+ got to believe in magic

104 5 4
                                    


- jihoon doesn't believe in magic, but he did because seungcheol made him

072817

///♡


"Hyung! Sige na! Manonood lang naman tayo eh!"

Jihoon rolled his eyes at patuloy na naglakad ng hindi pinapansin ang nakababata na sinusundan at inaaya siya ngayon.

"Jihoon hyung! Sige naaa! Gusto ko talagang manood!" Patuloy na pagaya sa kanya ni Seokmin na parang bata. Tumigil naman si Jihoon sa paglalakad at hinarap siya.


"God Seokmin! Pwede ka namang pumunta nalang dun eh! Ba't kailangan pa akong kasama?" Reklamo niya at mas lalong nainis nang makita pa ang ibang kaibigan na kararating lang.

"Pasensya na late kami." Paghingi ng tawad ni Minghao kasama sila Seungkwan, Wonwoo, Jisoo at Chan.

"Ano ng nangyari?"


Ngumuso naman si Seokmin na parang batang nagtatampo at nagsusumbong kay Wonwoo, "Si hyung ayaw akong samahan sa magic show!" Iniwas naman ni Jihoon ang tingin niya mula sa mga kaibigan.

"Jihoon." Tawag ni Wonwoo, na ikina-buntong hininga ng nakababata. Eto na naman. "Diba mahilig ka sa mga magic shows dati?" Tanong sa kanya ng nakatatanda.

"Dati yun." Tanging sagot niya, "Iba na ngayon Woo."


"Dahil na naman sa kanya?" Nagiba na naman ang atmospera. Balik na naman ang magkakaibigan sa ganitong senaryo, kung saan si Wonwoo lang ang nakakapagtahimik at nagsesermon kay Jihoon.

"Jihoon naman. Kaya nga tayo nandito diba? Para makalimutan mo na 'yang lalaking 'yan! Para naman mabawasan 'yang sakit na nararamdaman mo! Kaya ka nga namin tinutulungan diba? Kaya kalimutan mo na rin lahat ng mga pangyayari sa buhay mo na kasama siya! At ibalik mo yung dating ikaw." Mahabang saway ni Wonwoo, "Naiintindihan mo ba ako?"

He slowly nodded. Napangiti naman ang mga kaibigan niya at sabay-sabay silang pumunta sa magic show.

~

"Hintayin niyo nalang ako, guys! May dadaanan lang ako." Pagpapaalam ni Jihoon na tinanguan lang ng mga kaibigan. Katatapos lang nila sa magic show at ngayon ay nagmamadali siyang pumunta sa magic fountain na nakita niya kanina.

All your wishes will be granted here by magic.

Jihoon always believed in magic. Pero simula nang naghiwalay sila ni Soonyoung ay parang ayaw na niyang maniwala. Until now, actually. He's just hoping na baka...baka sakaling maniwala ulit siya sa hiwaga at majika.

"Ohgod." Jihoon sighed as he sat beside the fountain. Wala na masyadong tao. Medyo madilim na din dahil gabi na.

"Do you believe in magic?" Jihoon stopped and looked at the person behind him. Isang lalaki na bigla nalang siyang kinausap.

"Excuse me?" He asked, making sure, "Ako ba ang kinakausap mo?"

"Do you believe in magic?" Pag-ulit ng lalaking nasa harap niya. He is tall, fucking handsome with that red hair and ear peircings and his eyes concentrated at the fountain infront him.

Binalik ni Jihoon ang tingin sa fountain bago sumagot, "No?"

"You should." The guy paused, "Because magic is real. 'Yung tipong bigla mo nalang mapapatunayan sa sarili mo na may hiwaga pala. 'Yung magic na mararamdaman mo sa iisang tao lang. That is the magic of love. Kaya maniwala ka, totoong may magic. At alam kong mahahanap mo rin yung taong magpapatunay sayo nun. Please don't stop hoping until that happened. I'm wishing the best for you." Ang sabi niya bago ihagis ang papel na may laman ng kahilingan niya sa fountain.

Jihoon looked at him. He extended his arm na para bang gustong makipagkamay sa'yo. Hindi niya alam kung bakit pero tinanggap niya iyon.

And at that moment. At that second. Jihoon proved to himself that magic is real.

"Bakit ang bilis naman atang dumating nung tao na iyon?" He said.

"Cheollie! Tara na!" They were interrupted by a voice. A sweet voice na agad ay pinuntahan ng lalaki at nginitian.

Wow.

Jihoon always liked that guy. Ever since university days. Bago niya pa makilala si Soonyoung. And that guy always loved Yoon Jeonghan. Kaya alam niyang wala na siyang pag-asa. What Jihoon didn't know is, hanggang ngayon pala.

Choi Seungcheol.

Once again, Jihoon believed in magic. Once again, he fell inlove.

And once again, he is broken.

"What the fuck is magic?"

///♡️

Eyy. Another update 'cuz my mind is working best right now XD

I made new covers— pero di ko alam kung gagamitin ko ba. Baka kasi pangit na naman ih. What do you think?

I will be accepting song request guys. Just comment it here ⇨

- ʟᴇᴇᴡᴏᴏᴢɪᴇᴅ

Listen ► jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon