Chapter 5: They meet again.

253 6 0
                                    

Amethyst's POV:

Goodmorning world! :3 Okayy. Ang ganda ng gising ko! Sino ba namang hindi matutuwa diba? Parang nung friday lang, nagkatrabaho ako tapos may sweldo pang 2k. Buti na lang may mga kaibigan akong very supportive. :>

Papasok na ko gamit 'tong bagong motor ko. Binilhan ako ni mama nung saturday para daw may magamit ako papasok ng school at sa work ko. Yieee! I love my mom. :D Marunong naman akong magmotor eh. Tinuruan ako ni Kuya nung nasa Singapore pa kami. Nagra-racing pa nga kami eh. As usual, laging talo.. si Kuya! Hahaha! 

*vroooooooooooooooooom!* *vrooooooooooooooooooooooooom!*

Oh yes! \m/ Namiss ko magpaharurot ng motor! Singit dito, singit doon.. Halos lahat ng madadaanan ko napapatingin sakin. Sino ba namang hindi mapapatingin sa isang babaeng nagpapaharurot ng motor na naka-sailormoon skirt diba? Ang arte naman kasi ng school namin eh. Nabobosohan tuloy ako ng wala sa oras. Kung pwede lang dukutin yung mata ng mga hinayu-fvck na 'to eh. -_____-

Ayan na! Nakikita ko na yung school namin! In less than 10 minutes, nakarating agad ako dito. Pero nung papalapit na ko sa parking lot, isang magarang sasakyan yung tumabi sakin kaya naman sa gulat ko, na-out of control ako at nasagi yung side mirror nung magandang sasakyan.. WAAAAAAAAAAH! I'm dead.. -_____- Mukang mamahalin pa naman. LAGOT! Di pa nga ako nakakapagstart sa trabaho ko, may utang na agad ako.. This is heart-breaking.. </3

Nag-stop ako pati na din ang driver nung sasakyan.. Isang gwapong nilalang ang bumulaga sakin. Maka-SHADES naman si Kuya, feeling artista! Akala mo ang taas-taas na ng araw, eh 7am pa lang naman.. -___- Agad niyang pinulot ang nasirang side mirror at tinitigan ito ng matagal.. Hanggang sa...

"WHAT THE FVCK IS WRONG WITH YOU?! HUH?! DO YOU KNOW HOW EXPENSIVE MY CAR IS?! DAMN! MY DAD'S GONNA KILL ME! YOU! YOU'LL PAY FOR THIS!"

ANO DAAAAAW?! PAY?! PusangGala! Wala akong pera! Tsaka sino ba 'tong unggoy na 'to?! Makasigaw akala mo hindi babae yung kausap eh! Argh!!!!

"MAGKANO BA YAN?!" oh shet. Ang tapang mo Amethyst. As if afford mo diba. -____-

"For my Porsche Carrera Mirage GT Gemballa, 500 thousand."

"WHAAAAAT?!?! ARE YOU INSANE?! SIDE MIRROR LANG YAN DUDE!" 500 thousand?! Seriously?! Mas mahal pa yung side mirror niya kesa sa buhay ko ah!

"I know. But this is my favorite car. Dapat lang bayaran mo para maipa-repare ko agad. Ayokong makitang kulang ang tenga ng baby ko.." sabi niya habang hinihimas-himas ang sasakyan niya..

"Eh kung ilipat ko kaya yang tenga mo diyan sa sasakyan mo?! AYOS LANG?!" hina-high blood ako ng isang 'to ah. Ang aga-aga sinisira yung mood ko! >___<

"WHAT DID YOU JUST SAID?!" 

"Kita mo na, di ko pa nga nalilipat yung tenga mo diyan sa sasakyan mo, nabibingi ka na." I told him na may pang-asar na tono.

"WHAT THE--- SINO KA BA?! I'M SURE YOU'RE SO UGLY KAYA DI MO MATANGGAL YANG HELMET MO! SANA NAGING HELMET KA NA LANG!"

Aba! AKO.BA.YUNG.SINASABIHAN.NIYANG.UGLY?!?! Sumosobra na 'tong unggoy na 'to ah!

Dahan-dahan kong tinanggal yung helmet ko.. Yun bang parang nasa commercial tapos biglang magiis-slow-mo.. Pagkatanggal ko nang helmet ko, kitang-kita sa mukha niya ang pagkabigla. Na-speechless sa beauty ko! >:)

"So, nasaan na yung tinatawag mong 'UGLY' kanina?" I asked him while grinning

"A-Amethyst?!" 

A Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon