Kontrabidang entry #1

41 2 1
                                    

Aril's POV

Ngayong oras na ito exactly 7:00 ng umaga may nakikita akong hindi magandang tanawin. May isang babaeng mix breed ng unggoy, palaka at kabayo ang nakayakap sa isang napakagwapong ubod ng tanga!

Napairap na lang ako sa nakita ko. Masira nga yung araw nila.

"Psst!" Sit-sit ko dun sa 3 batang lalaki.

"Oy chix!" Sabi nung isang batang lalaki. Aba mukhang 8 years old pa lang 'to.

"Nga pare! Chix!" Sabi naman nung isa.

"Miss Chix! Penge number!" Sabi nung hindi pa nagsasalita na bata.

"88? O masaya ka na? Lumapit nga kayo dito. May iuutos ako." Sabi ko. lumapit naman sila.

Binulong ko sakanila yung plano ko. Agad naman nilang ginawa yun.

Tinignan ko yung babaeng mix breed ng Palaka, Unggoy at kabayo at yung lalaking napagwapong ubod ng tanga. nakita ko yung unang bata na takbo ng takbo paikot sa kanila. Yung isang bata naman may hawak na ice cream. Yung nasa cone lang tapos kunyare nabangga nung unang bata na tumatakbo kaya natapon sa t-shirt nung mix breed na babae yung ice cream.

Maya maya dumating yung pangatlong bata kunyare nagulat siya kaya matatapon niya yung coke na bukas dun sa mix breed na babae at successful naman ang plano ko.

Teka, kulang pa pala. Kinuha nung unang bata yung itlog tapos binato sa mukha nung babaeng mix breed.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" tawa ko yung pang witch.

"Miss Chix tapos na yung pinapagawa mo amin na yung bayad!" Sabi nung isa sa tatlong bata.

Binigyan ko sila ng tag lilimang piso.

"Hala? Ang poor mo naman! Sabi mo limang daan!" Sabi nung isang batang lalaki.

"Hoy,Eh gagamitin niyo lang namang pato sa piko yan. Hindi pwedeng limang daan, liliparin. Sige chupe na!" Sigaw ko.

"ARIILL!!!" sigaw ng pinsan ko. Kumaripas naman ako ng takbo papunta sa loob ng bakery.

"Nasan na yung itlog?!!" Sigaw ng pinsan ko.

"Ehehehe.. he... he?"

"NAKO ARIL! SIGE NA PUMASOK KA NA SA ESKWELAHAN! ARGHHH!!" sigaw ng pinsan ko. Tumakbo na ako para kunin yung bag ko.

May nakita akong magtotropa na lalaki dun sa gilid. Mga nakahiga hindi yung higang higa talga pero nasa daan yung mga paa nila kaya nman tatalunan mo ka na lang sano kaso..

*booogsh*

"Tatalon talon pa kasi lampa naman pala." Sabi ng isang lalaki. Tumingin naman ako sa direksyon nya.

*O* Ang gwapo!!

"H-hindi ah! Nag papractice lang ako mag swimming!" Sabi ko tapos kunyari nagsiswimming nga ako.

"Tara na nga pre, mukhang di na papasok yung ugok na yun!" Sigaw nung lalaking gwapo dun sa mga kasamahan niya.

Kaya umalis na sila. Tumayo naman ako sa pagkakahiga ko. Ang gwapo naman niya *u*

San kaya sila nagaaral? Hmm? Oo nga pala! Ayoko ma late sa first day of school ko! Bagong lipat pa naman ako. Hassle nga e, walang uniform! Onti lang kaya damit ko >__<

Takbo lang ako ng takbo papunta dun sa school.

"Ay tae!" Sigaw ko. Nakabangga kasi ako ng isang lalaki.

"Ano ba?! Hindi ka manlang tumitingin sa daan!" Sigaw ko.

"Ikaw kaya yung bumangga sakin!" Sabi naman nya. Oo nga pala noh? -__- tanga mo Aril.

"Sabi ko nga. tabi nga jan!" sabi ko sabay tulak sa lalaking nabangga ko.

I'm a Kontrabida so I should act like one.

Takte, Bakit ba ako nageenglish? -__-

"Anu ba!" sigaw niya. Psh, Parang tinulak lang sigaw agad. Hindi ko na siya pinansin pumunta na ako sa first class ko.

Teka?! Eh, andito yung mga tambay kanina ^O^ Teh! Ang gwapo nila!! 5 sila pero pinaka gwapo yung isa hindi ko alam pangngalan e. Mamaya magpapakilala naman lahat kaya okie lang malalaman ko din mamaya yung pangngalan mo!!!

"Good morning class. My name is Harold Perda. Call me Prof. Harry" Sabi nung prof namin. Siguro nasa 40's na siya.

"Introduce yourselves.. First stop the Girl with the Pink long sleeve shirt and Black skirt." sabi ni Prof Harry.

Hmmm? Ako ba yun?

Kasi naka Pink Long sleeve shirt ako at Black Skater skirt.. Ako nga ata.

Kaya tumayo ako at pumunta sa harapan.

"Aril Jessica Valdez, 17. Turning 18 on December 7. And..... That's all thank--yah!" sabi ko tapos umupo na ulit ako.

"Next, you! Beside Aril Jessica." Sabi ni Prof.

"Uhm! Oh wait! Call me Aril or Jessi but don't call me Aril Jessica or Jessica. I kinda hate the name Jessica." Sabi ko tapos nag smile ako.

"Yeah fine. next!" Sabi ni prof.

Nag pakilala naman sila isa isa. Tapos yung mga gwapong tambay na. Tumayo muna yun isa pero hindi yun yung Mr. Super gwapo. Mr. Gwapo lang siya haha

"Kean Jaime Alfonzo, 18"

Tapos yung next naman na Mr. Mas gwapo.

"Jerome Salvador, 18"

Next yung Mr. Kasing gwapo ng Mr. Mas Gwapo

"Four Lopez, 18"

Next yung Mr. Gwapo 2

"Three Lopez, 17"

Magkapatid si Four at Three?! Kyut naman ng name nila haha Four, Three. Siguro may two and one pa XD

Teka! Next na si Mr. Super gwapo.

"Mr. Ramos?" Sabi ni prof. Tinaas lang ni Mr. Super gwapo yung kilay niya tapos...

"Ah, Okay. uhm, Since first day naman ngayon makipagusap muna kayo sa classmates niyo okay. Ccr lang ako." Sabi ni prof.

Ganon? Whatevs. Kausapin ko kaya si Mr. Super gwapo? Hmp. Pero wait! Ang alam ko dito nagaaral si Gerlad at Ayi e. Siguro hindi pumasok -__-

Syempre! Umepek yung evil plan ko sakanila kanina e. OO! Sila yung dalawang tao na sinira ko yung araw.

Hahaha, unang entry pa lang nagkokontrabida na ako. Well! Yun naman talaga role ko dito.

"Hi! Avril!" Sabi nung isang kaklase kong babae.

Ay boset -___- AVRIL NANAMAN!?!

"ARIL PO! ARIL! HINDI AVRIL! WALANG V!" sigaw ko. Nakakahighblood huh! Boset talaga!

"Gg ka na nyan?" Sabi niya

"Anu bang pake mo -,- Eh sa naiinis ako kasi hindi naman AVRIL pangngalan ko! diba Denna?!" Sabi ko.

"Denna? Sino si Denna? Honey pangngalan ko!" Sigaw niya.

"Pake ko?" Sabi ko naman. Wala e, Kontrabida e.

Inirapan na lang ako nung Honey. WHAT-EVAH!

Bakit nga ba ako nagkokontrabida kila Gerald at Ayi?

Hmm, Flashback pa ba ako? Pwede next entry na lang?

Itutuloy..

************

HELLO! Pinilit ko lang mag UD XD

Natuwa naman ako may nagbasa pala neto ;) Thanks po!! Sana ituloytuloy niyo lang po yung pagbabasa ng aking kalokohan, haha.

Next UD: April 21 or 22. :)

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANKYOU VERY MUCH!

xx Princesswolf xx

Storya ng isang kontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon