Changes

377 13 2
                                    

Sharlene's


On the way na ako sa school. Maaga akong pumasok ngayon ewan ko ba. Maaga akong nagising kaya ayun maaga akong pumasok. Teka anong oras na ba?

Tinignan ko ang left arm ko at nakita ko maaga pa pala talaga. Ay yung paracord ni Jairus . Nasa akin nga pala ang paracord ni Jairus. Babalik ko na lang mamaya.


"Ma'am andito na po tayo!"


Tumangon na lang ako at bumaba. As ussual, ganun pa rin ang athmosphere. Pag baba ko sa sasakyan, puro bulungan, bangayan,sigawan, tilian naririnig ko. Sanay na ako diyan.


Teka bakit wala si Jai? Hindi niya ba aki kukulitin ngayon?


• A/N: ang mga naka-italic po ay throwback


"hi babes!" umagang-umaga eto bungad ko pag mumukhang ng lalaking iniyakan ko ugh.

hindi ko siya pinansin pero sinusundan niya ako. Nagpunta ako ng locker room andito siya, nagpunta ako ng cafeteria andito siya. Araw-araw akong kinukulit nito!

"Hangang sa cr ba susundan mo ako!"

Nagpout lang siya. Ang gwa-. Hindi wala, erase-erase. Wala akong sinasabi. Hindi ako magpapadala sa sinasabi at ginagawa niya at tandaan mo sinaktan ka niya.

Aray ko ang sakit ng paa ko!

Oo, natulala ako habang inaalala ko yun. Puro pasakit talaga iniiwan sa akin nung Aquino na yun, tignan niyo. Natamaan lang naman ako ng skate board sa paa.


"What th-" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang nakita kong si Jairus pala na nakatama sa aking paa.


"Sorry!" cold niyang sinabi sabay walk out.

Anong meron? Bakit hindi niya kinukulit ngayon?"


"Tama yan pre, umiwas sa taong pinapaasa ka!" sabi ni Kobi kay Jairus habang hinihimas ang likod nito nung paalis sila.


Huh?! Iniiwasan niya ako?! Bakit?!

"Jai!" sigaw ko.

Nilingonan niya ako pero yung mukhang hindi ako naging espesyal sakanya, yung mukhang normal lang natao ako sakanya.ANG SAKIT NAMAN <//3

"Nahulog mo nga pala" sabay abot ko sakanya ng paracord niya.

"Thank you huh!" cold niyang sinabi.

Umalis na sila at naglakad palayo.Bakit ang cold mo ngayon sa akin Jairus?



"Ano tara na?!" yaya sa akin ni Alexa. Taray! Naka-braid siya ngayon, mukha na siyang 4th year hindi yung tirintas niya na mukha siyang grade 2 hehehehe :D



Vacant time.


Nakatunganga lang ako ngayon. Bakit ba kasi ganun na lang trato niya sa akin? Hindi niya talaga ako minahal :(

Ano ka ba Shar? Bakit ba hindi mo siya kayang i-let go. Huwag mo ng isipin na mahal ka pa niya pwede ba?

Hay! Dami kong iniisip. Parang gusto ko ng maglaho sa oras na ito. Op na op na ako. Paano ba naman, si Alexa at Nash. Okay sila, chill. Walang problema ang sweet sweet nila. Si Kobi, ayun kumakain siya. Si Jai naman.. ayun naglalaro ng flappy Bird sa iTouch niya.


Tinitigan ko siya ng tinago niya ang iTouch niya sa bulsa niya tinitignan na lang iba namin na classmates. Bakit hindi niya na ako tinitignan ngayon?


"in this situa....." nagdidiscuss si Ma'am Rivera about Science. Hindi ko feel makinig kaya nag-doodle nalang ako sa aking likod ng notebook. Ang dami kasing satsat ni Ms.


Habang busy ako, hindi ako mapakali. Kasi, parang may kanina lang nakatingin sa akin. Ah si Jairus pala, kanina niya pa ako tinititigan.

"Mr. Aquino..." ayan tingin pa napapala mo. Hindi ka kasi nakikinig eh. Binaling ko na lang sarili ko sa doodle na ginagawa ko. Tinanong siya ni Ma'am at nasagot niya. Ang talino talaga niya kahit bad ass siya. "Ms. San Pedro..." kabayong kinalbo. bakit ako? sus hindi ko alam ang sagot. Hindi ako makasagot sa tanong ni Ma'am tumingin muna ako kung saan-saan hangat sa nakita ko na may hawak na papel si Jairus. Love means no DISTANCE baby. Nakalinya ang salitang Distance siguro ayun ang sagot "Distance ma'am"

Tumango na lang si Ma'am at nagsimula ulit. Tinignan ko naman si Jai at nakatingin ulit siya sa akin. Inirapan ko lang siya.


"Ms.San Pedro!"


Ay siomai naman oh! Hindi ko namalayan na andito na si Mr. Ramos. Ay nako lutang ka ngayon Sharlene.

Huwag mong sabihin na si Mr. Reuel ang dahilan ay nako ayie ♡

Tse! Tumayo ako, nakita ko ang lahat ng classmates ko na nakatingin sa akin. Hindi ko na naman masagot yung tanong ni Ma'am. Tinignan ko si Jairus pero sa blackboard siya nakaharap. Jairus I need you right now. Tinignan ko naman si Nash  at sinasabi niya na Benigno Aquino raw ang sagot.

"Benigno Aquino sir!"


"Yun naman pala eh,sa susunod kasi wag puro si Jairus Aquino ang isipin minsan si Benigno Aquino naman huh?"

Nakakahiya. Umupo ako tinignan si Alexa. Umiling na lang siya. FOCUS SHAR FOCUS


seating arrangement

Classmate • Nash • Jairus

Alexa • Ako • Francis

I know we could HAPPEN (Nlex & Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon