Chapter 4

10 0 2
                                    

Pagkatapos ng last subject niya ng araw na yon ay dali-dali na siyang umuwi. Hindi pa nag-text si Jay pero umaasa talaga siyang sisiputin siya nito.

"Aba, nagmamadaling umuwi ah" tukso sa kanya ni Paul.

"Magkikita kami ngayon ni Jay." maikling sagot niya.

"Sure na ba yan? Baka mamaya mag-text na naman yon na bukas nalang ulit, tsk." may pagka-disgustong sabi naman ni Lucille.

"Nandito na ba siya sa City?" tanong naman ni Mariel.

"Wala pa. Pero on the way na daw siya." pagsisinungaling niya. Kung hindi man sumipot siJay mamaya, hindi-hindi niya sasabihin sa mga kaibigan ang totoo. Nahihiya na siya sa mga ito. Sobrang loser na kasi ng lovelife niya habang ang mga ito ay masaya sa mga partners nila maliban kay Mariel na NBSB.

"Mabuti naman kung ganun. Enjoy your night. Ang tagal mong hinintay yan." nakangiti ng sabi ni Paul sabay tapik sa braso niya.

"Sige mauna na ako sa inyo ha."

Dali-dali na siyang lumabas ng campus at sumakay ng jeep pauwi. Habang nasa jeep, kinuha niya ang cp niya at nagtext kay Jay.

...san ka na? tuloy ka ba ngayon?

Ngunit nakarating nalang siya sa boarding house niya na walang na-recieve na reply. Kinabahan na siya. Pagka-pasok sa kwarto ay dali-dali na siyang nagbihis at nag-on ng laptop.

Bakit online pa siya?

...nasa city ka na?

...princess sorry, nasa amin pa rin ako. hinihintay ko sila mama

...akala ko ba magkikita tayo ngayon?

...oo magkikita talaga tayo pero baka medyo late na, ok lang ba?

Napahikbi siya. Bakit ganun? Ang daya-daya naman niya. Buong araw siyang excited sa pagkikita nila tapos ganito lang.

...princess, galit ka?

...hindi.

...sorry talaga. promise pagkarating nila, aalis agad ako.

...ok

Sobrang nalungkot siya. Pero tinatagan nalang niya ang loob niya. Basta ang importante ngayon, magkikita sila. Ok lang kahit late na ito dumating basta dumating lang ito.

Ngunit 7:30pm na wala pa rin ito. Kanina pa ito nag-offline. Kanina pa din siya text ng text pero hindi ito nagrereply. Naalala niyang sinabi pala nitong wala itong load. Pero bakit hindi man lang siya bumili ng load? Or nakihiram ng cp sa sister niya?

Umiiyak na siya ng pumasok ang roommate niyang si Jeya.

"Anong nangyayari sayo Abby? Bakit ka umiiyak?"

Patuloy lang siya sa paghikbi. Sobrang sama na ng loob niya. Lage nalqng ganito. Lage nalang siyang umaasa sa wala. Ang tagal na niyang nasasaktan sa relasyon nila pero di niya magawang bumitaw.

"Abby, may bisita ka sa baba." tawag sa kanya mula sa baba.

"Asus kaya pala nagda-drama. Akala mo i-indianin ka ng date mo nuh?" nanunuksong sabi ni Jeya.

Di na niya pinansin ito saka dali-dali ng bumaba. Napangiti siya ng makita ang kinasasabikang boyfriend. Yumakap siya agad dito sa sobrang pagka-miss.

"Bakit ang tagal mo?" Napahikbing tanong niya dito.

"Sorry princess, ang tagal kasing dumating nila mama tapos timing nakaalis na ang bus paglabas ko ng bahay kaya ang tagal kong naghintay." Hinaplos nito ang mukha niya sabay halik sa kanyang noo.

"San tayo pupunta ngayon?" tanong niya dito.

"Dinner nalang tayo." Hinawakan nito ang kamay niya. "Tara."

Gaya ng dati nandun na naman sila sa restaurant kung saan sila madalas kumain. Gusto sana niyang maiba naman pero hindi nalang siya umimik. Ang mahalaga sa ngayon magkasama sila.

"O bat di ka kumakain?" Tanong ni Jay ng mapuna nitong nakatitig lang siya dito.

"Wala. Na-miss kasi kita ng sobra."

"I missed you too princess. " Nanguting sabi nito sabay pisil sa pisngi niya. "Kumain ka na bak lumamig ang pagkain."

Habang kumakain ay panay ang kwento nito. Kung ano-ano na ang pinag-usapan. Ganito ito palagi kapag magkasama sila, napaka-makwento. Ito ang isang bagay na nagustuhan niya dito. No dull moments, ika nga. Panay tawa lang siya sa mga kwelang kwento nito. Sobrang na-miss niya ang ganitong mga pagkakataon.

Matapos kumain ay tumambay muna sila sandali doon. Maganda kasi ang kinakanta ng tumutogtog na banda. Love songs. Ang sarap sa pakiramdam pakinggan ng mga kantang iyon habang kasama mo ang iyong minamahal.

"Kelan tayo ulit magkikita?" Maya-maya'y tanong niya dito.

"Next week."

"Sure yan? Baka pagdating ng next week may dahilan ka na naman." Nakasimangot na tanong niya dito.

"Promise next week talaga. Hindi ako uuwi sa Saturday may aasikasuhin kasi ako sa school."

"Promise yan ah." Paninigurado niya dito.

"Promise nga." Nakatawang sagot naman nito.

Matapos tumugtog ng banda ay naglakadlakad muna sila ng magkahawak kamay.

"Kumusta yong birthday ng pamangkin mo?" tanong niya dito.

"Ok lang naman. Masaya syempre."

"Mabuti ka pa, masaya nung araw na yon. " Malungkot na sabi niya dito.

Huminto ito sa paglalakad at humarap sa kanya. Hinawakan nito ang dalawang pisngi niya at tumitig sa kanya. Napayuko siya dahil may namumuong luha na naman sa mga mata niya.

"Princess, sorry na. Wag ka na magtampo. Andito na naman ako ngayon eh." Seryosong sabi nito.

Tahimik lang siya. Niyakap siya nito ng di siya sumagot.

"Hatid na kita, gabi na eh may pasok pa tayo bukas." Sabi nito.

Napasimangot siya. Ganun lang yon? Pero hindi nalang siya nagsalita. Sumunod nalang siya dito ng hinila na siya pauwi.

"Goodnight princess."

"Goodnight."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at first...Online GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon