Dyosa Problems(One shot)
Dyosa's POV
"Magandang umaga Dyosa ;) "
salubong sakin ng isang lalaki
"Ano ikinaganda ng morning kung ikaw agad ang nakita ko? " sagot ko sakanya
Ayun naiwan na tulala
Lagi nalang ganito scenario sa school kada pagpasok ko lagi nalang may bumabati sakin, pero sinusungitan ko lang.
Masyado ba akong mean? Hindi naman, mas mean sila. Kunwari lang mababait yung mga yan lalo na yung mga lalaki didikit sila sakin para maging popular sila mga manga-gamit no?
Halos lahat nalang ata sa school gusto maging popular. Ano ba meron sa pagiging popular? Makakatulong ka ba sa Pilipinas dahil don? Ikauunlad ba yan ng bansa? Diba hindi?
Wala nga akong matinong kaibigan sa school na to eh bilang lang yung tunay. Tinagurian kasi ako sa school bilang "Campus Goddess" oh diba? Bongga!
Pero ni minsan di ko hinangad yan. Kuntento na kasi ako kung ano ang meron ako.
Pag nasa mood ako mabait ako sakanila, pero ngayong wala ako sa mood. Buwisit sila wag nilang hilingin na kausapin ko sila ng matino.
Kabisado na kasi nila ko.
"Mas maganda ka pa sa umaga dyosa! *wink*" sabi ng lalaking di ko kilala. Jusme naman, kikindat nalang eh pang aswang pa!
"Alam kong maganda ko di mo na kailangang sabihin. Kitang-kita naman ang ebidensya. Tandaan mo ha? May binabagayan ang pag kindat yung sayo kasi para kang napuwing!" sagot ko sakanya, pasalamat pa siya pinansin ko siya eh!
Tumakbo na ko papuntang room! Shemay naman late na ako dahil sakanila. Bdtrp -_-
"Dyosa Venus Diaz! Bakit ka na late sa klase ko?!" sigaw ng terror teacher ko
"Eh Ma'am sorry na po, di na po ako magsisinungaling na late po kasi ako ng gising. Alam ko pong di katanggap tanggap ang aking kadahilanan ngunit ito ang totoong nangyari" depensa ko
Nagpalakpakan mga classmates ko bwisit sila. Lagot sakin mamaya yan!
" Magaling Dyosa at di ka nagsinungaling, at dahil sa iyong malalim na tagalog, ikaw ay pinapayagan ko nang umupo"
Ngumiti lang ako. Gulat kayo sa pangalan ko no? Wala eh. Malakas trip ng magulang ko at yun ang pinangalan sakin. Kaya nga ako sumikat dahil diyan eh syempre dahil din sa mala-dyosa kong taglay na kagandahan at katalinuhan. Lagi akong top 1 sa class ko. Ang yabang ko hano? Sorry na.
Natapos na ang klase namin sa first subject. Swerte namin dahil may meeting ang mga teachers kaya free time namin.
Pinaka solid ang class namin nagkakasundo-sundo kami sa mga trip namin. At TUNAY na magkakaibigan kami. Yan lang totoo sakin sa school.
"Guys! Recess tayo! Treat daw ni Zackrey!!!!" sigaw ko sa klase.
Nakita ko namang nagulat si Zackrey sa sinabi ko, siya lang naman kasi pinakamayaman samin. Hindi naman sa pagmamayabang mayaman din naman pamilya namin pero trip ko talaga si Zackrey ngayon. Di naman makakatanggi sakin yan! BB(Best Buddy) ko ata yan
"Diba treat mo BB?" pagpipilit ko sakanya
"Huuu ayoko nga" sagot niya
"Pleaseee *insert puppy eyes*"
"Sige na nga!"
Nagpalakpakan naman ang mga abnoy kong classmates.
Habang papunta kami sa cafeteria may humarang saming mga kababaihan. Para na kaya silang clown sa kapal ng make up. Buti pa ako di gumagamit nun.
BINABASA MO ANG
Dyosa Problems (One Shot)
Cerita PendekPag ba DYOSA di na puwedeng magkaroon ng lovelife?