SHEENA’S POV
Kakatapos ko lang maligo at ngayon ay nagsususklay na ng buhok ko nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko to sa may kama at tinignan kung sino ang nagtext.
---
FROM: CARMINA
Sheena, last day mo na sa Tarlac diba? Magbonding naman tayo kahit 2 oras lang. Sige na, please. Nagtext na rin ako kay Macha. Gora naman siya at yung iba. Kita na lang daw tayo dun sa bahay nina Macha.
---
Nang mabasa ko ang text niya e napasimangot na naman ako. Bakit ba palagi na lang pinapaalala na aalis na ako. Nakakainis naman e. Tss. Nga pala, kung nagtataka po kayo kung bakit ako ininform na sa bahay ni Macha ang meeting place gayong magkabahay lang kami ni Macha dahil yun sa kadahilanang nakastay po ako sa bahay ni Tita Rose ngayon kasama ang family ko. Di naman makasama ang family ni Macha dito since si Tita Rose e asawa ng kapatid ni Tatay. Remember, magpinsan kami ni Macha sa side ni Nanay at hindi sa side ni Tatay. Nagtipa na ako ng reply para kay Carmina.
---
TO: CARMINA
Carms, busy kasi ako ngayon e. Nag-aayos na kami ng mga bagahe namin. Then after that, didiretso kami ng La Union para magpaalam kina Lola. Kinabukasan, off to Cebu na kami kaya I’m not sure if masisingit ko pa yan. I’m so sorry, Carms. I badly want to go there too para makabonding kayo for the last time but I think I can’t. :’(
---
Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng sarili ko. Maya-maya, tumunog na naman ang phone ko. This time, 4 na po ang nareceive kong messages. Lahat e galing sa mga tol ko. Pinipilit lang naman po nila ako na bigyan sila ng time for the last time. Uh-oh! Are they pressuring me? I really wanted to go there but I just can’t. Frustrated na nga parents ko sa dami ng bagahe na inaayos. Kailangan kasi maayos yun before pa kami sarhan ng 2GO.
Magtatype na sana ako ng irereply ko nang magulat ako sa muling pagtunog ng phone ko. Tumatawag si Macha. Ugh, san ba pinaglihi tong mga barkada ko? Bat ang kulit-kulit? Actually, iniiwasan ko na rin sila kasi ayokong umiyak na naman ng isang balde. Haha. Huminga muna ako nang malalim before ko tinap ang answer button ng phone ko.
“Hello?” bungad ko.
[“Hoy, bakulaw ka. Masasapok na kita dyan. Punta ka dito sa bahay, now na. Magswimming tayo before ka umalis kahit isang oras lang. Nakapagpaalam na si Amary kay Fr. Rimando na gagamitin natin yung pool. Dali na! Ligo tayo. Nakapunta ka na dun diba? So refreshing. Hihi.”]
Okay! Si Macha na. Si Macha na ang madaldal. Nagspeech na siya. Haha. “Chill! O, hinga ka muna Macha baka kapusin ka ng hininga dyan. Haha” pagbibiro ko sa kanya at para na rin malihis ang pinag-uusapan namin.
[“Kilalang-kilala na kita Sheena ha. Wag kang nagchachange topic dyan. Punta ka na kasi dito. Imbes nakastart na tayo e, nandyan ka pa rin, nag-iinarte.”]
Hala! So, binansagan niya na ako ng maarte ngayon? Oh c’mon. “Macha, di na talaga pwede. Mainit ang ulo nina Nanay ngayon. Ayoko ng sumabay pa dun noh. Nakakatakot.” I said, as a matter of factly.
[“Hay, ako ang kakausap sa kanila. Ibigay mo sa kanila ang phone. Ayaw kitang kausap. La kang kwenta.”]
“Masusunod po, mahal na prinsesa.” Wala na kong nagawa kundi ang ibigay kay Nanay ang phone. Alam ko naman na di rin ako mananalo kay Macha e. Mabait kasi ako. Haha. Mabait din si Macha ha. Yun nga lang, mas mabait talaga ako. Secret lang po natin yun ha? Hihi.
Ayoko ng pakinggan ang usapan nila ni Nanay. Alam ko naman na di ako papayagan e.
“Oh, nak. Kunin mo na oh.” Tawag sa akin ni Nanay matapos ang isang minute lang yata yun e.