Nandito na ko sa photoshoot. Pagpasok kopalang, kinuhanan na agad nila ako ng pictures. Sanay narin naman ako. Maganda daw kasi kapag stolen ang shots lalo na kapag fresh palang.
Simple lang naman daw pala ang gagawin. Nako. Shirts lang pala ang isho-shoot. Lagi naman e. Next week daw underwear. So simple as that. Hayy. The shoot started na.
After 25 shots, nagbreak na si Direk. Meron daw kaming 15 mins. 5 mins are for retouch. Tinaggal ko na yung shirt ko tapos umupo sa swivel chair.
Uminom na ko ng tubig tas nagtoss ng dalawang tictac sa bibig. May lumapit sa aking isang babaeng may hawak na maliit na pouch.
“Ahh.. Yes?” sabi ko sa babaeng may kulot na buhok na brown.
“Sir, retouch po.” Sagot nya sakin.
“Ah. Sige.” Nakapants lang ako nun. Wala akong shirt at medyo pawis na rin ako. Pero gora lang. Sanay narin ako. Yung iba nga pinagnanasaan pa ko. Especially kapag bakla. Ew. Yakk.
Nakatitig lang ako sa lips nyang mapupula pero halata mong natural lang habang inaayos nya yung buhok ko. Nilalagyan nya ng gel para daw nakataas. Wetlook daw kasi ang theme ng shoot. Malay ko bas sa kanila kung anong trip nila.
Llenai pala ang name nya. Ang gara ng pangalan. Pangmayaman. I wonder kung bakit pumasok sya as a make-up artist? Naks. Nagpapantasya ako ng kung ano-ano sa kanya. Nebeyen. Flawless din sya. Ay grabe. Kung ano ano na naiisip ko ng biglang--.
“AYY! So-sorry po!” pagsigaw nya sa mukha ko.
Nagulat ako pero hindi sya nagsalita. Tumakbo agad sya papalayo tapos dumiretso sa CR. Kinatikot ko naman yung nilagay nyang pulbos na nilapag nya sa table bago sya umalis. “BLACK AND WHITE POWDER.” Wait. Huh? Diba eto yung nilalagay sa underarm ng mga artista?
YUCCK! Napapagpag naman ako sa mukha ko habang naiirita. Pagtanggal ko ng kamay ko sa mukah ko, nakita ko naman syang pabalik na. Ang ganda pala ng body language nya. Simple lang din syang babae. Just wearing a simple cute shirt and skinny jeans. Naka-havaianas lang din nga sya e.
May dala syang maliit na baso na may tubig at isang towellete na sakto lang na pampunas ng mukha. Bago sya makalapit, may dumaang staff dala-dala yung bagong background na gagamitin sa shoot. May cord naman na nakasunod don pantali.
Bumalik yung tingin ko kay Llenai. Ngumiti sya sakin saka yumuko ulit para basain yung towellete na dala nya. Hindi sya tumitingin sa dinadaanan nya. Lakad lang sya nang lakad. Dire-diresto lang sya at pagtingla nya, ngumiti sya saakin.
“Ahh! Si-“
*tsup*
Nagulat ako sa nangyari. ANg huling naaalala ko lang ay naglalakad sya, tas may dumaang staff na may dala-dala, tapos ndi sya tumitingin sa dinadaanan nya. Natalisod sya tapos. TAPOS, what?!
Napadilat ako. Magkadikit kami. Nakalock yung lips namin at nakatitig ako sa mga mata nya. Light brown eyes. Ang clear nya. At ang laki ng iris nya. Ang ganda. Blink lang sya ng blink at binigyan ako ng anong-nangyayari-dito-sir look.
Bigla naming bumalik ang katawang lupa ko at tinanggal ko na ang kamay ko sa bewang nya. Napatayo naren sya at nagayos ng sarili sabay hawi ng bangs sa mukha nya.
“Ay. Si-Sir! Uhmm, Uhm, So-Sorry po! Hindi ko p-po si-sinasa-“ – staff na may dala-dalang background. Takot na takot sya at halos mabitawan nya na yung malaking dala nya.
“It’s okay. It’s okay. Ju-just finish it.” – sabay aya k okay Llenai na ituloy na yung ginagawa nya.
“Ah. Ah si-sige po.”
Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya habang tinatapos nya yung ginagawa nya. Sakto namang nagkakatinginan kami kapag tumitingin ako sa kanya. May nakita ako sa necklace nya. May pendant iyong “L and E”. Ang usisa ko no?
At sa wakas! Natapos na ren ang retouch!
Nagpasalamat na ako sa kanya at nagnod naman sya sakin. Pagkatapos nun ay tinuloy na ang shoot kasi tumawag naren si Direk. Tinignan ko naman sya habang papalabas sya ng studio.
“LEC! It was all a good job! Thanks again! Next week ay ang underwears ha? Wag ka mawawala. Salamat.” – sambit sakin ni Tito Larry paglabas ko ng studio.
“No problem, Tito. Basta-basta po ayokong sumikat ha? Magaaral muna po ako.” Sagot ko naman sa kanya.
“Oo. Sigurado. Hindi lalabas ang pangalan mo.” Nagsmile sya.
“Cge po, Tito. Uwi na po ako. May pasok na po kasi bukas e.” Nagsmile ako with matching pogi sign.
Totoo. Ayoko talagang sumikat. Gusto ko kasi ng simpleng buhay. Yun bang paghihirapan ko bawat makukuha ko. I want to grow up without the help of my parents. Siguro ngayon kailangan ko pa. Pero once na makagraduate ako, I can stand on my own.
Dumiretso na ako sa dressing room ko para magbihis na at makauwi. Pagod naren kasi ako. Pagkakuha ko ng bag ko, may lumipad na maliit na note sa sahig.
“Sir, I’m sorry po. Ingat po sa pag-uwi. Btw, nagblush po kayo kanina kaya po maraming powder ang nilagay ko sa pisngi nyo. –Llenai.”
Argghh. Yung kanina. Nako po. Tama na nga. Kaya pala pinagtatawanan ako ng mga camera man. Nagkukulay pink daw ako habang nagshoot kami.
Staahp. She’s just. She’s just an assistant. Forget it, Lec. It’s nothing.
Nakauwi na ko. It’s 3pm na pala. May nakita akong note ni Mom sa ref.
“Lec, I’m off to Brazil. I’ve got you things for tomorrow. Keep safe. –Mom.”
See? I’m left alone. Si Mickey naman ay sure na naihatid na ni Mom sa mga tita ko.
The phone beeped. Nakalagay ang pangalan ni Mom sa screen.
“Hello, Mom?” – Pagsalubong ko sa kanya.
“Oh, Lec? Kumain ka na dyan. Pinuno ko na yung cabinets at ref para sayo. Mga 2 months din ako dito. Wag kang magpupuyat ha?”
“Opo, Mom. Thanks po sa pagalala. Ansarap po nung beef mac ah? Luto nyo?”
“Oo. Sige. Kumain ka lang. Don’t skip meals. Pasukan na.”
“Ay, oo nga pala. Thanks for reminding me, Mom. SIge po. Aayusin ko pa gamit ko.”
“Yeah sure, bye, Lec.”
“Thanks, Mom. Bye. Take care.”
Ang bait ng mom ko no? Sa kanya ako natututo ng manners. Tsaka ako naren ang nagdedecide para sa sarili ko with her guide. She never contradicted my life plans.
Edi iyon. Inayos ko na yung gamit ko. Isang binder lang naman ang kailangan ko. Tsaka bolpen syempre. May pasok na bukas. Enrollment palang pala.
Cge. Pagod na ko. I’m off to sleep.
<3 <3 <3
Sorry po sa short update! VOMMENT po. Hihi. Follooow