Maaga akong nagising dahil sa sunod sunod na tawag mula sa cellphone ko!
Bwiset naman oh! Ang aga aga pa may nambubulisik na agad sakin.
"Mia, your phone! Ang ingay." inis na inis na wika ni Jasper
"Miaaa! Answer your phone." galit na galit na utos ni Oli at saka binato ako ng unan
Wala na akong nagawa kundi ang sagutin ang bulisik na tawag na 'to! Tsk.
Agang aga sinisira ang araw ko! The eff.
Bago ko sagutin yung tawag ay tiningnan ko muna kung sino ang lintik na caller na ito!
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko
Xavier is calling you.....
Shit naman! Anong trip ng palakang 'to?
Dali-dali kong pinatay ang cellphone ko at ipinatong sa may tabi ng lamp.
Pipikit na sana ulit ako ng may tumunog na naman. This time phone naman ni Jasper ang tumunog! Tsk. Wala ba talaga silang balak magpatulog?
"Xavier? Ikaw ba yan?" nagulat ako sa ginawang pagsisigaw ni Jasper habang may kausap sa phone
Pero wait? Xavier?
"Fafa xavier? Omg! Si Mia? Yup andito siya kaso tulog pa." napamulat ako nang narinig ko ang pangalan ko pero halata pa din sa boses ni Jasper na kinikilig ito
"Okay fafa xavier." ang kire talaga ng baklang ito kahit kelan
Muntik na akong mahulog sa kama ng bigla akong pinagtutulak ni Jasper at hinampas ng unan.
"Ang ganda mo talaga, Miargareth! How to be you po?" kilig na kilig na sambit nito at nagsisigaw pa
At hindi talaga siya nakuntento sa panunulak sakin kasi pati si Oli na mahimbing na natutulog ay binulabog nito.
"Jasp! What are you doing?" pikon na pikong tanong ni Oli dahil sa ginawa ni Jasper na pagbato ng unan sa kanya
"Fafa xavier! Tinawagan nya ako kanina. Dreams do come true, Oli. Natupad na yung isa kong wish! Haha." hindi ba talaga sya makaget-over sa pagtawag ni Xavier?
"Xavier? Yung captain ng Team Hayde?"
"Yup." kilig na kilig nitong sagot at saka nagtatalon sa kama
Hindi na kami nakapagpigil ni Oli kaya bumangon na din kami. Ganito talaga si Jasper kiligin eh! Nakakabulabog ng tulog.
"Ano bang sabi sayo?" antok na antok na tanong ni Oli at saka nag-inat inat
Tiningnan ako ni Jasper at saka tumawa. What?
"Seriously si Mia naman dapat talaga ang balak nyang tawagan but cannot be reach daw. Kaya ayun sakin tumawag! Hehe." hiyang hiya na ikinwento ni Jasper
"Pero wait... bakit naman nya tatawagan si Mia?" curious na tanong ni Oli kay Jasper
Tumabi si Jasper sa akin at saka tinapik ang likod ko "Ang ganda kasi ni Mia. Diba?"
"Maganda ako. Alam ko na yon! Haha."
"Wait.. tama ba ang nasa isip ko?" pinansingkitan ako ni Oli ng mata
Ano naman nasa isip ng babaeng to?
"So siya pala yung tawag na ng tawag sa phone mo kanina?" tatawa tawang tanong ni Oli
"Exactly. Sino bang hindi mabibwisit sa ginawa non?" galit na galit kong tugon
"Eh anong ginawa mo sa tawag nya?"
"I turned off my phone." I answered
"What!?"
"How can you do that? Omg! Haha." hinding hindi makapaniwalang wika nila
Bakit ba?
"Hindi ka ba kinikilig sa ginawa nyang pagtawag sayo? Kung ako yun baka namatay na ako." kilig na kilig na sambit ni Jasper at saka nagtatalon na naman ng parang baliw
Hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat gawin sa baklang 'to! Ang harot din.
Sinimulan ko ng buhayin ang cellphone ko dahil naalala kong birthday nga pala ni Veronica ngayon. She's my cousin from states!
Nagulat ako dahil kumpol na kumpol na texts ang nakita ng mata ko sa cellphone ko at galing lahat ito kay Xavier
Hey! Answer my calls.
Wala ka ba talagang balak sagutin?
Hey miargareth lexi martinex! You're pissing me off.
I'll call Jasper if you didn't answer my calls!
K! I'll call him now.
Matawa tawa na lang ako habang binabasa yan. At talagang nainis sya? Hahaha.
Dapat nga ako pa ang mainis dahil nagising ako sa napakaganda kong panaginip!
To: Xavier
Thank you for calling! Nabulabog yung mga tulog namin.Bakit ko pa ba ito nireplyan? Tsk!
From: Xavier
You're always welcome! Next time answer my calls.Wow! Ang demanding ha.
To: Xavier
What if I don't?From: Xavier
Baka pagsisihan mo lang kaya wag ka ng magbalak na hindi sagutin ang tawag ko!Bakit parang anlayo naman ng ugali nya sa loob ng court at labas ng court? The eff!
To: Xavier
Ano bang kelangan kong gawin para tumigil ka?From: Xavier
Wala naman! Just want to be friends with you.Friends? Seryoso? Eh bakit hindi na lang sina Oli o kaya Jasper ang kaibiganin nito!? May sapak ba ito?
To: Xavier
Sorry but I don't make friends aside from Oli and Jasper! And if you're asking me to be your friend? My answer is no.From: Xavier
Tingnan natin kung hanggan san ang tapang mo Miss Miargareth Lexi Martinex! 😎Hindi ko na sya nireplyan! Nakakainis na palaka.
YOU ARE READING
The Billionare
FanfictionElisse Joson as Miargareth Lexi Martinex --- Hi guys! Sana po magustuhan nyo itong story.