Truth

346 12 3
                                    

Sharlene's

It's been a month simula nung iniiwasan na ako ni Aquino. Sumuko na ba siya? Teka, bakit parang quilty ako? Hindi ba ako nagtagumpay na paghigantihan siya?

"Uy teh, nakikinig ka ba sa akin?"

Ay! Kasama ko pala si Alexa ngayon, ngayon hawak hawak niya yung 3 rosas niya galing kay Nash for sure. Kinikilig pa nga siya eh.

"Ah.. oo naman"

Masyado kasing malalim ang iniisip ko. Hindi ko alam feeling ko these past few days nagiging lutang ako. Dahil ba kay Jairus?

"Sige nga, ano nga sabi ko?"

Patay ka!

"Na binigyan ka ni Nash ng flowers, ayan oh yung hawak mo"

"Nakikinig ka nga, btw may napapansin ako kay Jairus lately.."

Baka alam na niya? Omg

"Uhm.. ano naman yun, na iniiwasan niya na ako?" habay higop sa iniinom kong Jamba Juice

"Hindi ano kaba, na lagi silang magkasama ni Mika"

Huh?! Naka-move on na ba talaga siya? Ganun na lang ba ako sakanya... Palibasa hindi naman ako minah- ayoko na nga

"Sus... pake ko. Malandi lang talaga siya"

"Teka, bakit parang galit ka? Diba dapat masaya ka kasi tinigilan ka na niya"

Oo nga Sharlene, bakit ganun? Hindi ba dapat nagpa-party ka kasi wala ng makulit sayo. Hindi ka ba masaya na pinalaya ka na ni Aquino?

"Masaya kaya ako!" ngumiti ako, yung labas ngipin as in lahat, pati ata gilagid ko nakalabas na.

"Pilit girl, ano ba kasi nangyari sainyo ni Jairus eh diba nung bata pa tayo crush na crush mo na siya eh bakit simula nung nag se-"

Hindi ko siya pinatapos sinubo ko sakanya yung kinakain niyang belgian waffle. Hay naguguluhan na ako.

"Ano ba kasi nangyari kaya ubod laki ng galit mo kay Jairus? Alam ko bestfriend mo ko, alam kong may gusto kang sabihin sa akin. Tell me, handaan akong makinig sayo"

Siguro eto na talaga yung tamang panahon na sabihin ko sakanya. Bestfriend ko siya kaya dapat alam niya. May tiwala ako sakanya.

Tinignan ko siya si Alexa at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay at nagbuntong hininga. This is it......

"Don't tell me... don't tell me na nabuntis ka ni Jai?!"

Kahit kailan talaga oh! Panira ng seryoso moment ito eh. Binatukan ko nga.

"Gaga! Hindi no, Letse ka! Andoonn na ako eh, may lakas loob na akong sabihin sayo tapos magsasalita ka ng ganun? Alexa naman"

"Masyado ka kasing seryoso,syempre joke lang yun. Edi game na go!"

This is it..

"First year tayo, alam mo simula elementary palang may paghanga na ako sakanya.. Hindi ko naman alam nahahantong sa ibang level. Summer, sa Palawan nagkita kami. Kinausap niya ako, nagkamustahan syempre ako tinatago ko ang kilig ko. Nagpalitan rin kami ng numbers. Nagkatext at tawagan kami hangang sa pasukan. Hindi ko inaasahan na mahuhulog talaga ako sakanya, yung tipong mahal ko na siya? Hindi ko kinaya yung nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itago kaya pinagtapat ko sakanya. Pero, akala mo mabibigo ako sakanya pero hindi. Inamin niya sa akin na may nararamdaman siya sa akin. Kaya ayun. Nung una masaya, feeling ko wala na akong hahangarin sa mundo. Dumating din sa punto na lumalabas kami nagmo-malling kami. Napakasaya ko ng mga panahon na yan. Isang araw, isang araw niyaya ko siyang lumabas kasi 5th monthsary namin. Tinext ko siya, tinawagan pero hindi siya sumasagot. Kaya't pinuntahan ko siya sakanila,sabi ng ate niya umalis raw sila nila Nash. Pagkatapos noon, hindi lang pala yun yung unang beses na nangyari. Isa.. dalawa linggong hindi niya ako kinakausap iniiwasan niya ata ako. Nung may camping tayo, diba kasama natin siya sa bus. Yung kinagulat ng lahat na magkasama sila ni Joy, na sinasabi yun daw yung unang girlfriend ni Jairus. Nasaktan ako, feeling ko option lang ako. Kaya nung habang gumagawa kayo ng fire,nagluluto kayo kinausap ko siya...."

"Jai, bakit ba hindi ka nagpaparamdaman sa akin?! Tapos eto pa may kasama ka pang ibang babae, so niloloko mo na ako ngayon?!"

Nakatingin lang siya sakin ng deretso,habang ang luha ko, tumutulo na sa sakit na nararamdaman ko

"Akala ko ba mahal mo ako?"

"Listen Shar! Hindi. Kita. Mahal. Hindi. Kita. Minahal. OPTION LANG KITA!! naiintindihan mo ba yun?"

O-option? Hindi ito totoo diba? Panaginip lang ito...

"Jai, sabihin mo sa akin hindi ito totoo diba? mahal mo ako sabi mo sa akin!"

"Hindi kita minahal, ayoko sayo! Ayoko sa babaeng katulad mo. Hindi kita ginusto kaya pwede ba tama na. Tigilan mo na ako!".

Naiiyak na pala ako habang kinekwento ko kay Alexa. May sakit pa talaga akong nararamdaman.

"Its okay, andito ako. Ako, hindi kita iiwan. Nandito lang ako para sayo" she hugged me.

"Siguro naman dahilan na yun para magalit ako para sakanya diba?" mangiyak ngiyak kong sinabi.

"Shhhh. Let's not talk about it. Next time na natin pag usapan yan. Ngayon ang kailangan natin ay ang makapag-move on ka okay?"

Tumango-tango nalang ako. Tama si Alexa, kailangan ko ng magmove on. I don't deserve to be OPTION LANG.

"MILK TEA FOR MR. JAIRUS AND MS. MIKA!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I know we could HAPPEN (Nlex & Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon