“TSUUUYAAAAAAAAAAAA! GITSING NAAAAAAAAAAA!” sigaw ng kapatid kong si Mickey habang nilalamukos ng kamay nya yung mukha ko.
“O-Oo na. U-umalis ka na dyan Mickey.” sabi ko sa kanya nang binuhat ko sya paalis sa katawan ko.
“Tsatsain na daw sabi ni Nana. Bumaba ka na daw doooooooooooon!” sabay turo sa pinto at saka tumakbo papalabas ng parang eroplano.
Dali-dali ko naring tiniklop yung kumot ko. Binuksan ang bintana. Nag-inat. Humikab. Tapos bagsak ulit sa kama.
After 7 mins...
“TSUYYAAAAAAAAAAAAAA! Nako naman e. Tsatsampa ako sayo. Sige ka.”
Nagising nalang ako ng biglang tumalon sakin si Mickey.
“Uggh! Ano ba *cough* Mickey?” pilit ko syang inaalis sa dibdib ko.
“E ikaw kasi! Baba ka na daw dooooon!” Nakapamewang pa syang sumisigaw sa akin habang nakaturo sa pintuan.
“Oo na. Cge na.” Tinataboy ko pa sya gamit ang kamay ko habang nakasubsob parin ang mukha ko sa unan.
Biglang hinablot ni Mickey ang kamay ko, hinatak ako pababa. Anlakas pala nito kahit ang liit palang.
Bigla ko namang tayo at binuhat si Mickey pabaliktad.
“Makulit ka pala ah! Eto sayo!” kiniliti ko sya habang nakapasan sya pabaliktad sakin. Parang kung paano bumuhat ng sako bigas yung mga tao sa wet market?
“Ahahaha! Kuya, HAHA, ta-HAHA, tama na!”
Naglakad na kami pababa.
Ayy, oo nga pala. Ako si Lawrence Ethan Coby Evans. Pwede ring ‘LEC’. Pero close lang na mga tao ang tumatawag sakin non. I’m 19 years old. Kilala yung family namin sa business na medical. Marami kaming hospitals na pagmamayari. Hindi naman ito sa pagmamayabang. Pero, hindi ako sunod sa gusto ng mga magulang ko. Hindi ako magdodoktor. Mas ginusto ko kasing kuhanin ang course na culinary. Para narin lumawak din ang business skills ng pangalang Ethans. Habang nagaaral ako, kinuha akong model ng business partner ni Dad, pero iba yun. Sa fashion sila. Aba e, sa gwapo ko ba naman to e. Hindi pa nila ako kunin. Haha.
“HOY! LAWRENCE ETHAN COBY EVANS! Nakikinig ka ba?” bigla akong bumalik sa malay ko nung sinigawan ako ni Mommy. Sa sobrang antok ko pa naman e nakatulala ako sa oven. Wala naming laman yun.
“Ay! Oo, Mom. Ano ulit yun?” Ang gulo ko no?
“Hay, nako. Bangag ka pa nga! Sabi ko, maya-maya, maligo ka na. Pinapatawag ka na doon sa shoot ng bagong shirts ng Tito Larry mo. (Si Tito Larry nga pala yung business partner ni Daddy). Tapos, pag-uwi mo, matulog ka na. Pasukan na bukas.” Pagpapaliwanag ni Mama habang naglalagay ng gatas sa baso ko.
“Tsuya, patsalubong ko ah? *puppy eyes*” sabi ni Mickey habang nilalamukos nanaman ang mukha ko.
Ah. Si Mickey? Kapatid ko. Mickey Elisse Cathy Evans. MEC. HAHAHA. Medyo nalate na nga sya e. 3 years old palang yan. Kaming dalawa lang magkapatid. Lagi kasing busy si Daddy sa trabaho. Lagi syang nasa London kasi sya ang incharge sa ospital namin doon. Si Mommy naman, nagtayo ng clinic dito sa bahay, para kahit house wife sya, nakakagawa kami ng pera.
Osige. Mamaya na kwento. Maliligo pa ko. :D
<3 <3 <3
Vommeeeent! J
![](https://img.wattpad.com/cover/14561123-288-k830054.jpg)