Kontrabidang entry #4

3 0 0
                                    

Ok! So, ang tagal ko bago magupdate noh? sorry po ^^ pero sana basahin niyo pa din 'to. Thanks!

~~~~~~~~~~~~~~~

Aril's POV

"Oh!Hi bestfriend!" Sabi ko kay
Ayi. Nagkita kasi kami dito sa Cr, mapas noh?!


"Ayoko na ng gulo Aril." sabi niya. Bait-baitan!

"Huh? gulo? Bestfriend naman! nagh-hi lang ako gulo na agad?" Sabi ko naman.putek, nasusuka ako sa 'BESTFRIEND' ha!

"Eh bakit ang sama mo makatingin?" Tanung niya

"Eh ikaw bakit ang sama mo tignan?" sagot ko naman

"Aril, ayoko na okay. Hindi ka pa din ba nakakaget-over kay Ger?"

DA F?! AKO DI PA NAKAKAGETOVER?!


"Hahahaha! Ang funny mo, sarap mong patayin! Ako? Hindi pa nakakagetover kay Gerald? Ayi kahit lamunin mo pa si Gerald ng buong buo wala na akong pake ok." sabi ko.


"Kung nakagetover ka na nga sakanya edi tigilan mo na ako. Tigilan mo na kami!"

"Oh oh, Chillax di mo na kailangan pang sumigaw. Tigilan? bakit ano bang ginawa ko?"


"Aril ano bang nangyari sayo?" sabi niya. WOW! nagaalala ka?

"Anong nangyari sakin? I guess hindi mo na kailangan malaman pero sige ito lang ang sasabihin ko. Masaya ako, maganda ang buhay ko, hindi ako nanghihinayang sa mga nawala sakin." sabi ko tapos umalis na ako.

masaya? baka malungkot
Maganda ang buhay? baka mahirap
Hindi nanghihinayang? baka araw araw akong umiiyak dahil sa mga nawala sakin.

Lahat ng sinabi ko kay Ayi ay hindi totoo. Lahat ay kasinungalingan. Lahat ay pagpapakitang tao lang para hindi niya ako kaawaan.

Putek! Aril wag ka ngang umiyak muntanga eh! tsk!

Naglakad na ako papuntang cafeteria kakain lang ako tas uuwi na. Wala na akong gana pumasok. Di bale na, last subject na din naman yun.

"Aril!" sigaw ni Kean.


"Ano?!"


"Ay, highblood? hahaha sabi ni frost samahan mo daw siya." Leche! Ayoko nga.

"Ayoko tigil tigilan na niya ako ok?"

"Lilibre ka daw niya ng sandamakmak na ice cream."

ARIL! HUWAG KANG MATEMPT!TEMPTATIONS! TEMPTATIONS LAYUAN MO KO!

"Fyi, hindi ako pulubi kaya kong bumili ng sandamakmak na ice cream!" pagkasabi ko nun hinugot ko yung wallet ko at boom!

Nasan yung pera ko?

"Talaga? patingin nga?" sabi ni Kean sabay ngiting nakakaloko. aba'y-- aissh!!

"Fine fine! Asan ba yung ugok na yun?"

"Nasa.. ano? ewan!" sabi niya. Baliw ba 'to? Ano ako pa maghahanap dun? paimportante naman e.


"Here bae." sabi Frost habang nakaupo sa UPUAN malamang. Naka-shades pa ang loko. Aba aba pero eto pa nakajacket naman hindi ko alam kung naiinitan siya o nalalamigan. Kainis.


"Bae bae mo mukha mo! Ano ba, FOREVER ka na jan? tsk. Bilis." Sabi ko tas hinampas ko yung balikat niya.

Storya ng isang kontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon