bea
Nakapamulsa lang ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko habang naglalakad papuntang music room para matulog. Marami naman pwedeng tulugan pero gusto ko dun, air-conditioned.
Natatanaw ko na ang kwarto nang sumulpot kung saan si Sean at hinatak ako pakaliwa, papuntang canteen.
"Saan mo ko dadalhin."
"Ililibre ka ng shake. Hayop."
"Hayop ka din."
Patago akong ngumiti at umupo habang inaantay siya. Ayaw niya ba talaga ako papuntahin sa music room dahil baka mabaog siya? Sus.
Sean's straight. Pero ganyan talaga ang ugali niyan. Mas sassy pa sa babae, mas maarte rin sa babae. Vernon's his bestfriend at okay lang naman si Vernon sa kalokohan niya, ayaw lang pag may skinships.
"Oh. Inumin mo ng tuloy-tuloy nang ma-brainfreeze ka." Umangat ang tingin ko kay Sean na inaabot sa akin ang grande cup ng shake dito sa canteen.
"Salamat." Bago pa ako sumipsip, biglang nag-vibrate ang phone niya. Nasa mesa kasi.
Kinuha niya 'yon at binasa bago tumayo. Hinila niya na naman ako, papuntang music room.
"Peste ka. Sayang yung shake."
Hindi niya na ako pinansin at tuloy-tuloy lang ang paglakad niya. Nang makarating kami sa pinto, sinalubong ako ni Dylan at Harry na naka-tight jeans parehas.
"Magpe-perform ang performance unit, beybeh." Sulpot ni Miko at July sa likod nila. Hinila nila ako papasok sa kwarto at pinaupo ako sa isang upuan sa may gitna.
BAKIT BA ANG HILIG MANG-HILA NG MGA TAO NGAYON.
Pansin ko, ako lang ang mag-isang nanonood dito. Baka papunta pa lang?
Pumwesto 'yung apat sa gitna at nagsimula tumugtog ang Swalla kasabay ng pagsisimula nila sa pagsayaw.
They're not in the Performance Unit for no reason. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa galing nila. Hindi na ako nagtataka kung bakit isa sila sa mga pinanglalaban sa competitions.
Nang matapos ang kanta ay may nagtakip ng mata ko gamit isang blindfold at nakarinig ako ng bungisngisan sa tabi ko, paniguradong mga babae.
"Kate, Irene, Lianne at Yerill. Kung kayo man 'yan, bwiset kayo." Walang ganang sabi ko sakanila. Kasi gusto ko nalang talaga matulog.
Ilang minuto pa akong naka-blindfold nang alisin ito ni Sean, hula ko. Dahil kagagaling niya lang sa likod ko bago pumwesto sa piano, kumakaway sa akin.
Lumipat ang atensyon ko sa lalaking nakatayo sa mini stage ng music room, hawak ang mic stand niya at nakatingin sa akin.
Eros Caspian Jeon.
Jeremiah and Josh started to play the instruments and as soon as they started, I heard quiet claps and muffled screams behind me.
Sabi na nga ba eh.
I looked back at Eros who was still wearing his uniform, smiling at me. I kept my straight face on and crossed my arms.
"Bea Baboy," he called. "Hindi ako kakanta ngayon. Paos si ako. Pero may gusto sana ako ibigay at sabihin."
And on cue, the performance unit and the girls went out from the back stage, holding a large sized explosion box. May balloons pa siya at cake na ginawa yata ni Maze.
Inabot nila sa akin ang box at tinali sa upuan ko ang mga balloon. "Buksan na! Buksan na!" The others chanted.
"Bagal mo naman, bunso." Sabat pa ng napakagaling kong kapatid.
"Open it, please?" Umangat ang tingin ko kay Eros na napapaos ang boses at nakangiti pa 'din.
I heaved a sigh before pulling the ribbon on the side. Unti-unting bumukas ang kahon at may nakalagay na 'Happy Birthday, Bea Baboy!' with white roses.
Birthday ko pala.
Tinignan ko lahat ng side ng box at meron ditong message ng bawat tao na nandito, kasama ko. Except Eros. May fries at shake pa nga na gawa sa papel at may mga nakatagong pictures namin.
"Happy birthday, happy birthday. Haaappy biiiirthday Bea!" They sang, nangunguna si Dark at Sean.
"Heeep! Quiet, peeps! May speech ang prinsipe."
"Bea Baboy, happy birthday. Nakalimutan mo 'no? Hehe. Ako lahat nag-organize nito. Galing ko, ano? Pero mas magaling ka. Alam mo bakit? You make me smile at times I can't laugh, you make me laugh with your lame jokes. You make my day with a single smile, you make my heart beat. And, you make me fall in love every single day. Sorry if I broke up with you because of my insecurities, na-realize ko na minahal mo ako bilang ako. Sorry kung naduwag na naman ako, hindi ko nasabi agad na mahal. pa rin kita hanggang ngayon. I love you, I love you, I love you. Kahit ilang beses ko pa sabihin sa'yo 'yan, I'll never get tired of it. I wish you all the best and–eto pala 'yung regalo ko. Happy birthday, baby–este baboy. Hehe."
"Breezy mo!" Si Lianne.
And for the first time in two years, I smiled in front of Eros and the others. I felt happy. Nakalimutan ko man ang birthday ko, someone still remembered my special day.
May inabot siya sa akin na scrapbook. Nang buksan ko ito ay may calligraphy pa. As I flipped the pages, I saw stolen pictures of me two years ago and some of them were recent.
"Kahit anong anggulo pa 'yan, maganda ka. Kahit wala kang make-up, maganda ka pa din. At kahit anong itsura o suot mo, mahal pa din kita."
Putangina, kinikilig ako.
"Hindi ko alam kung anong isasagot mo pero I'll take the risk asking you this question. Because you're worth the risk. Bea," he paused, taking a deep breath.
"Maaari ba kitang ligawan ulit?"
BINABASA MO ANG
「 stone cold 」 jww / completed
Short Story"bagay sayo yung kanta ni demi, eh. stone cold na kasi yang puso mo para sakin." two ex-lovers, eros and bea, meet again after two years. will love bloom again between the two? ♥ 072917 meanie-duo series #1 | jeon wonwoo epistolary #1 © bea, 2017 cc...