PAULA’S POV
Wednesday na.
Maaga akong pumasok kahapon kasi 7am ang unang period ko. 8 am pa kasi yung kila Kuya kaya sabay sabay na silang papasok nila Kuya Lec. Nakita ko nga si Kuya Lec kahapon sa room nya e. G1-A. Ee pagkakaalam ko sa G1-B sya. Nagtaka nga ako e.
Nung nakita ko naman sya, nag-hi lang ako ng may napakataas na energy. Ewan ko. Ang saya ng simula ng araw ko e. Pero okay na rin yun. Atleast hindi ako aantukin sa klase. ;)
Nagrandom nanaman yung schedule naming apat. Ang hirap naman. Haaaay. Aayain ko sya kumain sa Thursday! Hoho!
Wait, first period na namin ng 7:30. And it’s, uhm, 7:23 am. Bye! J
PAOLO’s POV
Akala ko magkaklase kami ni Lec. Okay na sana yung magkakasama kaming tatlo sa isang section e. Sayang naman.
Sabi nga kasi nung enrolment, magkaklase na kaming tatlo. Ee kaso daw nung hapon, madaming sumugod na mga enrolees pa kaya nagchange of sorting sila. Hindi daw kasi kakayanin kapag basta lang ilalagay sa sections yung enrolees. Bwisit kasi sila. Late magenrol! -_-
Dahil narin sa change of plans nila sa sorting, edi pati schedule namin natira. Nakakainis nga e. Tuwing Friday nalang kami may vacant nang sabay sabay. Buti nalang at uwian narin yun.
Pero, so far, okay naman yung first day ng class e. Except lang sa katabi ko. Si Kathy Zulueta. Mataray. Masungit. Kala mo araw araw nagkakaPMS. Maganda sya, actually. Pero I can’t stand being stuck with her for the whole school year! Araw araw nalang susungitan ako nito. Aizzt!
8 am pa naman yung first period naming kaya better na matulog muna ko. Mornight.
PIOLO’s POV
Sayang naman si Papa Lec. Magkaklase na sana kaming tatlo e. Hayyt!
Bwisit kasi yung mga enrolees na yun! Sana hindi nalang nagenrol! ARRGH!
Okay naman yung first day ng class. Orient orient lang si Ms. Alexa. Kaso, isa lang ang problema. Yung seatmate ko. Ang chorva nito! Mas lalaki pa sakin kumilos e! Si Timothy. Well, mas gusto nya daw na tinatawag na ganun pero ang totoong pangalan nya ay Tiffany. Sya si Tiffany Marquez. Ewan ko kung bakit kami ang pinagtabi.
Sign na ba to na dapat magpakalalaki na ko? Huwaat?!
I can’t take this! Masisira ang beauty ko sa kanya for the whole year!
Mahahaggard ako! NO!!!
Nagbasa nalang ako ng manga kasi 8 am pa naman yung first period namin e.
LEC’s POV
It’s already Wednesday. Second day na ng pasok. Nakakaexcite. Alam nyo kung bakit? Alam nyo naman siguro diba.? Hihi. Ang gay ko na. -_-
Nung pumasok ako sa pinto ng classroom, lahat ng kaklase ko may hawak na notebook. Kung hindi naman notebook, librong napakakapal. Aba? Second day palang ng school ah? Bakit sila nagrereview. Napailing nalang ako at napatingin kay Dyosa.
Nakabeats lang sya at nakaharap sa window side. As always, nagbabasa na naman sya nung fiction book nya. Mahilig sya sa fictions. Power of Six nya yung binabasa nya e. Sequel ata yun ng I am Number Four. Mas gwapo naman ako kay John ah. Sana ako nalang pinagkakainteresan nya.
Eww. Ang gay ko na talaga.
Kinalabit ko sya saka umupo sa chair ko na katabi nya.
“Dala ko na yung laptop.” – Ako habang nilalagay ko yung bag ko sa likod ko.