seventeen.

63 4 2
                                    

eros

Friday. School fest.

Apat na araw na ako hindi pinapansin ni Bea ang messages ko at hindi ko man lang siya mahanap dito sa school. Miss ko na 'yung pagmumura at pagsusungit niya, hays.

Well, hindi rin ako masyado nakakagala sa school dahil ayaw ako tigilan ni Mika, kapatid ni Miko. kamalas-malasan ko, siya ang aking partner sa performance. May crush kasi sa akin si Mika. Hirap maging gwapo, hay nako.

"Eros! You're spacing out again! Sino ba 'yang nasa isip mo? Ugh!" Nabibwisit na naman siya sa akin. Wala naman na akong pake, sanay na ako diyan.

"Kabisado at maayos naman na, Bakit ba paulit-ulit ka ng practice?" Hindi ko maiwasan magsungit sakanya dahil bwisit na bwisit na ako sa ugali niya. Spoiled siya unlike his brother.

"Jeoooon!" Napatingin kami parehas sa pinto kung nasaan si Kate, kararating lang at hinihingal.

"Magp-perform na si Bea! Dali!" Hinawakan niya ako sa papulsuhan at hinila palabas. "Hey–" hindi natuloy ang sinasabi ni Mika dahil sinaraduhan ni Kate ito sa mukha ng pinto at ni-lock mula sa labas.

"Gaga ka."

Pero teka, si Bea? Magp-perform?!

"Magp-perform si Bea?! Bakit hindi ko alam?!"

"Chaka ka! Malamang, surprise. Si Jeremiah ang nakaisip nun, narinig ko lang. Hehe." Inirapan ko lang siya at nauna maglakad.

"Hoy, saglit!"

Sinabayan nito ang paglakad ko ng mabilis para maabutan ko ang simula ng performance ni Bea. Kakanta kaya siya? Maganda ang boses niya, and I haven't heard it after two damn years.

Sa utak ko lang nagr-replay 'yung mga kinakanta niya noon sa akin. I miss everything about her.

"How's Operation: Stone Cold No More?" Tanong ni Kate na bumasag sa katahimikan. Ang corny ng tawag nila pero wala rin naman ako maisip na maganda.

"I don't know. 23 percent na siguro. Hindi ko pa ulit siya nakakausap after four days dahil ayaw ako tigilan ni Mika." Sagot ko na ikinatango niya. "Bagal."

"Kakanta ba daw siya?" I asked. She just shrugged and fastened her pace. Fudge! Baka mahuli kami!

Hingal na hingal kami ni Kate pagdating sa gym ng Wilmin High. Sakto lang kami dahil paakyat na ng stage si Bea, kasama si Jeremiah, Josh at Vernon.

Inaayos ni Jeremiah 'yung gitara niya habang si Josh ay ang electric guitar. Si Vernon naman ay kinakalikot ang drums nito. Si Bea ay inaayos ang mic stand niya at inaadjust para pumantay sa height niya.

Kakanta nga siya.

"Ano daw kakantahin niya?" Tanong ko kay Kate na hindi ako sinagot. Busy siyang sumisiksik sa crowd. Bestfriend goals.

I looked at Bea, who was looking at the crowd too. A smile crept up on my face as I noticed she had her straight face on. Napawi rin ang ngiti ko nang maalala na ako pala ang may dahilan kung bakit siya ganito.

It's my fault her heart's stone cold.

"Oh my gawd, ayan na!" Napapikit ako sa nakakarinding tili ni Kate sa tabi ko. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko kay Bea na kakanta na pala.

「 stone cold 」 jww / completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon