chap 32

270 4 0
                                    

Chapter  32

Alex pov

Nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko, kaya tamad na kinuha ko ito at tiningnan muna sino yung caller. ( mommy ) kaya mabilis ko itong sinagot. Kinamusta lang ako ni mommy at pinababa na nya. Napatingin naman ako sa orasan at 6:30 am kaya hindi ko na nagawang bumalik sa higaan ko at dumertso na agad sa banyo para maligo pagkatapos kong maligo at magbilis. Dumeretso na agad ako sa parking at pumunta sa pinakamalapit na fast food, siguradong mamimis ko yung mga luto sa bahay pero mas maganda na rin tong wala na ko sa mansyon dahil makakalabas na ko kahit anong oras ko gusto.

  

@ Classroom

Nakita ko agad si coleen na nakatingin sa akin ng seryoso, ngitian nya lamang ako ng tipid pagkaupo ko sa tabi nya hindi sya nagtanong ng kahit ano dahil batid nya sigurong wala akong balak magkwento ngaun. Sila mae naman nagtanong lang kung bakit ako absent kahapon. Sinabi ko na lamang na may emergency nangyari, hindi na naman na sila nanghingi ng details dahil siguro pansin nilang wala akong mood.

Discusssss…….discusssss………discussssss….lunch break.

Coleen pov

Mabilis natapos yung klase namin, papunta na kami sa cafeteria ngaun, hindi ko na kinulit si alex dahil kahit hindi naman nya sabihin alam kong wala sya sa mood magkwento, nakarating kami sa cafeteria na kami lang nila mae ang naguusap.

@ Cafeteria

Nauna ng pumunta sa counter sila mae, kaya binalingan ko naman sa likod si alex.

"Ayos ka lang?"

"Hmmm"  simpleng sagot nya.

"Anong gusto mo, ako na ang oorder para sayo."

"Ako na" tinanguan ko na lamang din sya at sumunod na kila mae. Naramdaman ko naman sumunod na rin sya.

Pagkatapos naming umorder, tahimik lang kaming kumakain habang naguusap ng konti konti. Napapasulyap naman ako sa pinsan kong Sobrang tahimik. Pagkatapos naming kumain tumuloy na kami sa classroom namin at mabilis namang natapos yung buong hapon at uwian na. Nung uwian na hindi ko na talaga natagalan kaya naman sinundan ko sya sa pupunta sa parking lot sa likod ng gym. hindi ko muna pinansin yung takot ko nung sumakay ako sa passenger seat hindi naman sya nagreak.

"kala ko pa naman talagang hindi mo ko kukulitin ngaun, kasi hindi mo kinulit kanina" nakangising sabi nya pa

My Cold Girlfriend ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon