Chapter 2- Uncle

7.6K 235 4
                                    


Marcus POV

"Paano ka magkaka boyfriend kung lahat nasa friendzone sayo?" sinundan ko si Kath hanggang sa buffet table.
"Maybe because I am not looking for a boyfriend." Nakataas ang isang kilay nitong sagot sa akin. Kung ano anong gulay ang kinuha ni Kath. Ang laki na ng pinayat niya buhat ng dumating siya sa Country Club.
"Ikaw na lang ang natitirang manang... Naunahan ka pa ni Yumi."
"Bakit ba gigil na gigil kayong magkalove life ako?" Asar na sagot nito at nagmamadaling bumalik sa table.

"Uncle Marcus... look what I've got?" masayang lumapit sa akin si Gab and anak ni Kath.
Nagniningning ang asul na asul na mata nito.
"Too much chocolate will make you lose your teeth."
Gab jump to my back to piggyback on me.
"Mama said it's okay...that's why there are dentists..." Katwiran ni Gab.
"Your mom likes sweets kaya sinabi nya yun. Pero hindi ibig sabihin maganda sa health ang sobra sa sweets."
"You love me anyway kahit wala na akong ngipin." Biro ni Gab sa akin.

Sa lahat ng bata dito sa Country Club, si Gab ang napalapit ng husto sa akin. Siguro dahil wala siyang tatay kaya sa akin siya madalas sumasama.

"Gabriel... Madudumihan ang damit ni Uncle Marcus mo." I heard Kath somewhere.

"Uh-oh... Mama saw us. Run Uncle..." Natawa ako. Hell why not. Tumakbo kami ng palapit na sa amin si Kath. Tawa ng tawa ang bata na nasa likod ko.

"Your mama will spank us later," I told the little buddy at my back.
"No..." he squealed with delight. "Baka injection nya tayo mamaya."
"Takot ako sa injection." I told the kid na lalong tumawa.
"Parang kagat lang ng langgam Uncle." Sabi nito.

"Gabriel Andrew Miller...Get down. Now." Napahinto kami ni Gab sa pagtakbo.
"We're in trouble." Bulong nito sa akin.
Nakalapit sa amin si Kath at kinuha nito si Gab na nakapasan pa sa akin.

"Nalukot mo na ang damit ni Uncle Marcus mo." Kath reprimand the kid. They have the same shades of blue. Parang kulay ng dagat.
"Hey Kath, okay lang. Wag mo ng pagalitan yung bata."
"Hayyyy...ang galing mong magpalaki ng bata Marcus. Kaya gustong gusto sumasama sayo ni Gab kasi na-spoiled mo." Napayuko si Gab sa sinabi ni Kath. Hindi ito napansin ng mama niya pero parang nasaktan ang bata.
"Hindi spoiled ang anak mo. Gusto lang namin maglaro, yun lang." I replied to her at nginuso ko ang nakayukong si Gab. Nakuha agad ni Kath ang ibig kong sabihin...
"Sorry. Hindi nga spoiled si Gab. He is a good boy, right baby?" Kath asked her son. Biglang nagliwanag ulit ang mata ng bata at yumakap sa ina.
"See you around Gab. And remember..."
"Always brush my teeth, I know Uncle Marcus."


Tinanaw ko si Kath at Gab habang palayo sa kinakatayuan ko. Nakangiti at tumatango si Kath sa kung anong kinukwento ni Gab.


"Ano ang ngini-ngiti mo diyan?" Biglang nagsalita si Kyle sa likuran ko. Kyle has the ability to walk like a shadow. Bigla na lang sumusulpot ang gago.
"Kung meron lang akong baril, napatay na kita." I told him.
"Hindi din. Mabagl ka eh. Tingnan mo pinakawalan mo na naman."
"Shut up," I told him that makes him chuckle.
"Hinahanap ka ni Ace. Kailangan daw ng yayo ni Jack." Natatawa ito na umiiling.

"Sa tingin mo papasok sa ARMY si Jack?" Kyleasked habang papunta kami sa reception area.
"Kung mangyayari yun, baka makita na nating umiyak si Ace." I joked at Kyle.

Hindi ako makapaghintay na makitang lumaki ang mga batang ito. For suremalaking gulo dala ng mga ito. Maraming papaiyaking babae ang mga batanglalaki... at ngayon pa lang hanga na ako sa may maglalakas manligaw sa mgaprinsesa ng Country Club.

Bluish HeartWhere stories live. Discover now