- Chapter 4 - Care

13 2 0
                                    

^^^~~~^^^

Dawn Cloud on the multimedia

^^^~~~^^^

(-Now Playing: River Flow in You = Guitar Cover =-)

Dawn Sapphire's POV

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa closet ko at nag bihis na nang pantulog. I just wore Kuya Kiel's big T-shirt and pajamas. Kinuha ko lang tong T-shirt ni Kuya Kiel sa closet niya na hindi niya alam. Alam kong galit nanaman yun.

Nang natapos na akong mag bihis ay dumiretso ako sa dresser ko at nag pa tuyo ng buhok. Habang nag pa tuyo ako ng buhok ay tumingin ako sa reflection ko sa salamin at nakita ko doon ang isang babaeng mapayat, maputla, at may kalungkotan sa mga mata.

Tinapat ko ang hair dryer sa mukha ko para patuyoin ang luhang nag landas sa pisngi ko. Hindi na ako nag suklay dahil tinamad na ako.

Hanggang ngayon ay nilagnat parin ako. Kaya dali dali kong tinanggal ang saksakan ng blower at tumakbo sa airconditioner at pinatay iyon. Nanginig akong pumunta sa kama ko at binalot ang sarili ko sa malambot na makapal na kumot.

Bakit ang lamig parin na pinatay ko na ang airconditioner at nag tago sa ilalim na makapal na kumot ay malamig parin?

Kaya napag isipan ko nalang na manghiram ng jacket kay Kuya Onyx. Total wala pa naman sila sa oras ng 8:30 pm dahil baka nag babar pa sila sa mga kaibigan nila. And yes. Mag isa lang ako dito, palagi naman eh.

Kaya lumabas ako ng kwarto ko dala dala ang teddy bear ko na kasing laki at haba din ng braso ko at niyakap ito. Dahan dahan akong lumabas at pumunta sa kwarto ni Kuya Onyx. Habang nag lakad ako patungo sa 3rd floor ay hindi ko maiwasang manginig sa lamig, kaya binilisan ko ang pag lakad habang nanginig nadin ang tuhod ko.

Nang nasa pinto na ako ng silid niya ay laking pasalamat ko at hindi ito naka lock. Kaya dahan dahan ko din itong binuksan at ini on ang lights.

Hindi na ako nag dalawang isip at nag tungo sa closet niya at humanap ng jacket. Nang may nakita na ako ay humanap pa ako ng isa para doblehin.

Nang tapos na ako ay sinout ko na tong dalawa at the same time at lumakad na ng pinto habang yakap padin ang teddy bear ko.

Habang bumaba ako ng 2nd floor kung saan nandon din ang kwarto ko, ay may narinig akong makina ng kotse sa labas ng mansyon. At sigurado akong kila Kuya yun.

Kaya pa takbo akong bumaba ng hagdan at tumungo sa kwarto ko. Nang sumara na ang pintuan ko ay nilock ko na ito at pumunta na sa kama ko at tumago sa ilalim ng kumot.

Habang humiga ako ng patakilid at ang kumot ay hanggang leeg ko ay hindi ko maiwasang manginig at makaramdam ng gutom. Hindi ako kumain ng kahit kunting pag kain kahit na nakalabas na ako ng basement. Ewan ko, basta wala akong gana.

Nakaramdam ako ng antok pero hindi parin ako makatulog. Ang weird naman. Pilit kong tiklopin ang mga mata ko hanggang sa nakaramdam na talaga ako ng antok hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman.

Nagising lamang ako ng may naramdaman akong parang may hunaplos sakin na mainit na bimpo sa noo ko at sa leeg. Kaya dahan dahan kong binuksan ang mata ko at nakita ko si Kuya Onyx na nag haplos ng bimpo sa mga braso ko.

Napansin ko ding wala na pala akong damit at sando na lamang ang natira at pajamas. Nakaramdam ako ng saya dahil sa wakas, may nag alaga na din sakin, at isa na dun ang Kuya ko.

Nag pa tuloy lang si Kuya Onyx sa ginagawa niya. Pinunasan niya ang kamay at braso ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng dahan dahang tinanggal ni Kuya Onyx ang sando ko. Nag patinaod nalang ako dahil kilala ko si Kuya Onyx. Hindi naman siya manyak ehh. Sa ibamg babae lang.

Nang tapos na siya ay tumungo siya ng closet ko at kumuha ng bago kong pajamas at T-shirt.

Lumapit siya sakin na bahagyang nakabukas ng konti ang mga mata. Pinaupo niya ako at sinoutan ng damit.

"K-kuya, pahiram j-jacket mo..."

Tumingin muna siya sakin at hinubad ang sout niyang jacket at tinapon sa gilid ng kama.

Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng silid ko.

Tears Of MineWhere stories live. Discover now