- Chapter 5 - The Accident

16 2 1
                                    

^^^~~~^^^

Dawn Kiel in the multimedia

^^^~~~^^^

(-Now Playing: Baby Don't Cry by EXO-K-)

Dawn Sapphire's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, kaya pinatay ko na ito at bumangon sa kama.

Nag stretch muna ako at napangiwi nalang ako ng maramdaman ko ang kirot sa injured arm ko. May sugat pala ako.

Dahan dahan akong bumangon sa kama ko at nag tungo na sa CR para maligo.

Nang tapos na ako ay sumuot lang ako ng black pajamas, pink T-shirt and a red stretched head band, total nandito naman ako sa bahay.

Pagka baba ko ng hagdanan ay nag ka salubong kami ni Kuya Cloud. With his black fitted rip jeans, black converse shoes, white T-shirt, a black leather jacket, and his glasses. Haaay... Gwapo talaga ng mga kuya ko.

Lumapit siya sakin at sinuntok ako ng napakalakas, dahilan para ma bunggo ang ulo ko sa handle ng staircase. That punch means is a sign of bad morning. Tiningala ko siya at tumingin sa reddish black orbs niya. Ngumiti lang ako ng pilit sakanya at tumayo na.

Pumunta ako ng kitchen at kumuha ng bowl, box of cereals and milk.

I bring my bowl of cereals in my room and dig in. I opened my laptop and watch YouTube. Nang nasa gitna ako ng pagnonoud ay nakarinig ako ng makina ng kotse sa labas signed as na may lakad sila kuya.

***

Ilang oras na ang lumipas at napag isip ako na pumuntang mall. Total 1:48 pm pa naman, at hindi naman ako hanapin nila kuya.

Nag tungo ako ng closet at nag sout ng black high waist short shorts, crimson red hanging T-shirt na medyo kita ang tiyan ko, black high cut shoes and a black headband.

Nag lagay ako ng light make up and lip tint. Ni lugay ko lang ang buhok ko na medyo wavey at kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko.

Habang nag dadrive ako ay hindi ko maiwasang kabahan ng walang dahilan. Kaya pinilig ko nalang ang ulo ko at nag focus sa daan.

Pagkadating ko sa parking lot ay agad ko itong pinark. Pag ka baba ko ng kotse ay pumasok na ako at tumingin tingin sa paligid. Hanggang ngayon ay di parin nawala ang kaba ko kanina sa pag drive ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng walang dahilan.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nabunggo akong tao.

*Bogsh*

"S-sorry po."

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko lang ako. Mag pa tuloy na sana ako sa paglakad ng tawagin ng estraherong lalaki ang pangalan ko, na ikinatigil ng paghinga ko.

"Sapphire..."

Lumingon ako at doon ko nakita ang matangkad na lalaki, maputi, matangos ang ilong, at makisig na katawan.

"D-daniel..."

He smirked. He is my bestfriend 4 years ago. Nag away kami dahil sa selosa niyang girlfriend na bestfriend ko din. Sinabi niya na ginamit ko lang daw si Daniel para sa pera at sa plano ko daw na landiin siya. And that is when I lost my best buddy. Ang masayahing Daniel na nakilala ko ay naging basagulero, palagi na siyang lasing at playboy.

Hindi ko namalayan na nag salita na pala siya. At hindi na Kitty ang tawag niya sakin.

"Hmm... Being a whore, eh?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa salitang binitawan niya.

Hindi ako whore!

Akmang aalis na ako ng tawagin niya ako ulit.

"Hmmm.... Tama nga ang sinabi ni Tiffany, ilan na kaya ang naikama mo? Thousands? Tsk. Tsk. Tsk. Your still a whore and slut as Tiffany said."

He smirked. Kaya hindi ko nalang siya pinansin at tuloy lang sa pag lakad habang tumulo ang luha ko. Anyare sa bestfriend ko? Ano ba ang pinagsasabi ni Tiffany tungkol sakin? Hindi naman ako malandi ah. Ang malas ko naman... Sana, hindi nalang ako nabuhay sa mundong ito kung ganito lang ang mangyari.

Gusto ko nang bumalik kami sa dati. Pero malabo yun mangyari. Lahat nga ng gusto ko ay hindi ko nga makuha.

At dahil sa lalim ng pag iisip ko, hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa kalsada ng mall at tumawid sa kalsada. At tinawag ang pangalan ko sa karamihan ng tao.

"Miss!!"

"Miss may sasakyan!!!"

"Ang babae!!!"

*Peep Peeep!!!*

Huli na dahil pag lingon ko na bunggo na yung bewang ko sa hood ng sasakyan at medyo tumilapon ako sa kalsada at napahiga saking tiyan at namilipit sa sakit. May naramdaman akong likido sa bibig ko at ulo. Blood.

"MAY SANAGASAHAN!!!"

"HALA ANG BABAE!!!"

Napaluha nalang ako sa sakit at napalingon sa entrance ng mall at lihim akong napangiti ng makita ko siyang may pag alala sa mukha niya.

And everything went black.

Tears Of MineWhere stories live. Discover now