Chapter 2: Tornado man!

300 9 2
                                    

Amethyst's POV:

Who's that guy? For me, may itchura naman siya. Matangkad, maputi, may sex appeal.. Pero normal lang naman siya.. Nothing special. So anong katili-tili sa lalaking yan? -____- Mga babae talaga ohh.. Talandi!  Pag yung lalaking yan pinaitim, nako! Ewan ko lang kung tilian pa siya ng mga babae. Tss..

Medyo nalilito pa din talaga ako sa nangyayari kaya tatanungin ko na lang sila Sasha, Patrice at Jessa.. Pero pagka-lingon ko sa kanila, AnakKaNgNanayMo OH! Halos lumuwa na yung mga mata nila eh! ANO BA TALAGANG MERON SA LALAKING YAN?! >__<

Tumingin agad ako sa ilalim ng table namin.. Chinecheck ko kung may nalaglag na naman bang panty.. Good thing wala naman. -___-

"HOY! GUMISING NGA KAYO! WHAT'S WITH THE COMMOTION?!" naiinis kong sabi.

"O.. M.. G.. 'Teh! Hindi mo kilala si Yohann Clark Davis?! Siya lang naman ang pantasya ng bawat babae dito. Family nila ang may-ari ng school na 'to. He's Tall, Rich and Handsome! Malakas din ang kapit ng company nila sa government at iba pang companies all over Asia. Swerte nga ng mga ka-tropa niyan dito eh, laging nakakaexperience ng libre. Sus! If I know, pineperahan lang nila si Bebe Yohann ko!" - Jessa

"BEBE YOHANN?! How dare you Jessa?! He's MINE! Back off, biatch!" - Sasha

"He didn't even know you. HA-HA-HA." - Jessa habang natawa ng pangasar.

"Kilala ka ba niya?!" - Sasha

"Hindi din. Which means.." - Jessa

"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Di niya tayo kilala 'teh! WAAAAAAAH! Kill me now, PLEASE!" - Sasha

Bigla silang nagiyakan kahit wala namang tumutulong luha. Nakuha pa nilang umarte at magyakapan habang halos magliparan na yung mga panty dito sa canteen. >___< Eto namang si Patrice, parang naging statwa at nakapako na ang tingin sa lalaking yun. ARGH!

"Hi Miss. Naniniwala ka ba sa 'love at first sight'?"

"Ha?" nagulat na lang ako na nasa tabi ko na pala yung lalaking kanina pa tinitilian ng mga babae at beki. Nakatayo siya sa gilid ko kaya naman napatingala ako.. "Hindi eh. Sorry." medyo mataray kong sagot sa kanya.

Bigla siyang lumipat sa kabilang side ko at lumuhod para maging magka-level ang mga mukha namin.. "Eh sa 'Second Sight'? PWEDEEEE!" then he smiled as if he's seducing me.. *creepy*

"Oo nga!"

"Pwede! Pwede!"

"BOOM!"

"Ang galing mo, pick-up!"

Nice. Naki-gatong pa yung mga alagad ni Mr. Rich Kid. -____- 

"Hindi yun pwede Mister. You know why? Because frankly speaking, I'm not into those kinds of pick-up lines. Hindi ako pick-up girl, got that? Tsaka mag-isip ka naman ng bagong banat! Ginamit na yan ni John Lloyd eh. Hindi ka ganun ka-gwapo para maki-level sa kanya." naiinis na sabi ko sa kanya. Ang yabang kasi. Sino ba kasi 'tong unggoy na 'to? His existence is annoying me! REALLY!

Nakarinig ako ng mahabang "AWWWWWWWWW" mula sa mga alagad niya pati na din sa iba pang students na andito din sa canteen. Yung iba nagulat, yung iba naman nagbulungan at ang sasama ng tingin sakin. Tsss. As if I care! -___^

"What did you just said?! Excuse me Miss, hindi pa ako nababastos ng kahit na sino! How dare you talk to me like that?! HUH?!" tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya at kinuha ang I.D ko para tignan ang pangalan ko.. "Ohh.. Amethyst Neekole Norin. Nice name! Next time na magkita tayo, ikaw naman ang luluhod sakin." he smirked and I felt terrified..

"Oh, and by the way.." bigla siyang lumapit sakin, hinila ako patayo at inakbayan ako "..GIRLS! Don't mess with her. She's my business. Nobody dares to touch even a single strand of her hair. Am I clear?!" 

Everyone nodded. Then, he removed his hand and started walking away with his friends.

Naiwan ako sa kinatatayuan ko.. I was shocked. O____o Hindi ko ineexpect na masasabi nya yun..

ANG YABANG YABANG NYA TALAGA! >___< Sa sobrang inis ko, napasigaw na lang ako bigla..

"ARGH! I HATE YOU, TORNADO MAN! MADULAS KA SANA SA ISA SA MGA PANTY NA NAKAKALAT DIYAN SA TABI-TABI!!!!!!!" 

*TUUUUGSH!*

"AWWWW! YOU'LL PAY FOR THIS, MISS NORIN!" sigaw niya habang nakahawak sa nasaktang pwet. Nagkatotoo kasi yung curse ko sa kanya. HAHAHAHAHA! >:) Gwapo nga, tanga naman. BOOOO! *thumbs down*

Tumayo siya, nagpagpag at dahang-dahan lumabas ng canteen habang iika-ika maglakad. Hahaha! Nakakatawa yung itchura niya! :)))

*KRIIIIIIIIIIIIING!* 

"To all high school students, kindly go back to your respected rooms now. Recess time is over."

Dun lang natauhan ang lahat ng nasa canteen, at nagsipulutan ng kanya-kanyan panty. *gross* Nagising na din sa reality sila Jessa, Sasha at Patrice na kanina pa nakanganga. Walang nakapansin kay Kean na lumabas samantalang si Josh naman, mukhang nilamon na ng toilet bowl. 

Sabay sabay kaming lumabas sa canteen para makabalik na sa kanya-kanyang classrooms. Si Jessa, Patrice at Kean, magkakaklase sa kabilang section. Si Josh, ako at Sasha naman, nasa iisang section lang din. Mukhang hindi pa din nakakaget-over ang iba sa mga nasaksihan nila kanina. Oh well, lilipas din yan. ~___~

-------

A/N: 

Goodevening! :) Eto na yung chapter 2. Sorry kung hindi ganun kahaba tulad nung sa 1. Inaantok na ko eh. Wala nang napasok na ideas sa utak ko.. Puro panty na lang. HAHAHAHA! :))

Pa-FAN at votes na din po. Salamat sa mga nagbasa/nagbabasa/magbabasa nito! :) Wala pa talaga akong maisip na title eh. Sana bukas, meron na. Yung characters, meron na din akong mga nakita. Puro korean nga lang. :3

Bukas nalang ulit ako mag-uupdate guys. Goodnight and sweetdreams! :* :)

A Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon