Kath"Ma, bakit asul ang mata ko?" I always asked my mom about my eyes wherever I had I chance to ask her. Yun ay kung hindi siya nagsusugal at lasing sa alak.
Madalas akong tawaging anak araw sa probinsya namin. Pinanganak ako sa Romblon. Isang isla sa Visayas. Malayo sa kabihasnan. Pero nagkalat ang anak ng mga puti doon.
Sabi kasi sa amin, kapag nakapangasawa ka ng Amerikano, giginhawa ang buhay mo. Parang hindi naman. 12 years old ako ng dalin ako sa America ng nanay ko para hanapin ang sundalo kong ama. Akala ko gaganda ang buhay namin sa America pero hindi pala. Mas lalong nalulong sa alak si mama. Blue label daw kasi ang alak doon at hindi gin kagaya ng iniinom nya madalas.
Nakita nga namin si papa after ng ilang buwan namin pagtira sa park. Naging palaboy kami sa America bago namin makita si papa. Meron siyang kinakasama at that time. At dahil asul ang mata ko na katulad ng kay papa, pinatuloy nya kami ni mama. Dahilan para magkahiwalay sila ng girlfriend niya.
Hindi madali ang buhay namin sa America. Mas lalong naging mahirap ng malulong sa drugs si mama at mamatay dahil sa over dose sa cocaine. I was 17 at that time.
Maliit lang ang pension ni papa na nakukuha sa government ng America. Kulang sa panggastos namin. After ng highschool, sabi ni papa hindi niya na daw ako kayang pag-aralin. Kaya nagsumikap ako. Nagtatrabaho ako sa umaga, pumapasok ako sa college sa hapon.
Hindi madali. Napakahirap ng buhay sa America. Nagkasakit si papa ng lung cancer. Kinailangan kong huminto sa pag-aaral para maalagaan siya. He died when I was 21. Pero bago siya mamatay, sinabi niya sa akin na meron pa siyang isang anak. He asked me to look for him. His name is Kian Miller.
"Meron talagang something sa kasal ano para makapag-reminisce ka..." Diane blurted out behind me.
I was looking at Kian and Trisha. They were dancing and laughing. Malayo na ang narrating naming magkapatid.
"I just remembered how my life changed when I met my brother," I replied to her.
Nasa kasal kami ni Merjie at Redgie. Naging kaibigan na namin ang tatlong magbebestie. Isa doon ang buntis na girlfriend ni Cloud.
"Wag ka ng magdrama. Nakatingin si cutie sayo oh."Parang sira ang mga kaibigan ko kung makatukso. As if mga dalaga kung makatili.
"Hi. I'm Justin." He handed me his hand so I gave mine.
"Kath." Laking gulat ko ng halikan niya ang kamay ko. Nagkulay kamatis ako, shit.
"Nice name for a pretty lady," Justin said. Hmmm...bolero.May trauma na ako sa mga ganyang lalaki. The boy next door with a mischievous smile. Those smile that promised a good time. Pero after noon nganga...
"Can I have this dance?" He asked. Inakay agad ako ni Justin sa dance floor.
Naririnig ko pa ang mga catcalls nila Diane."Where are you from?" He asked me.
"Here," I replied.
Mukha siyang nagulat. "You don't look like a Filipino." He said.
I nodded. Because of my eyes...and my skin color. I look more of an American than a Filipino. Hindi nga lang ako blond. "I am half American."
"Oh, I see. So you stay here huh?"
"Yup with my son." I saw how his smile change... I so knew it. He is a player.
"You are married?"
"Single mom." I corrected him.
"I see..." he said it again. Did you really see...anything?
I chuckled. "Disappointed are you?"
His smile plastered again. "No. Not disappointed. I am...just...amaze."Amaze my ass... Mas lalo kang maa-amaze kapag nakita mo si Kian.
Lahat naman ng lalaki ganyan. They were interested with my face, tapos mawawalan ng gana kapag nalamang may anak ako... tapos biglang they want my attention ulit because Kian is my brother.
Wala na akong ilusyon na meron pang magmamahal sa akin gaya ng pagmamahal na nakikita ko sa mga kaibigan ko. I learned my lesson the hard way. Kaya ang tiwala ko, kasing hirap makuha kagaya ng patak ng ulan sa Sahara.
I swayed to an angle para maharap si Justin kay Kian. Sabihin nyo ng tuso ako...Nanlaki ang mata niya ng makilala si Kian.
"Jesus Christ...That's...That's Kian Miller." He said. His voice is not so loud but he attracts attention.
"Oh... Kian. You know him?" Kunwari hindi big deal sa akin. Pero gusto ko ng tapakan ang paa ni Justin para tumigil siya.
"Of course. He is like the champion at NASCAR... Why he is here?" Para siyang batang nakakita ng power ranger sa Toy Kingdom.
"He is my brother," I told him.
"Oh, God...Really?!"
Here we go... And my line after that would be...
"Anyway Justin. Thank you for the dance. I should go back to my friends. Nice to meet you."At iniwanan ko si Justin sa gitna ng dance floor.
Sinalubong ako ng nakangising si Marcus.Great another guy in friendzone....
YOU ARE READING
Bluish Heart
RomanceKathleen Miller is a half American nurse who is done with guy's bullshit... After her rough upbringing, she decided that her son will not experience that kind of life... with her little savings she went back to Philippines. Where she met Marcus. The...