Bakit ba andami nitong alam tungkol sakin?
"I got a mind full of unsaid things." yan na lang ang nasabi ko
"Hindi naman kita masisisi kung bakit naging ganan yung ugali mo." napatingin naman ako sa sinabi nyang yun
Mang-iinsulto na naman ba ito?
"At saka i'm sorry about sa kanina. Yung question ko about you--" I cutted him
"Wag mo na lang ulitin." I said
Tumango lang naman siya at nagsmile. Bakit ang bait naman nito ngayon? Seriously! Kakaiba ang palakang to ha. Paiba iba ng ugali.
"About naman kina chelsea. Paano mo sila pinakikisamahan?"
Bakit ganito ang mga tanong nito? Hayy!
"We're not in good terms! That's my answer. And wala akong balak na makipag-ayos sa kanila! Tsk."
Ayoko talaga sa lahat ay ang pinaguusapan ang pamilyang naging dahilan ng pagkawala ni Mom
"I see. Kaya pala parang hangin lang kanina sila sayo." napansin nya pala yun
"Wala naman kasalanan yung mga bata pero bakit nagagalit ka din sa kanila?"
Hindi ko alam kung ano ang irereaksyon ko sa sinabi ni Xavier. Bakit parang mas pabor siya kina Chelsea?
"So kampi ka sa kanila? Then go! Leave me alone." halata sa mukha nya ang pagkagulat nung sinabi ko yan
Nakakainis naman kasi. Parang pinapalabas nya na dapat hindi ako magalit sa mga bata dahil hindi naman sila ang may kasalanan! But yung Mama nila. Yung mama nila yung may kasalanan ng lahat ng to! Kaya dapat pati sila nagdudusa. Namatay ang Mama ko because of them! Sa tingin ba nila maaawa ako sa kanila?
"Ang taas kasi ng pride mo! Bakit ba ayaw mo mag-move on na lang?" mas lalong nagdiklap ang paningin ko ng sinabi nya yan
Bakit ba napaka-pakielamero nito? Hindi nya alam ang naramdaman ko ng mga panahong lumalaki ako ng wala ang Mama ko! Hindi nya alam kung pano ko nakayanan na mabuhay ng wala ang nagiisang mahalagang tao sa buhay ko.
Tapos sasabihin nyang mag-move on ako? Yup 15 years ago na simula nung nawala si Mommy. Labing limang taon na din akong nag-aantay na sana joke lang lahat! Sana joke lang yung pagkawala nya. Pero hindi eh! Totoong wala na yung nagiisang nagmamahal sakin. At ang hirap para sakin ang salitang move on lalo na at nakikita kong masaya si Daddy ng dahil lang kay Mrs. Gina at sa iba nya pang anak!
"You've never been aware of what i feel."
Tumayo na ako at iniwan sya sa may garden at pumasok na ako sa loob ng bahay.
"Dad, uuwi na ako sa condo ko. May pupuntahan pa ako bukas." nagpaalam na ako sa kanila
"Sige ingat ka, hija. Baka kelangan mo ng maghahatid sayo pauwi?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Papa ni Xavier
Don't tell me...
"Mahirap na at baka mapagtripan ka ng mga lalaki dyan sa labas." pagsegundo naman ng Mama ni Xavier
Huhuhu anong gagawin kong palusot?
"May dala naman po akong kotse kaya safe na safe ako."
"Gabi na din, hija. Mas mabuting may maghahatid sayo." ani ng mama ni Xavier
"I can mana--" someone cutted me
"I insist. Ako na ang maghahatid sayo."
Juskolord! Bakit ba ako pumunta sa dinner na ito? Para saan ba? Huhuhu! Ayoko ng makita ang pagmumukha ng palakang ito pero bakit parang iba ang nangyayari?
"No need. A-ano magpapasundo na lang ako kay Jasper! Hehe."
"Miargareth? It's already 10 pm and sa tingin ko tulog na si Jasper." shit naman ang palakang ito! Nananadya ba talaga ito?
"Sige na. Magpahatid ka na kay Xavier dahil may tiwala naman ako dyan." mas nagulat ako sa sagot ni Daddy
Hindi nya ako pinapasabay kahit kaninong lalaki pero bakit kay Xavier payag sya? Huhu
"Sige na ingat kayo." paalam nila
Pagtalikod namin ay napairap na lang ako. Wat a bad day!
Sumakay na ako sa kotse at dun ako umupo sa driver seat. Bahala siyang mabored dahil hindi ko talaga sya kakausapin! Hayst.
"Ikaw ang mag dadrive?" tanong nya ng may pag-aalinlangan
Ano namang tingin nito sakin? Hindi maalam?
"Fasten your seatbelt dahil posibleng ibanga ko tong sasakyan ko! Tss." I hissed
Pakinig ko naman ang pagtawa nya. Akala ko pa naman mabait na ang lalaking 'to! Akala ko lang pala. At mananatili lang itong akala!
I started driving...,
Narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko kahit na nagdadrive ako.
"Stop using your phone when you are driving because sometimes it can cause a car accident." kinuha nya ang phone ko at sya ang nagbasa nung text
"What are you doing?! Give me my phone! Or else hindi ako magdadalawang isip na ibabangga ko ang sasakyang sinasakyan natin ngayon." pananakot ko sa kanya kaya dali dali nyang binigay yung phone sakin
Takot din naman pala mamatay ang palaka na 'to! Heh.
"Unknown number texted you. Sino kaya yun?" he asked
Sandali ko munang itinigil ang sasakyan at binuksan yung text.
From: Unknown number
Even though at times I want to hate you, I know I never will. Pinapatawad na kita! :(The eff! Sino naman 'to?
"May I see?" biglang kinuha ni Xavier ang phone ko at saka binasa
"Hype! Give me my phone! Shit."
Binalik nya na sa akin ang phone at saka tiningnan ako ng masama.
"Who the hell texted you that?"
Wow! Bakit para namang galit ito? Wait... hahahaha
"So what?"
"Start the engine! Para makauwi ka na ng mabilis." utos nya sa akin
Ibang klase talaga ang mood ng lalaking ito! Di ko maexplain. Dinaig pa ang babaeng naglilihi

YOU ARE READING
The Billionare
FanfictionElisse Joson as Miargareth Lexi Martinex --- Hi guys! Sana po magustuhan nyo itong story.