Chapter 1: First Day

1K 18 5
                                    

*kriiiiiiiiiiing!* *kriiiiiiiiiiiing!* *kriiiiiiiiiiing!*

Uhhh.. Ang aga pa masyado. Naman eh! Tinatamad pa ako bumangon.. Gusto ko pa matulog..

-____-

*kriiiiiiiiiiiiing!* *kriiiiiiiiiiiiiing!* *kriiiiiiiiiiiiiing!*

"Leche naman oh! Ano bang meron at ang aga mo mag-alarm?!?! Ano bang problema mo?! Istorbo ka naman eh! Argh!"

Kinuha ko agad ang unan ko at agad na itinakip sa mukha ko. Pero patuloy pa din ang pag-alarm ng alarm clock ko. ANG INGAY! Gusto ko pa sabing matulog eh! Gusto ko pang--

"HOY AMETHYST! KUNG AYAW MO PANG TUMAYO DYAN BAHALA KA MAGLAKAD PAPUNTANG SCHOOL MO! FIRST DAY MO NGAYON PERO NAGPUYAT KA PA DIN KAGABI! EWAN KO SAYO!" sigaw ni mama na nasa kabilang side ng pintuan ng kwarto ko.

Pero anong sinabi niya? FIRST DAY?! AY SHET! Oo nga pala! First day of school ngayon! Nakakainis naman oh.. Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh. Sa sobrang ganda, nakalimutan kong may pasok na nga pala. Taragis!

Agad akong napatayo sa kama at pinatay ang alarm clock na kanina pa nagiingay. Dumeretcho ako sa banyo ng kwarto ko at naligo.  Shampoo dito. Shampoo don. Kuskos dito. Kuskos doon. Eto ang gusto ko sa bagong bahay namin eh.. May sarili akong banyo sa kwarto ko. Hindi issue kung matagal akong maligo at kahit gano kadaming underwear ang isampay ko, ayos lang. Wala namang makakakita bukod sakin eh. May washing machine din ako dito at mga gamit pan'laba. Ako na ang naglalaba ng sarili kong mga damit para hindi maging pabigat kay mama.

*tok tok tok* "AMETHYST! I'm giving you 20minutes to finish everything! Hindi lang oras mo ang hinahabol natin! Hinahanap na ko sa office! Move faster!"

Ayan na naman si mama, inaatat ako. Isa pa naman yun sa pinakaayoko.. -___- Tss! 20 minutes?! Eh hindi pa ko nakakakain eh! Ano ba naman yan! Ugh. -__-

Binilisan ko na ang pagligo, pagsipilyo at ang pagbihis ng uniform ko. Tinitigan ko muna ng ilang minuto ang sarili ko sa malaking salamin na nasa kwarto ko. Ang cute ng uniform namin. :3 Color white yung blouse na may necktie na maliit. Yung palda naman parang pang-sailor moon. Cute na sana eh.. kaso hindi ako sanay na pinapakita ang legs ko. -___- Di naman sa conservative ako masyado, nasanay lang talaga ako sa jeans at flat shoes. Above the knee kasi 'tong palda na 'to. Buti na lang at high socks ang required na medyas sa school na yun. At least maitatago ko pa din yung binti ko. Phew. -___-

Oo nga pala. Di pa ako nagpapakilala sa inyo, diba? Well, I'm Amethyst Neekole Norin. Alam ko weird yung pangalan ko. Ewan ko ba sa mga magulang ko, nauso na ata yung mga jejemons nung kapanahunan na ipinagdadala ako ni mama eh. Nakikiuso ba.. -___- You can call me Amethyst or Neekole.. Or para mas madali, ANN na lang. I'm 16 years old. Ipinanganak noong birthday ko. Simpleng babae lang ako. Hindi mahilig sa make-ups, accessories, skirts, or kahit na anong arte sa katawan. Basta may pulbo, okay na sakin yun. Wag lang magmukhang oily diba? Syempre inaalagaan ko pa din yung skin ko. Hindi man ako kasingganda at kasingsexy ng iba, ako naman yung tipo ng babae na binabalikan ng tingin. Oha! Ganun talaga. May sex appeal. Lol.

A Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon