chap 37

203 6 1
                                    

Chapter 37

Vote and comment naman diyan! ^___^

Lance pov

Hawak hawak ko parin hanggang ngaun yung cellphone ko, ilang beses ko ng pinagisipan kung tatawagan ko ba talaga si baby ri ko, oo meron na kong number nya pero ang nakakalungkot na part kailangan ko pang kopyahin ng palihim yung number nya sa cellphone ni mae bago ko nagkaroon ng copy T . T, maya maya kicall ko nanaman tapos pinatay ko ulet bago pa nagring, kinakabahan kasi ko baka kasi magalit sya pag nalaman nyang kinuha ko yung number nya at masigawan pa ko, kaya ayan tuloy pipindutin ko tapos end bago magring ano bang nangyayari sakin nababakla na yata ako!!!! Maya maya naisipan ko na talagang hayaang magring yung tawag. Bawat pag ring yata kinakabahan ako! Bwisit ano ba talagang ginawa ng babaeng to sa sistema ko!!!!! Kainis!!! Pero matapos ang ilang pang ring walang sumasagot!!! Ilang beses ko pang kicall pero wala namang sumasagot ngaun kaya naman inis kong pinaulit ulit syang tawagan. Mamaya bigla akong nakarinig kong may sumagot na sa kabilang linya nahigit ko yung hininga ko. "Kung sino ka man siguraduhin mong mahalaga ang sasabihin mo dahil ginising mo ko ng madaling araw para lang sa tawag mo!!!" Nakakakilabot na sabi nya agad pagkasagot nya kaya naman napatingin ako sa wall clock ko, napalunok naman ako ng ilang beses nung makita kong 2:35 am na pala!!!!

"Ri si la-lance to pa-sen-sya na" nauutal na sabi ko pa. Pero isang singhal lang ang natanggap ko bago nya ko pinababaan ng phone. Buti nalang talaga hindi nya ko sinigawan! Maya maya Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko

----------------------

Pauwi na sana ko sa condo nung nakatanaw ako ng isang babaeng kamukha ni ri ko na naglalakad papunta sa isang madilim na eskinita, kaya naman binagalan ko pa yung pagpapatakbo ko ng sasakyan. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya para masiguro ko kung si ri nga yung nakita ko. pinark ko nalang din yung kotse ko at tinahak yung daan papunta sa madilim na eskinita, ramdam ko pa yung panginginig ng tuhod ko para kasing may pakiramdam akong hindi maganda. Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko hanggang may nakita akong bulto ng tatlong lalaki saka isang babae. Lalong kumabog ng mabilis yung dibdib ko kasi baka tama ako na si ri yung babaeng yun. Biglang lumingon yung isa dito kaya naman mabilis akong nagtago sa gilid ng pader hindi ko alam kung nakita nya ba ako o hindi, pero nung naramdaman kong papunta na sya sa pwesto ko nakunpirma ko na nakita nya ko dahil naririnig ko yung yabag nya papunta sa pwesto ko. Bigla nalang may nagsalita kaya napatigil sya sa paglalakad. "Sawa na ba kayo sa buhay nyo? dahil sisiguraduhin kong wala na kayong buhay mamaya dahil sa pagpasok sa teritoryo namin" mayabang na sabi nung nagsalita. Lalo tuloy akong nakaramdam ng takot at kaba sa dibdib ko, hindi ko tuloy maigalaw yung buong katawan ko.

"Kami mapapatay ng tulad nyo lang? Nagapapatawa kaba?" balik sagot naman nung isang lalaki.

"Ang yabang mo ha?!!!"

"Kayabangan na pala ang pagsasabi ng totoo?!" Sagot ulet ng isang lalaki

"Sige sugurin nyo na yan!!! Itira nyo nyo lang yung babae para may libangan ako mamaya"

"Wala sa kanila jace umalis na tayo"

yung takot ko kanina para bang dumoble pa dahil sa pamilyar na boses na yon!!! Hindi ako pwedeng magkamali si ri yon! Kaya naman kahit takot na takot ako sinubukan ko ng igalaw yung katawan ko para dumungaw sa pinagtataguan ko at tingnan kung si baby ri ko nga yon. Nakatalikod yung babae kaya naman hindi ko agad makita. Sana hindi si baby ri yun kasi hindi ko alam paano ko sya ililigtas sa dami ng natatanaw kong kalaban.

Alex pov

Ring ring ring ring

"Bakit?" -___-

"Ano ba naman yan babe bakit agad bungad mo hindi ba pwedeng i miss you and i love you muna?" Nakakalokong tanong pa ni jace"

"Sige mamamili ka bakit ang unang maririnig mo o i love you pero hahanapan kita ng kabaong na kasya ka?" May pananakot na sabi ko pa.

My Cold Girlfriend ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon