T H R E E

176 10 0
                                    

Andito ako ngayon sa mismo kong opisina dito sa company ni Daddy. Nagtatrabaho pa din ako kahit madami na kaming pera dahil yun ang bilin ni Mommy sakin bago sya mawala. Gusto nyang ipagpatuloy ko yung mga ginagawa nya non kaya I'm now here in my office browsing some documents about sa mga clients namin.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto.

"The door is open." ani ko

Pumasok agad yung secretary ko na si Tifany at may inabot siya na...

Wait? Ano to?

Dali dali syang lumapit sa akin at inilagay sa table ko yung isang envelope

"Pinabibigay po ni Mr. Xavier Lopez."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Binuksan ko na yung envelope at nagulat ako sa nakita kong nakasulat sa loob!

Be my girl

The eff! Dalawang araw pa lang kami magkakilala tapos may be my girl agad? Tsk!

Nakita kong sumisilip yung secretary ko dun sa envelope kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"What?" tanong ko sa kanya

"Wala po." at lumabas na sya sa opisina ko

Itatapon ko na sana yung envelope ng biglang bumungad sakin ang isang lalaki sa harapan ko.

"Don't you dare to throw that envelope in your trashcan! Haha."

The heck! Why is he here? At talagang sa office ko pa ha. Such a stalker! Bwiset.

"Hindi ka ba marunong kumatok muna sa pinto ha?" tumayo ako sa swivel chair ko at hinampas sa kanya yung envelope

"Is that the way how you treat your handsome visitor?" he said while biting his lips

The eff! Stop biting your lips or else...

"Handsome visitor? As far as I knew parang wala naman." at saka umupo ulit ako sa swivel chair ko at itinuon ang atensyon ko sa may computer

Don't mind him, Mia!

Kahit nakatingin ako dun sa computer ko ay ramdam kong nakatingin lang sa akin si Xavier at pinagmamasdan bawat galaw ko.

"Are you done staring at me?" tanong ko pero hindi pa din ako tumitingin sa kanya

"Ganito pala kapag isa kang perpekto ano? Maganda ka na tapos mayaman pa tapos matalino pa." natawa naman ako sa sinabi nya

Compliment ba yon? Well thank you! Haha.

"Anong pakiramdam ng walang iniisip na mga problema?" napatingin naman ako sa tanong nya na yon

Bakit parang ang dami naman nyang problema ngayon? Kahapon lang ang galing mang-asar eh.

"Honestly inaamin kong mayaman ako pero hindi ibigsabihin non ay feeling free na ako sa mga problema sa buhay. Nakakaranas din ako ng problema pero tinatambayan ko lang lahat ng yun. Problems are just problems. Don't let them ruin your life." hindi ko alam bakit biglaang gumaan ang loob ko sa kanya

"Ang tapang mo no?" tinawanan ko lang sya

"Kung yun ang tawag mo then I am." I said

"Naranasan mo na bang mainlove?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya

The heck! Anong klaseng tanong to?

"What?! Are you effin serious to asked me that kind of question?"

"May mali ba sa tanong ko?" he asked

"Wala naman! Ayoko lang talagang pagusapan ang ganyan kasi love is not fucking real." I said at binalik ang atensyon ko sa harap kong computer

"Wow! Yung mama at papa mo ba hindi nagmamahalan? Grabe ka naman." bigla kong naalala si Mommy

There's no love between my mom and dad. At una pa lang ay alam ko na ang katotohanang yon! They always fight nung bata pa ako. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa nila ako ginawa kung ipapamuka lang naman nila sa akin kung gaano kamiserable mamuhay sa mundong ito. Dad always flirts with other girls while Mom always cry! Sa bawat pag-iyak ni Mommy ay andun ako. Then one day dumating yung araw na nahuli na talaga namin si Daddy na may iba na pala siyang  pamilyang pinapakain bukod sa amin. At ang pamilyang yun ay pamilya ni Mrs. Gina! Hindi nakayanan ni Mom ang sakit because Mrs. Gina is her friend and that day ay ang araw na nawala siya.  She felt betrayed by her friend and her husband. She died because of heart attack! At simula nung araw na yon ay nakikita kong palagi ng kasama ni Dad ang babaeng yun hanggang sa makabuo sila ng mga anak nila. While me? Tinuturing nya pa din naman ako bilang anak nya pero hindi ko pa din matanggap hanggang ngayon yung panloloko nilang ginawa sa Mommy ko! And that's the reason why I don't believe in love.

"Are you okay?" tanong nito sakin

Mukha ba akong okay? Tssk! Isa pa tong palaka na to eh. Dagdag sa problema ko!

"Maiwan na kita dyan. May kelangan pa akong gawin! And please wag mo na ulit bangitin sa harap ko ang mom at dad ko." I said and leave him alone inside my office

Nagtatakbo ako papuntang parking lot. Hinanap ko ang kotse ko! At ayun nakita ko na.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse ko ng may narinig akong umimik.

"Mia." pamilyar yung boses nya

Lumingon ako sa may gawi nya. I saw my little sister from the side of my Father! The heck.

"We're not even close kaya stop calling me 'Mia'. Tsk! Bakit ka andito?" I asked

Halata naman ang pagkabigla sa mukha nya

Her name is Chelsea Reyes. She's 15 years old and I'm 18 years old! Sya yung panganay na anak ni Mrs. Gina and Daddy. So bale 3 years old pa lang ako nung tinatraydor na kami ni Mrs. Gina at Daddy! And fresh pa sa utak ko ang mga ginawa nila.

"May pinasasabi si Daddy sayo." halata sa boses nya ang pagkatakot

Matakot siya kung matakot! I don't care.

"What?" I asked

"Sa bahay ka daw umuwi mamaya dahil may dinner with Lopez Family."

Wait...lopez? Bakit si Xavier agad pumasok sa isipan ko? Siguro same surname lang naman.

"I'm not sure na makakapunta ako. Ang dami ko pang gagawin! Sabihin mo na lang sa kanya ang mga sinabi ko." sumakay na ako sa loob ng kotse ko at lumabas na sa parking lot

Naiinis talaga ako pag nakikita yung mga anak ni Mrs. Gina at Daddy! Nagtitimpi lang talaga akong tarayan si Chelsea dahil may pagkasumbungera yung babaeng yun. Hindi lang halata!

The Billionare Where stories live. Discover now