Chapter 3- Buddy

7.4K 237 10
                                    


Kath's POV

"Kian, we already talked about this right?" nagtatalo na naman kaming magkapatid tungkol sa sitwasyon ko. Alam kong nagmamagandang loob si Kian, pero may sarili na din siyang pamilya. Buntis pa si Trisha.
"I have more money that I need. Let me help you." He insisted.
"You already helped me by giving me this flat. I can do this Kian."

Para makatipid ako sa gastusin, hindi na ako kumuha ng yaya after magtanan ng yaya ni Gab nitong huli. Nakaduty ako minsan sa clinic dito sa Club o kaya sa Hospital ng Tagytay.

"You are so impossible to talk with Kathleen. Gab is my nephew. I can help you to give him life..."
"A life I can't provide?" May halong sakit ang dating ng mgasalita ni Kian.
"It's not like that and you know it's not what I meant." He answered frustrated.
"Then stop rubbing into my face that I can't provide for my son. I am trying to be the best mother I can be. Please let me..."
Napatingin sa kisame si Kian at huminga ng malalim.
"Call me when you need me Kath." Iniwan ako ni Kian sa loob ng dati nyang flat na ngayon ay solo na namin ni Gab.

Nakatira sila sa Grace Hotel ni Trisha. Meron silang penthouse sa isa sa building ng hotel.

Napaupo ako sa sofa. Nasa harap ko na si Kian, nagbibigay ng tulong but this stupid pride didn't let me accept that help.

Kailangan kong ipakiusap na naman si Gab kung pwede muna kay Bella or kay Frank. Hindi ko siya pwedeng isama sa Hospital ng Tagaytay.

Bakit ang hirap kong kuhanin ang tulong ni Kian pero ang kapal ng mukha kong humingi ng tulong sa iba kong kaibigan? Iyon ang lagi naming pinag-aawayang magkapatid.

Bitbit ko si Gab palabas ng building papunta sa parking ng makita namin si Marcus sakay ng big bike nito.

"Uncle Marcus..." sigaw ni Gab dito. Kumaway pa ang anak ko kay Marcus. Kumaway naman ito at nag-iba ng daan para puntahan kami.
Napataas ang kilay nito ng makitang naka Scrubs ako.
"May pasok ka?" he asked.
"Oo eh. May emergency sa Tagaytay. Ipapakiusap ko sana kay Bella kung pwede doon ulit muna si Gab."
"Sakin na muna si Gab. Wala naman ako gagawin. Naka bakasyon ako."
"Yes... Mama, please. I'll be good." Nagpuppy eye pa ang anak ko. Gusto kong tumanggi pero nagring na naman ang phone ko.
"Hello... Yes, I'm on the way." I told the HR.

"Sige, eto ang bag niya. Nandiyan lahat pati yung milk nya, vitamins. Naligo naman na siya. Dadaanan ko siya sa quarters mo mamaya. Salamat Marcus ha..." Binigay ko ang bag ni Gab sa kanya. Parang alanganin ang Jansport na bag ni Gab sa suot nitong White na T-shirt, ripped jeans at boots.

"Bye baby. Be good okay?" I kissed gab on his cheeks.
"Bye mama, ingat po." Kumaway pa si Gab habang nagmamaneobra ako.
Tinanaw ko sila ni Marcus habang palayo ang kotse ko papuntang hospital.
Sinakay niya si Gab sa unahan, binigay ang helmet niya saka pinaandar ang bike. Nakita ko pang kumakawa ang anak ko sa palayo kong kotse.

Alam kong hindi papabayaan ni Marcus si Gab kaya nakapagtrabaho ako ng kampante.

Merong aksidente sa highway, isang bus ang nahulog sa bangin kaya madaming pasyenteng dinala sa hospital. Meron ilang patay ng dalin sa hospital, pero madami ang nakaligtas. Kailangan naming mag-extend na oras dahil akpaos kami sa staff. Halos tig- 5 pasyente kami kada isang nurse sa ER.

Punong puno na ng dugo ang scrub ko. Hindi ko namalayan ang oras. Halos 12 hours shifting ang nangyari. Sa kakamadali ko, naiwan ko pala ang bag ko sa bahay kaya wala akong pamalit na damit.

Mag-10 na ng gabi ng makarating ako sa quarters ni Marcus. Isang bungalow house ito na malapit sa park.

"Kath? Anong nangyari sayo?" tanong nito ng pagbuksan niya ako ng pintuan.
"Okay lang ako. Si Gab?" Pinapasok ako ni Marcus. Nadaan ako sa salamin ng bar sa bahay niya at saka ko lang nakita ang itsura ko. Maputla ako dahil hindi pa ako kumakain buhat ng umalis ako sa bahay. Magulo ang buhok ko. Puro dugo ang damit ko.
"Tulog na si Gab. Nasa kwarto ko. Gusto mo bang magpalit muna ng damit? Hindi naman sa pagiging maselan pero baka mahawa si Gab sa kung anong virus ang nasa damit mo."
"Wala akong dalang pamalit. Usually naliligo ako sa hospital bago umiwi." I replied to him.
"Pahiramin kita ng damit. Meron naman siguro akong maliit na damit na kakasya sayo. You can use the other room." Hindi ako hinintay sumagot ni Marcus. Pumunta ito sa kwarto niya at naghanap ng damit.

He has a point. Baka makakuha ng virus si Gab kung hidni ako maglilinis. Hinalungkat ko ang bag kong dala. Lagi akong may dalang disposable panty sa bag. Hindi ko alam bakit nakagawian ko na yun.

Binigay ni Marcus ang nakuha nitong mga damit. Isang jogging pants, isang T-shirt na mukhang maliit sa kanya pero malaki pa rin sa akin, towel, shampoo saka sabon na anti bacterial, saka shawl na checkered.

"Para saan ang shawl?" I asked him.
"Lagay naman isuot mo pa yung bra mo ulit. Pagpalabal mo para hindi ka mailang. Malalaki ang sweater ko, baka madapa ka kapag sinuot mo." Sagot nito. May point siya.

Tinuro ni Marcus ang guest room at doon ako naligo sa toilet nito. Walang ayos ang kwarto. Halatang walang gumagamit. Dali dali akong naligo. Hindi na ako nahiya. Ang inaalala ko ay si gab. Baka mahawa ng sakit. Tatlong beses akong nagshampoo at nagsabon ng katawan. Nagtoothbrush na din ako gamit ang travel toothbrush ko sa bag.

Mukha akong clown sa laki ng jogging pants ni Marcus. Sinuot ko ang t-shirt saka nilagay ang shawl para hindi bumakat ang nipple ko na mukha ng pebble sa ginaw ng hangin after kong magshower.

Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko ang pagkain na nakahain sa mesa. Kumulo ang sikmura ko. Sa sobrang lakas nadinig ni Marcus.
"Sabi na hindi ka pa kumakain. Umupo ka na Kath. Mukha ka ng hihimatayin." Utos nito. Wala na akong lakas para tumanggi.

Meron itlog, pandesal, saka hot tea. Umupo ako sa isang bangko saka kumain.

"Kailan ka huling kumain?" Marcus asked ng naka 5 na akong pandesal.
"Kaninang umaga bago mo kami makita ni Gab." Nakunot ang noo nito. "Kulang sa staff. May aksidente kanina. Isang bus ang nahulog sa bangin."
Tumango ito.
"Kamusta maghapon ninyo ni Gab?" Ngumiti si Marcus at nagsimulang magkwento. Kinuwento niya kung gaano kadaming cupcakes ang kinain ni Gab sa Sweet Bells. Pinagsabihan pa ako nito na masama ang masyadong madamings weet sa katawan. Marunong na daw sumakay sa pony mag-isa si Gab. Tinuruan nya daw kanina kasama si Cailee. Pinakita pa nito ang binili nyang laruang pana. Binili nya daw si Cailee, Jack at Gab. Sinama nya daw lahat ng bata kanina sa Toy Store sa Grace Hotel.
Si Carlos, King at ang anak ni Renz na lalaki na si Jon naman bola daw ng football ang kinuha. Natawa ako ng ikwento niya kung gaano kagulo ang Toy Store pag-alis nila. Nahiya daw siya sa mga staff kaya nireport niya sa mga nanay kung gaano kagulo ang mga anak nila para bigyan daw ng incentives ang nagligpit ng kalat kanina.

Hindi ko namalayan ang oras. Inabot ako ng 12 am sa quarters ni Marcus. Binuhat ni Marcus si Gab saka binaba sa passenger seat na binaba nito. Tulog na tulog ang anak ko na anksuot ng panjama na binili din daw nila kanina.

Parang merong bumara sa lalamunan ko ng makita kong hinalikan ni Marcus sa noo si Gab.

"See you tomorrow buddy." Bulong nito kay Gab.

Bluish HeartWhere stories live. Discover now