-Silent tears hold the loudest pain-
Vice POV:
Andito ako sa Showtime ngayon kahit medyo masama pakiramdam ko. Masaya,dahil sa bago naming segment ang Ms. Q and A. Pero ng magta-tawag ng tanghalan ay medyo di na talaga ako ok,tinanong naman nila ako kung kaya ko pa daw kaya sinabi ko na kaya ko pa,tatapusin ko muna to tutal last segment na naman.
Thank you madlang people,solid showtimers,magkita kita po ulit tayo bukas dito sa
YOUR SHOW,YOUR TIME,ITS SHOWTIME!!Hudyat na tapos na ang show ng makarating ako sa dressing room ay bigla na lang akong nahilo,matutumba sana ako kung hindi pa ako nahawakan ni Buern.
Meme,ok ka lang ba,gusto mo dalhin ka na namin sa ospital,nag-aalalang wika nito. Umiling lang ako dito na lalong nagpahilo sakin hanggang sa bigla na lang akong kinain ng dilim.
Terrence POV:
Terrence,Terrence,tingnan mo ito oh,ani Mike habang pinapakita ang nasa cellphone nito. Nagtaka naman ako dito kaya tiningnan ko agad ito.
Kilalang komedyanteng si Vice Ganda isinugod sa ospital matapos mahimatay sa backstage ng showtime..
Bigla naman akong nag-alala,at bigla akong napatayo.
Oh,san ka pupunta?,nagtatakang sabi ni Mike
Sa ospital,simpleng sagot ko dito.
Sandali lang,alam mong isyu na naman to right?,ani nito.
Iisipin ko pa ba yun,Mike,kaibigan natin yung nasa ospital,at saka sasamahan mo naman ako eh,ani ko. At wala naman itong nagawa.
Vice POV:
Ikaw kasi eh,pahinga din pag may time,ani ng ate ko.
Oo nga meme,ani naman ni Teejay
Oh sya aalis na ako at may pasyente pa ako,binisita lang kita,pagaling ka tutoy ha,ani nito at umalis na.
Oh meme,narinig mo na ang sabi ni ate ha,pagaling,ani ni jake.
Habang nag-uusap ang mga bakla ay biglang may kumatok. Pinagbuksan naman ito ni Buern.
Oh Meme,may bisita ka,ani nito.
Nakita ko namang pumasok si Terrence kasama si Mike.
Wag nyong sabihing pinapunta ulit kayo ni Papa Fred?,ani Teejay
Oy,di naman kami pupunta lang kapag pinakiusap ni kuya Fred,kaibigan din naman namin si Vice,paliwanag ni Mike,napakamot naman sa batok si Terrence
Ah,Vice kamusta na?,tanong naman ni Terrence
Ok na,medyo nanghihina pa,pero kaya na,sagot ko dito.
Ano ba kasing nangyari,nabasa lang kasi namin sa twitter eh,tanong naman ni Mike.
Ah,medyo nahilo lang ako,masama kasi ang pakiramdam ko,ang sabi naman ng doktor,pagod at stress lang daw,maya-maya pede na din daw akong umuwi,ani ko.
Ikaw kasi Vice,masyado mong inaabuso ang sarili mo,uy tao ka ha paalala ko lang,nag-aalalang wika ni Mike. Binatukan naman ito Terrence,napapatawa ako sa dalawang to,kahit nag-aalaskahan di naman nag-iiwanan.
Makapagsabi ka naman kay Vice,nanay lang,pagbibiro nito kay Mike.
Oo nga pala Terrence,congrats ha,ani ko dito.
Ha? Congrats san?,nagtatakang wika nito.
Sa girlfriend mo,usap-usapan yun ngayon sa social media,si Babe ata yun,nakangiting wika ko dito.
Ah,naku,hindi ko yun girlfriend,yung Babe nickname nya yun,pinakilala lang sakin nitong si Mike,kaibigan lang yun,alam mo naman sa social media kadalasan di totoo,paliwanag nito. Magsasalita sana ako ng biglang sumingit si Teejay.
So single ka pa rin?,nakangiting wika nito,na binatukan ni Jake.
Kung makangiti ka parang may pag-asa ka ah,nakangising wika ni Jake
Makabatok ha,nagtatanong lang naman ako ah,masama,masama,ani nito na aktong manununtok.
Para kayong mga sira,ngiting wika ko sa mga ito.
Oh sya Vice,lalarga na kami,pahinga ka Vice ha,paalam ni Mike.
Una na kami ni Mike,pagaling ka Vice,ani Terrence,nagpasalamat ako dito at umalis na.
Oh meme,nakadalaw na si Terrence pati na rin si Mike,asan na si Papa Fred?,tanong ni Teejay. Napatahimik ako dun,dahil di pa naman nagte-text o tumatawag man lang si FK. Di ko nga alam kung alam nya na nasa ospital ako.
Ikaw baklita ka talaga,ani Buern napansin siguro na napatahimik ako.
Pahinga muna ako,ani ko na lang.
Tama I need rest!!!
A/n:
Sa wakas nakapag-update din! Sorry po sabaw😘😘😘😘
-rosegreen7
-unedited
BINABASA MO ANG
ALMOST IS NEVER ENOUGH(VIRENCE STORY) COMPLETED
Romancevirence all the way!!! PHOTOS NOT MINE(lahat po ng pictures ay kinuha ko sa internet,facebook,twitter,instagram)