Chapter 3

19 0 0
                                    

Sa wakas nakauwi na rin siya. Para kasing sasabog na ang puso niya sa sobrang sama ng loob at inggit. Agad siyang nagbihis at humiga na sa kama. Lutang ang diwa niya. Tumayo siya ulit para kunin ang cellphone sa bag. Kaylangan niyang makausap si Jay. Kaylangan nitong siguradohin sa kanya na magkikita sila kinabukasan.

Naupo siya sa kama at nag.dial. Nakaka-tatlong dials na siya pero panay ring lang ang naririnig niya. Hindi nito sinasagot ang tawag niya. Nasaan kaya siya ngayon?

Maraming beses pa siyang nag.dial ulit hanggang sa hindi na nagri-ring sa kabilang line. Na-lowbat na siguro sa kaka-dial niya. Itinapon niya ang cp sa kama at muling tumayo. Kinuha niya ang laptop at inopen ang kinahihiligang online game.

Ayun! Online ang magaling niyang boyfriend. Napahikbi siya sabay tipa sa keyboard.

...kanina pa ko tumatawag ah.

...sorry princess naiwan ko kasi sa kwarto ang cp ko.

...akala ko ba birthday ng pamangkin mo.

...oo, nag.iinuman nga kami ngayon eh.

...bakit online ka?

...sumasaglit lang ako sa game, balik na rin ako dun sa labas ngayon. tinatawag nako ng papa ko.

...chat muna tayo.

...hindi pwede, nag.iinuman nga kami. magkikita naman tayo bukas eh.

Nalungkot siya. Bakit parang hindi naman yata siya namimiss nito? Two months na silang hindi nagkikita at talagang miss na miss na niya ito. Hindi niya namalayang napaluha nalang siya.

...cge na lalabas na ako ha, see u tomorrow.

...i love you my prince.

Hindi na ito nagreply at nakita niya ang character nito na nakatayo lang sa gilid. Tuloy tuloy ng tumulo ang kanyang mga luha.

Nang mahimasmasan ay nag-concentrate na siya sa paglalaro. Kahit papano nakatulong naman ito para maibsan ang sakit sa puso niya.

Busy siya sa paglalaro ng mag-pop up sa screen niya ang trade window. Saka lang niya namalayan na may kasama na pala siya sa area na yon. Siya na naman.

Tulad nung una, nag.trade na naman ang estrangherong player na iyon ng mga items sa kanya. At tulad ng dati, tinanggap din niya ang mga ito at nagpasalamat.

...bakit lage mo akong binibigyan ng items?...tanong niya dito.

...hindi ko naman kasi kailangan ang mga yan... maikling sagot naman nito

...kahit na. ang bait mo naman.

...pag tulog?

Napangiti siya. Okay din to ah. At least may makakausap na siya pag-busy si Jay sa paglalaro at hindi siya pinapansin sa game.

...hindi. Mabait ka talaga. Namimigay ka ng gift sa mga di mo kakilala eh.

...kilala naman kita eh.

...ha? Pano?

...girlfriend ka ni Jay.

...kilala mo siya?

...hindi. sa game lang.

Nakahinga siyang maluwag. Kinabahan kasi siya ng inakala niyang kakilala ito ni Jay. Ano nalang ang sasabihin ng boyfriend niya kapag nalaman nitong nakikipag-usap siya ibang lalake.

Kahit na nga ba sabihin ng iba na malaki ang pagkukulang nito sa kanya bilang boyfriend niya, nirerespeto niya ang relasyon nila. Ayaw niyang may masabi itong hindi maganda tungkol sa kanya. Ganun niya ito kamahal.

Love at first...Online GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon