"Paracord Bracelette"

400 9 1
                                    

Jairus' POV:




Kota na naman ako kay Babes :( Paano ko ba kasi siya liligawan ulit. Tanga mo kasi noon eh. Eh basta!!!


Nandito ako ngayon sa canteen, badtrip kasi ako kay Sharlene. Paano ba naman nung Math Time kanina, sinabi niya kay Ms. Tumiba na nangongopya ako sakanya. Hindi naman eh.



Throwback...



Tinititigan ko si Shar ngayon habang nagsasagot ng equation sa math. Ang ganda niya talaga. Grabe. Tanga mo talaga Aquino kung sana...


Habang tinititigan ko siya, eh napansin niya ako sa nakatingin sakanya. Tinignan niya ako. Mahal pa niya ata ako eh. HAHAHAHA


"Ma'am si Jairus po nangongopya!!" Sht lang. Hindi ako nangongopya!! ano ba yan, kung alam mo lang na ikaw yung tinititigan ko eh.



"Mr. Aquino!" sigaw ni Ma'am.


"Ma'am, hindi po!" napakamot tuloy ako sa batok ko.


"Anong hindi? Ma'am tignan niyo po parehas kami ng sagot.." Pangangatwiran ni Sharlene.


"Mr. Aquino labas. lumabas ka sa klase ko!" Sharlene naman eh. Pasalamat ka mahal kita!


Tinignan ko naman si Alexa, parang nag sorry-ah-look siya sa akin. Tumango na lang ako. Tumingin ako kay Nash, umiling lang siya. Tinignan ko naman si Shar, ayun inirapan ako at tumawa.



End of throwback..



"Oh pare!" di ko namalayan na andito na pala si Kobi at Nash


Tinignan ko naman sila sabay balik upo ulit.

"Bakit hindi ka na pumasok sa room. Hindi ka na nagklase ka English?!" Tanong ni Kobi


"Badtrip eh..." tipid kong sagot.


Nagtinginan naman ang dalawa. Sabay umiling sila.

"Suko ka na ba?!"



Tinignan ko sila. Susuko na ba ako? Lagi na lang ako binabale-wala ni Shar eh. Hindi ko na alam gagawin ko eh. Ang sakit sakit na kaya


Sharlene's POV:



Ayun pinalabas si Ba- ay este si Jairus. Come on Shar move on! Paano sinumbong ko kay Ma'am na nangongopya sa akin kahit alam ko naman na kaya niyang sagutan yun mga yun.


Bago siya lumabas eh tumingin siya sa akin.Inirapan ko lang siya, nakakainis kasi eh.



Tinignan ko naman yung kinauupuan niya. May nakita akong paracord, kinuha ko ito. Nalaglag niya ata bago siya umalis.



Mahal niya ata ako.. pa rin?!

I know we could HAPPEN (Nlex & Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon