh---sus nako patay!

Reply ko na para bang nauutal pa...

*Hah? Ano ba nangyayari sayo?

Sagot nya na para bang gusto niya talagang ligawan ko siya..

*Ahh bakit ba? Ang bilis naman... 1st palang ng school ehh!

Pabiro kong sagot..... Nagulat nalang ako ng bigla siyang nqgsend ng emoji na "😑"

*Oh? Bat ka galit? Galit ka nga ba?

Tanong ko dahil kinakabahan na ko at baka magalit sya...

*Bakit ba ayaw mo? Bakla ka ba? Tss kala ko pa naman straight ka hindi pala

Medyo napikon ako sa sinabi nya kaya nagreply ako

*HINDI!!!! Porket ayaw kang ligawan bakla agad? Sorry ah! Bitter kasi ako at hindi naniniwala sa FOREVER!

Galit na ako ng mga panahon na iyon!

*Tss bakla! Ipagkakalat ko to sa room!

Sa sobrang pikon ko.... Naibato ko yung phone ko.... Hindi naman masyadong malakas kaya hindi nasira..

Di na ko nagreply at binlock ko na siya.... Nag sound trip nalang ako upang makapagpalipas ng oras....

"Haaay! Bwiset! Kala ko mabait yun! Di pala! Mamatay na sya!"

Sabi ko sa sarili ko.... Nagdecide ako na i-chat si Francis upang itanong kung siya ang nagplank ng lahat ng iyon...

*Tol! Sinasabihan mo si Lorraine noh! Gago ka!

Sabi ko na para bang gusto ko ng malaman kung siya nga talaga yun!

*Hah? Ano ba pinagsasabi mo?

Reply niya na para bang wala nga siyang alam....

*Ulol! Takte pinagtitripan mo pa ko at dinamay mo pa si Lorraine ah!

Pagalit kong nireply

*Hah? Alin? Aling account ba nagchat sayo? Yung friend ko na Lorraine? Di naman si Lorraine yung na classmate natin eh!

Luh!!!!! Paktay na!! GG!!.......

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The EndWhere stories live. Discover now