Chapter 39

125 3 1
                                    

Chapter 39

Alex pov

Pagdating ko sa airport tahimik kong minamasid ang mga mata sa paligid, para mabilis kong makita ang pagdating ng babaeng mamaaring makapagturo samin sa dark knights. Hindi naman ako nabigo nung nakita ko ang pagdating ng mga lalaking nakaunipormeng itim at paglapit sa isang babae. Mabilis nila itong inalalayan at kinuha ang mga dala nitong maleta, mabilis naman ako sumunod dito ng may pagiingat.

Inip na inip ako habang may pagiinat na sinusundan sila, dahil mabagal lamang ang takbo nito. Lumiko ito kaya naman lumiko din ako, mas binagalan ko yung pagpapatakbo nung kumonti na yung sasakyan sa karsada para hindi mapansin ang pagsunod ko. Pumasok ito sa isang exclusive subdivision kaya naman inis akong napahinto sa gilid ng kalsada. Mabilis kong nilabas ang cellphone ko at tinawagan si jace, nasagot naman nya ito agad.

"Babe, napatawag ka?"

"Jace nandito ko ngaun sa tapat ng Rimoso subdivision, hindi ako nakapasok kaya hindi ko nalaman kung saan yung mismong bahay nya, ikaw ng bahalang umalam, kanina pa kasi ko tinatawagan nila mommy."

"Para namang may choice pa ako?" Nagrereklamong sabi nito, kala mo naman busy, parang hindi ko naman alam na pambabae lang ang ginagawa nito.

"Kiss ko after babe ha" Habol pa nito.

"Tsss" singhal ko nalang bago ko binababa yung tawag at mabilis ng umalis para pumunta sa mansyon. Napabuntong hininga na lamang ako sa isiping magkikita nanaman kami ni sir. Birthday kasi ni mommy ngaun, siguradong sobrang magtatampo yun pag hindi ako sumipot. Kainis naman kasi, bakit ba natapat pa sa birthday ni mommy sa pagdating nung babaeng yun.

++++++++++++++++++++++++++++

Paglabas na paglabas namen nila coleen sa classroom, mukha agad ni yabang ang nakita ko na ngiting ngiti sakin, pero binigyan ko lamang ito ng poker face. Muntik pa kong matawa nung nakita kong nawala ang malaking ngiti nito at sumimangot, tss para talaga itong bata.

Habang naglalakad kami sa hallway, may kakaibang pakiramdam ako na may nagmamasid samin. Kaya maingat kong pinagmasdan ang paligid at shit! Meron nga!!! Hindi ko maiwasang kabahan dahil kasama ko ang mga kaibigan ko. Kaya mabilis akong humarap sa kanila at nagpaalam.

"Mauna na ko sa inyo, may dadaanan pa kasi ko" malumanay na paalam ko.

"Sasamahan nalang kita ri!" masiglang sabi agad ni yabang.

"Wag na" tanggi ko.

Nagpout muna ito bago ulit nangulit "Sige nanaman ri" nakikiusap na sabi ni lance, kaya naman napakunot ang noo ko at sinamaan ito ng tingin dahil sa kakulitang pinapakita pero hindi man lang ito natakot sa halip ay pinilit ang gusto!!!!

"Sinabing wag na nga!" Inis na sigaw ko na nakapagpagulat sa lahat. Napailing pa sila coleen sakin pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin.

Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad, dahil habang tumatagal na kasama ko sila lalo akong nangangamba sa kaligtasan ng bawat isa.

My Cold Girlfriend ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon