Kontrabidang Entry #5

1 0 0
                                    

Aril's POV

Boring, lichanak. Andito ako ngayon klase ni Mr. Arroyo. Nakatutok ako sa relo ko imbes na sa mga sinusulat niya sa Board.

Busy ako sa pagtitig sa relo ko ng biglang may kumatok. Napatingin kaming lahat sa pinto maging si Mr. Arroyo.

"Sorry late." Kaswal na sabi ni Frost. or Ice? Kasi hindi ko naman kaklase si Frost sa subject na 'to.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Mr. Arroyo.

"Ramos?" Sambit ni Mr. Arroyo.

"Ice, Ice Ramos ho." Sarkastikong sabi ni Ice. May mas sasama pa pala kay Frost. Tumingin ako sa paligi at grabe kung sineswerte ka nga naman yung upuan lang sa tabi ko yung bakante.

Hay, sabagay hindi ko rin naman papansinin 'tong ice na 'to. Kaya, wapakels!

"Okay, take your seat." Sabi ni Me. Arroyo tapos nagpatuloy sa pagsusulat. Leche? Ganon lang? Tapos ako nalate ako ng 2 minuto lang ata tinalakan na niya ako kalahati ng period. Favoritism amputa!

Nakita kong iginala pa ni Ice yung mata niya para maghanap ng upuan. Choosy! Leche ayaw rin kita katabi!

Nang napagtanto niya na wala ng ibang upuan bukod sa upuan na nasa right side ko. Nagkibit balikat siya tapos naglakad na papunta dito.

May dimple pala 'tong si Ice tapos si Frost wala. Yung buhok naman ni Frost nakataas tapos etong kay Ice messy, hindi mo alam kung kakagising lang niya o hindi siya nagaayos ng buhok. Pero ang hot pa rin-- aish! Aril ano ba naman yan!

"Ms. Valdez! Sabihin mo nga sakin kung anong connect ng mukha ni Mr. Ramos sa tinuturo ko?!" Sigaw ni Mr. Arroyo. Bumalik naman ako sa senses ko pagka sigaw ko bahagyang natawa yung mga kaklase ko pero natigil rin dahil sa galit na galit na mukha ni Mr. Arroyo.

"Sorry ho." Sigaw ko. Hindi ko alam kung nahalata niyang sarkastiko yung pagsasalita ko pero sana hindi dahil baka tapos na yung period niya pero tinatalakan pa rin niya ako.

"Okay, kagaya nga ng sinabi ko kanina. Magp-partner partner kayo para sa activity natin. Sasagutan niyo lang itong mga worksheets na ibibigay ko. Yung mga katabi niyo yun yung magiging kapartner niyo." sigaw ni Mr. Arroyo tapos inabot niya yung patong patong na bond paper na singkapal na ata ng encyclopedia o mas makapal pa.

Tumingin agad ako sa left side ko kasi obviously, ayaw kong kapartner 'tong Ice na 'to. Masyado siyang mataray.

Putspa, yung nasa left side ko... Ding ding! Gash gash.

Tumingin ako kay Ice na nakatingin sakin na may wala-ka-ng-choice look. Aahh! No!

"May klase ka ba after nito? Pwede namang gawin na agad natin para hindi na tayo mag-om at mag-cram pa para dito." Aniya habang inaabot yung worksheets galing sa kaklase ko. Nag-thankyou pa siya at ngumiti dun sa nagabot sakanya. Plastic!

"Tungkol saan ba 'yan?" tanong ko tapos hinigit ko sakanya yung worksheet. Five pages din yung worksheet. Waah buti pala may partner ako. Sana naman hindi puro looks meron 'tong lalaking 'to!

Binalik ko bigla yung worksheet sakanya kasi wala akong masagot kahit isang tanong.

Kumuha siya ng ballpen tapos sinulat niya yung pangalan niya sa taas. Nakakamangha, maganda yung sulat niya. Hindi katulad nung sa ibang lalaki na parang kinahig ng manok. Ganon kasi yung sulat ni ger-- AAAHH! NO ARIL! Bayan!

"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong niya habang nakatingin sa papel tapos sinusulat pa rin yung pangalan niya.

Jaren Ice Ramos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Storya ng isang kontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon