Ikatlong Palapag

93 33 129
                                    

Paalala: Isa lamang itong kathang-isip ng malikot kong imahinasyon.

•••


Kinatatakutan na ang ikalabing tatlong palapag ( 13th floor ) sa isang gusali. Pero hindi ko alam na may mas nakakatakot pa pala sa palapag na 'yon. Ito ang palapag na hindi mo gugustuhing tunguhin pa.

Palapag na hindi mo alam na may nakaamba palang panganib.

Palapag na sa likod ng nakakabingi nitong katahimikan ay siya ring ikinadelikado nito.

Alam niyo ba kung bakit? Kasi sa likod ng kadiliman nito ay may nagtatagong misteryo.

At isa ako sa nakaranas ng pinakanakakatakot na experience sa floor na ito, ang ikatlong palapag.

Mag-isa akong umakyat sa third floor para mag-cr. Dahil sa marami ang gumagamit sa ibang cr sa bawat pasilyo kaya naisipan kong doon na lamang umihi.

Bali-balita na nakakatakot raw ang third floor ng IT Building namin pero hindi ako naniniwala sa sabi-sabi.

Nadatnan ko ang madilim na third floor kasabay ng nakakabingi nitong katahimikan. Dagdagan mo pa 'yong pakiramdam na parang hindi ako nag-iisa roon. Parang may mga matang nagmamasid sa bawat galaw ko.

Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin ang mga nakakatakot kong iniisip.

Pumasok ako sa cr ng pambabae. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa may ilaw dito. Hindi pa naman ako sanay sa madilim.

Nang ibaba ko ang aking gamit sa gilid ng lababo, bigla na lang namatay ang ilaw. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. At hindi ko ring maiwasang kabahan lalo na ang manlamig.

Pa-paano kung totoo ang tsismis?

Nang bumalik ang ilaw, napatili ako nang makita ang isang babaeng nakaputi at duguan na diretsong nakatingin ng masama sa akin sa may salamin.

Mahaba ang gulo-gulo niyang buhok at gula-gulanit ang puti niyang bestida. Marami rin siyang sugat sa iba't-ibang parte ng katawan.

Namamawis ako ng malapot, halos hindi ako makahinga nang akmang aabutin niya ang balikat ko.

Napapikit ako ng mariini saka nagdasal ng taimtim. Nang magmulat ako ng mata ay normal na ang lahat. Hindi na kumukurap-kurap ang ilaw at wala na ang babaeng nasa likuran ko kanina.

Nagtatayuan ang balahibo ko may leeg at braso sa t'wing maaalala ang kaniyang hitsura.

Dali-dali akong umihi saka nilisan ang lugar na iyon nang walang lingon-lingon.

Ngunit, kahit na anong gawin kong paghahanap sa labasan ay hindi ako makalabas. Hindi ko mahanap ang daang patungong hagdan para makababa na.

Bigla akong nanginig sa takot nang may tumapik sa'king balikat. Nilingon ko siya at gano'n na lang ang panlalaki ng aking mata sa nasaksihan.

Ang humawak sa balikat ko ay taong wala ng ulo. May dugo ang kaniyang suot na damit na parang sinauna.

Sumigaw ako sa gulat at nagtatatakbo paalis sa pwesto ng lalaking walang ulo.

Hindi ko na alam ang tinatahak kong daan basta ang nasa isip ko lang ay makaalis na sa floor na 'to.

Mabilis pa sa alas kwatrong nagtago ako sa isang room doon nang matyempuhan ko ito. Tahimik. Nabibingi ako sa katahimikan, tanging malakas na tibok ng aking puso ang nadidinig ko na siyang umaabot sa aking tainga. Ito 'yong tipo na lalabas sa'king dibdib.

"Hi! Bakit ka nagtatago d'yan sa ilalim ng mesa? May tinataguan ka rin ba?"

Nanlamig ako sa nagsalita sa 'king gilid. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Isa siyang bata na may hawak na teddy bear na wala naman ang isang mata. Nakakatakot ang hawak niya dahil nababalutan ito ng dugo. Pero ang pinagtataka ko ay wala namang bahid ng dugo ang katawan niya. Ta-tao rin ba siya tulad ko?

Ikatlong Palapag✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon