BRYLLIANA'S POV
"Shit!!"
"Fuck!!"
"First week ng eskwela eh may mga paepal na talaga sa school year na ito ??!!" Galit na galit at sunod sunod na mura ang sinisigaw ko ngayon sa aking kwarto habang binabasa ko ang sulat na ipinadala saakin kanina lang.
"BE READY YOUR DEAD" basa ko ulit dito. Hindi ko na pinansin ang salitang "YOUR" gago ba tong nagpadala?! Hindi man lang alam ang pinagkaiba ng "YOUR " sa "YOU'RE" bish none sense. Perfectionist ba? Well..yes.
"Makikilala din kita kung sino ka" mahinang sabi ko pero ako ay triggered na triggered na.
Pumunta ako sa private room ko na naka connect sa aking kwarto. Binuksan ko ito at agad kong nakita ang mga mamahalin at iniingatan kong mga armas. Hindi to alam ng parents ko at ang akala lang nila ay closet ko ito.
Hinawakan ko ang aking baril na kulay ginto at presyong ginto nadin.
"Mukhang magagamit na kita ah pero di pa ngayon" Sabi ko sa baril ko sabay ngisi. Angal? Barilin kita jan.
Habang binabalik ko ang aking baril sa case ay biglang tumunog ang phone ko.
Aerol calling...
Sinagot ko ang tawag niya. Kaawa eh.
"Anong kailangan mo?" Bungad ko."ikaw" sagot niya. "Pwede ba? Wala akong oras makipagbiruan sayo." Gigil na sabi ko. "Chillax lang..Alam mo na ba ang tungkol sa sulat na ipinadala ng anonymous na tao?" Tanong niya. "Of course duh" sagot ko. "Sino sa tingin mo ang may kagagawan non? Tanong niya. "Hindi ko alam at wala akong ideya." Sagot ko. "Kailangan na natin magplano sa lalong madaling panahon nila Sapphire at Damon" wika niya. "No hindi muna. Malay mo it's just a fucking prank by some assholes" sagot ko. Ayoko muna mag sayang ng oras. "Sige masususunod.bye"paalam niya at inend ko na ang call.
"Wag muna ma istress baka nga prank lang at kung prank nga iyon ay mali sila ng binangga sobrang mali" sabi ko sabay buntong hininga sa sarili ko at pumunta na sa tunay kong kwarto.
Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan si Sapphire. Hindi ko pa kasi siya nakakausap simula nang mabasa ko ang sulat na yun.
"Bilis sagutin mo naaa" sabi ko dahil ayoko sa lahat ay pinaghihintay ako kasi nga wala akong patience.
"Yes Brylle may kailangan ka?" Tanong niya at sa wakas ay sinagot na niya. "Wala naman may itatanong lang aKo" sagot ko naman. "Hmm ano yun?" Tanong niya. Well parang wala pa siyang alam tungkol sa sulat bwiset na Aerol yan. "Alam mo na ba ang tungkol sa sulat na ipinadala nang kung sino man?"tanong ko. "Anong sulat?" Tanong niya. Wala nga talaga siya alam tungkol doon. "Nevermind dadalhin ko bukas ang sulat para makita niyo ni Damon kasi alam naman na ni Aerol yun" wika ko. "Ok sige sige. Pero bat alam na ni Aerol ang tungkol doon? Nako ah." Sabi niya. And so? Anong problema doon? "Ano naman?" Tanong ko. "Ayiee hehehe kayo ah siya pa talaga una mong sinabihan bago ako... Kakatampo ka" sabi niya. And I think nag papout na siya sa kabilang linya kasi style niya yun. "Wag kang masyadong assuming Sap. kasi di ko naman siya sinabihan tinanong niya lang ako kung alam ko na ba ang tungkol sa sulat" explain ko. "Eh bat hindi pa namin alam ni Damon ang tungkol jaan?" Tanong niya."Tinatamad yun sabihan kayo kaya bukas nalang mga 6:00 am pumasok na tayo at magkita kita nalang sa Hidden Extent pakisabi narin kay Damon" utos ko sakanya. "Ok sige sige na cucurios na ako eh" sabi niya. "Maghintay ka nalang hanggang bukas para mawala na ang curiousity mo" sabi ko. "Oo na sige" sabi niya at ibinaba ko na ang tawag.
Kung nagtataka kayo kung bakit apat lang kami ay dahil ayaw namin sa TRAYDOR. Sino ba naman ang may gusto sa mga taong TRAYDOR?
Anong buong pangalan ko? Well ako si BRYLLIANA FERRER and my nickname is Brylle. Parang panlalaki ba? Astig nga eh. And minsan lang ako mabait kaya prepare.
Binuksan ko ang kwarto ko at may naririnig akong nagaaway sa baba.
"Pwede ba?! Wala nga akong ibang babae!!! Kaya kung pwede please tantanan mo ako kakasermon na may babae ako kasi putangina nakakapikon na!" Sigaw ng gagong tatay ko. Wait..Tatay pa nga ba?
"Yun na nga eh! Kahit anong iwas ko sa pagiisip na wala kang babae eh hindi ko mapigilan kasi sa kilos mo eh nagbibigay ka na nang motibo na may babae ka at parang wala ka ng pake samin ng anak natin." Sigaw ni mommy at sure akong umiiyak na siya.
Ayoko na mangialam sa away nila. Dahil sanay naman na ako na araw araw sila nagaaway. Gusto ko man umepal ay hindi ko magawa dahil natatakot ako at hindi ko alam kung ano ang rason pero basta natatakot ako. Oo marunong ako bumaril pero pagdating dito ay nagiging duwag na ako. Baril. Yan..yan ang aking maskara.. bakit? Jan ko naipapakita na malakas ako pero sa loob loob ko ay wasak na wasak na ako.
"Stop this bullshits!! Walang kwenta yang mga pinagiisip mo" rinig kong sabi ng tatay ko at umakyat.
Dali dali akong nagtago sa may malaking vase dito sa 2nd floor ng bahay namin para hindi ako makita ng tatay ko. Ayoko kasing malaman niya na narinig ko ang walang kwentang away nila ni mommy.
Dinabog ng walang kwentang tatay ko ang guest room at pumasok doon. I guess doon siya matutulog.
Nagsimulang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Bumaba ako at yinakap ng mahigpit ang mommy ko.
"Mom please stop crying" utos ko sakanya habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mata niya. At hindi ko naman magawang punasan ang mga luhang pumapatak din sa aking mga mata dahil sa aming dalawa ay alam ko na siya talaga ang mas nasasaktan sa kagaguhang ginawa ng aking walang kwentang ama.
"Anak please bumalik ka na sa kwarto mo at hayaan mo ako dito" sabi niya at patuloy pading pumapatak ang libo libong mga luha galing sa kanyang mata.
"Please mom stop crying. Hindi kita iiwan kaya please sandalan mo muna ako habang nasasaktan ka ngayon kahit nasasaktan din ako." Sabi ko.
Hindi na nagsalita si mommy pagkatapos non at patuloy padin siya sa pagiyak. Naiintindihan ko naman yun.
Sigurado akong magiging ok din ang lahat....
Matatapos din lahat ng pagsubok...
At sa nagpadala ng sulat...humanda ka.
YOU ARE READING
DEILQUESNE HIGH
Mystère / Thriller"They say Everything we learn at school is right, Well my school is different, guns instead of books. Fighting for lives instead of grades. A whole turn from what you think school is.. Ladies and gentlemen... DEILQUESNE HIGH"