x=x=x=HARLEY=x=x=x
Kasalukuyan akong nandirito sa loob ng sasakyan ng aking kakambal. Ngayon na kasi ang panahon na iiwanan na namin ang aming tirahan at tumira sa isang pribadong dormitoryo. Nasa kolehiyo na kasi kami ng aking kakambal. Pati na rin ang aming mga kapatid.
Hindi pa kami makaalis dahil hinihintay pa namin ang aming Ama na dumating mula sa pinata-trabahuhan nito. Ako pa lamang ang nasa loob ng sasakyan dahil may ginagawa pa ang aking mga kapatid. Tinutulungan na rin ang aming Ina sa pag-aayos ng mga kagamitan na kakailanganin namin.
Nang lalabas na sana ako para tumulong ay biglang pumasok na ang aking mga kapatid. Tumabi saakin si Harvey dahil siya ang magmamaneho ng kaniyang sasakyan. Habang si Kuya Hayson ay umupo sa may likuran.
"Nagpaalam kana ba kay Papa, Harley?" Seryosong tanong ni Harvey. Hinagod ko ang likod niya bago umiling. Inalis niya ang kamay ko mula sa kaniyang likod bago ipagtulakan palabas ng sasakyan.
Hinampas ko ang kamay niya at nag-kusa ng lumabas ng sasakyan. Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng kotse ay sinalubong na ako ng aking Ama. Lumapit ako sa kaniya kaya binigyan niya ako ng isang nakapag-pipigil na hiningang yakap.
Katulad ng aking pagkakasabi, isang nakakapag-pigil na yakap ang binigay saakin ng aking Ama kaya nahirapan na akong huminga. Tinapik ko siya sa kaniyang balikat kaya binitawan niya na ako.
Nginitian niya ako bago magkaroon ng luha sa kaniyang mga mata. Tumawa ako ng mahina bago siya iwanan duon sa labas. Sumakay na ulit ako sa sasakyan at nag-suot ng seatbelt. In-start na ni Harvey ang makina at nag-umpisa ng mag-maneho.
~Makalipas ang ilang oras~
Inalis ko kaagad ang seatbelt ko nung kinalabit ako ng isang demonyitong Lalaki. Nakakainis! Ang ganda na ng panaginip ko ehh. Nagi-slow dance daw kami ni Bryle Anthonny George.
"Ano ba, Harley? Wala ka ng balak bumangon? Bahala ka diyan! Iiwanan ka na lang namin ni Harvey!" Bulyaw saakin nung kumalabit saakin. Minulat ko ang mata ko at tama nga ang aking hula. Si Kuya Hayson ang gumigising saakin.
Kinusot ko ang aking mga mata bago siya itulak pagilid. Lumabas na ako ng sasakyan at inikot ang aking paningin sa paligid ko. Ang ganda nitong lugar. Ang ganda ng school.
Muntikan na akong mapasigaw nung may humawak sa braso ko. Tinignan ko iyon at nakita ko ang aking nawawalang kapatid. Si Ate Hannah. Siya ang kambal ni Kuya Hayson. Naunahan kasi ni Ate Hannah si Kuya Hayson sa pag-aaral kaya isang taon ang agwat nila sa kolehiyo.
"Hoy!" Alog saakin ni Ate Hannah kaya natauhan ako. Tumawa siya ng mahina bago ako akbayan.
"Welcome to Faith University." Pagwe-welcome niya saakin. Nginitian ko nalang siya bago alisin ang nakapalupot niyang braso sa batok ko.
It's not that hindi ko gusto si Ate Hannah. Favorite ko nga siya eh. It's just... hindi talaga ako sanay sa mga physical contacts. Baka makasapak pa ako.
Mahilig kasi akong manakit kapag nagugulat ako or may nagbibigay saakin ng pisikal na contact. Bigla akong hinawakan ni Ate ang aking pulsuhan at hinila na ako papasok ng Unibersidad na papasukan ko/namin.
Pagkapasok ko palang ng Unibersidad ay puro estudyante na ang bumungad saakin. Napakaraming estudyante hindi katulad noong ako ay nasa sekondarya.
BINABASA MO ANG
Dormitoryo
Misteri / ThrillerAng lahat ay may hiwaga. Hiwagang hindi mo maintindihan kung bakit nangyari. Ngunit habang natutuklasan mo ang lahat ng hiwaga'y mapapagtanto mong parang may mali sa lahat ng mga ito. Hulaan tayo?