Chapter Twenty - The FIRST DATE. No Way!

94 2 2
                                    

CHAPTER TWENTY

Alex’s POV

“Alex.” That’s her voice. Oh I miss her voice.

“Angel? Bakit ngayon ka lang nagparamdam ano to? Niloloko mo ako? Ha? Alam mo ba na nag-aalala ako. Wala kaming internet connection ngayon. Hindi ko na macontact yung number mo. Ano bang nagyari sayo!” kahit miss na miss ko na sya pinili ko parin na maging matigas. Ayokong ipakita na tuwang tuwa ako. Kunyari galit ako. Tama. Dapat ganun. Kasi ako yung lalaki dito.

“I lost my phone..”  Ano daw? Kaya siguro hindi sya nagpaparamdam ng ilang araw kasi may nangyaring masama sa kanya. Baka naholdap sya. O nakidnap. O kaya… wag naman sana! Ano yun yung mga manyak na yun ang makakauna saakin. Aba! Hindi dapat yun. Ako itong nagpipigil sila ang kukuha! Papatayin ko sila!

“Bakit? Ha? Anong nangyari Ok ka lang? Naholdap ka? Ano?” wag mong sabihing na-rape ka.

“No. I just lost it. And i found out something..”  found out something? Na buntis sya? Parang ambilis naman. Di ba ilang linggo pa yun? Eh kailan lang nawala yung cellphone nya.  Baka may cancer sya. O isang malubhang karamdaman. Ganun namamatay yung mga babae sa love story eh. Hay! Kaya ayoko mainlove.

“Ano yun?”

“That, Alex ILOVEYOU. Seriously....”  sus. Yun lang pala. Ano daw????

“Angel. Paulit.”

“Ayoko.”

“Dali na. di ko narinig.”

“Sabi ko. Mahal na kita Alex. Wag ka ng maghintay ng one month sa sagot ko. We’re official.”

“Ba-ba-bakit?”

“Alex. Ako lang ang nauutal saatin. Hindi bagay sayo ah.”

“Iba kasi yung nasa isip ko kanina..”

“Ano yun?”

“Wala. Nevermind. Angel feeling ko pwede na akong maging writer gaya mo.”

“Hahaha. Nagjojoke ka ba? Baket?”

“Gusto ko lang isulat yung mga nangyayari ngayon. Finally. Masasabi kong akin ka na! ILOVEYOU my Angel.”

“ILOVEYOUTOO my Alex. Sige kinukuha na ni Anika yung cellphone nya. Tatawag nalang ako pag nakabili na ako ng bago.”

“Sure. Date tayo Angel.”

“Date? Sige ba.”

“Sa Monday ha. Kita tayo sa school.”

“Sige. Bye.”

“Bye.” Feeling ko lumulutang ako ngayon. Hindi naman ako nagdadrugs pero NAAADIK AKO \m/

Angel’s POV

Ang tagal naman ni Alex. Ang aga ko pa naming nagising dahil napakaexcited ko. Nag-ayos pa ako ng bongga. By the way may bago pala akong cellphone. And Alex texted me regularly. Napasweet talaga! :3

30 minutes ago…

Wala pa rin sya. Nagugutom  na ako. I check my bag baka may candy man lang. wala. Bibili nalang ako sa canteen.

1 message received

Sorry. Traffic eh! Amp.

Sender: Alex

I replied:

Dun lang ako sa canteen.

Naglakad na ako papuntang canteen mejo malayo layo pa yun eh. Ang init init pa. hmp. >.<”

“Miss. Coffee jelly and clubhouse.”

Sa sobrang gutom ko kinainan at ininom ko agad yung hawak ko. Grabe. Ako pa talaga ang naghintay sa first date namin. Uupakan ko na si Alex! Nakakainis ang tagal tagal. B’<

“Miss. Bayad mo.”

“Ay sorry po. Wait.” Nakakahiya naman.

Nagkalaglagan pa yung gamit sa loob ng bag ko! Mas nakakahiya. Ang daming tumingin saakin!

Oh. Em. Ji. Where is my wallet? Nasan na yun? Oh sh. >O.O<

“Ate Angel. Is that yours?”

“Ano?”

“That Old violet wallet?”

“Oo. Anika. Papatong sa table. Magtotoothbrush lang ako.”

“OK.”

Wala akong pera. Pinakanakakahiya ito!!! Tinignan ko kung may laman pa yung coin purse ko. Grabe! Bente pesos nalang! Eh Cornetto lang mabibili ko dito eh!

“Miss..”

“Ano? Wala kang pera. Aba Neng! Hindi na uso ang mangmang ngayon? Dahil hindi restaurant to akala mo hindi ka na  ng plato kasi wala kang pambayad. Nakikita mo yung mga kalat na yun?” tinignan ko. Grabe don’t tell me papalinis nya saakin yung buong canteen? Kanina ang bait ng tinderang ito. Ngayon umuusok na ang ilong. Tapos Neng? Kanina Miss!

“Heto. Ikaw na ang maglinis dun. Kukunin ko na itong babaeng ito! Excuse me.” Agad na may nag abot ng 100 pesos sa babaeng mangkukulam.

“Sir sukli nyo.”

“Keep the change!!”

“Wait lang ALEX.”

“Salamat nga pala kasi iniligtas mo ako dun sa Evil witch na yun.”

“Witch?”

“Kase pinahiya nya ako.”

“Ano tara na.”

“Tara?”

“Sa date natin.”

“Ah. Alex. Next time na tayo magdate.”

“ANOOOO?”

“Kasi naiwan ko yung wallet ko.”

“Kaya nga ako nandito di ba?”

“Eh. Nakakahiya.”

“Huh? Alam mo ang labo mo. Bahala ka na nga jan.”

“Wait lang! Alex!”

“BAKIT?”

“Pautang naman. Kahit 100 pesos lang.” ;”>

“Haha. Grabe. Kakaiba ka talaga.” :D

“Anong nakakatawa?”

“Wala. Tara ihahatid na kita sa sakayan. Mamaya pati sakayan papunta sa inyo makalimutan mo na eh.” :D

“Sige.” He grabbed my hand. Hindi ko pinagsisisihan kahit ganto lang yung date namin. Ngayon alam ko na ang essence ng isang date. Hindi yung mga lugar na pinupuntahan. Hindi yung mga activities na sinasalihan. Kundi yung taong KASAMA mo sa iyong first date.

“Angel. This is not a date OK.”

“Hmm. OK.” Narinig nyo ha. Hindi daw ito date. ^___^v

UH - My First and Last &lt;3 (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon