Ako'y Babalik

353 10 1
                                    

--

♬ Pasensya ka na, kung ako ay nawawalan ng gana. Hindi ko, hindi ko sinasadya. Patawad, sana'y naiintindihan...

"Oy Opstal, ano? Nagriritual ka nanaman?" Seryosong tanong sa akin ni Ara, kasi naman sabi nila palagi na lang daw akong naka-higa dito sa kama ko tapos may nakasalpak na earpods sa tenga ko.

"Ara naman eh. Wala na kami ni Arnold." Pagrereklamo ko habang tinatanggal yung earpods ko. Alam naman nila na tuwing gan'to lang ako nakakapag-labas ng sama ng loob. 

"Isang beses ko pang makitang pinapatugtog mo yang 'Ako'y babalik na yan, susugurin ko na ang Callalily at idedelete ko yan sa phone mo." Pagbabanta niya sa akin. "Isang taon nang paulit-ulit yan Cienne, isang taon ka na ring nagmumukmok. Tigil na please?" Kung ganon lang kadali Ara, edi sana dati ko pa ginawa diba? Pero ang hirap eh. Mahirap lalo na't nangako siya sa akin.

"Madali namang mag-download." Bulong ko sa aking sarili.

"Cienne Mary Arielle, narinig ko yun. Baka gusto mong martilyuhin ko yang phone mo." Pagbabanta niya habang binubuksan ang pintuan ng kwarto.

"Panira. Layas!" Sabi ko sabay bato ng throwpillow sa kanya.

"Bigla naman siyang napasinghap, "Hay Cienne Mary Arielle ang dami mong alam na kaartehan! Mygosh, Camille yung kambal mo!"

"Hoy anong meron?" Tanong ko sa kanya habang bumabangon ako.

"Ahh..wala. Harhar." Sabi na Ara sabay balibag ng pinto.

"Pucha naman Victonara!" Sigaw ko. Walanghiya. Binalik ko nalang yung earpods ko sa tenga ko at muling humiga.

♬ Ako'y babalik, aking mahal. Sana'y di mainip. Ako'y babalik, aking mahal. Sana'y di mainip...

Hay nako Van Opstal, ano bang ginagawa mo sakin? Bakit ka pa kasi nangako? Umaasa tuloy ako.

♬ Matagal din tayong nagsama, nakilala na kita. Hindi ko inakala na magsasawa...wala na ang hiwaga.

At dahil sa line na yan, naalala ko nanaman. I remembered the worst day of my life.

Flashback...

"Cienne what's the problem?  Sabi ni Camille di ka daw kumakain, ilang araw mo na rin akong hindi pinapansin. Tapos yang mata mo, kasing laki na ng maleta yang nasa ilalim oh." Pagbungad niya sa akin.

"Nagda-diet lang ako." Sabi ko sa higanteng 'to.

"So nakakabusog na rin pala ang pag-pansin sa boyfriend at pagtulog ha?" Sarcastic na sabi niya sakin.

"Avo..." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

"No Cienne, what is it this time? Ano nanamang mali ang nagawa ko?" Tanong niya habang naka-back hug siya sa akin at pinatong niya ang baba niya sa ulo ko. Don't make it this hard for me, AVO. Please..

"Let's end this AVO." Mariin kong sabi sa kanya habang tinatanggal ko ang mga brasong nakakapit sa bewang ko. Nararamdaman ko na rin na malapit nang bumagsak ang mga luha ko..

"What? Cienne, you've got to be kidding me. This is not a funny joke ha. Stop." Sabi niya sabay fake laugh.

"Arnold.."  Kaunting kaunti na lang mag-be-breakdown na ako.

May tumulong luha sa mga mata niya. "Di mo na ba ako mahal?" Seryosong tanong niya sakin. Humarap na ako sa kanya.

"What a stupid question, Opstal." Sabi ko sa kanya.

"What? Answer me." Hindi na ako nagsalita..AVO, Mahal kita. Mahal na mahal.

"CIENNE. ANSWER ME." Sabi niya. Galit na siya.

"Mahal na mahal kita, AVO." Sabi ko sabay tulo ng luha ko.

"Then why are you doing this? Why are you breaking up with me?" Sabi niya..umiiyak na talaga siya. 

"I have priorities AVO, naapektuhan narin ng relasyong ito ang performance ko sa training and studies ko sa tuwing nag-aaway tayo. Tututok muna ako sa pagiging Lady Spiker ko, at ikaw naman sa pagiging Archer mo. I need a break from all the stress caused by this relationship." Sabi ko sabay tuloy tuloy ang daloy ng mga luha ko.

"Wala na bang ibang paraan? Di ba pwedeng di na tayo maghiwalay? Cienne please?" Nanahimik na lang ako, ilang araw ko na ring pinag-iisipan to, and my decision is final. Priorities first.

Umiling na lang ako.

"Cienne naman, sabi mo mahal mo ako and mahal na mahal kita. Sobra." Sabi niya sabay halik sa buhok ko.

"I need this AVO." Sabi ko sa kanya.

"I understand. If that's your decision then I'll respect it..." Bigla naman akong nagulat sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako...medyo matagal rin yun. At nung humiwalay na siya pinagdikit niya ang mga noo namin. "Cienne, I love you. I'll be back..I'll get you back." At saka naman siya umalis

Habang ako? Eto umiiyak at bumulong sa sarili.."Hihintayin kita."

End of Flashback

♬ Sana sa aking pagdating, yakapin mo ako ng mahigpit..

Isang taon na rin ang nakalipas mula nung araw na yun. Ito namang si AVO..ang tagal bumalik. Hay naiyak nanaman pala ako, pinunasan ko muna ang mga luha ko. Kaso biglang bumigat yung waist ko. Para bang may yumakap sa likod ko..

"Oy Cams, tigilan mo ako ha." Saway ko sa kambal ko. Then I heard a chuckle..teka bakit parang boses lalaki? Wait, yung amo niya. Bigla naman akong napaikot.

"Hi Cienne, I'm back." Sabi niya sabay halik sa noo ko. 

Di ko na pinatagal pa, hinalikan ko na siya sa labi.

"I love you, Cienne." Sabi niya pagka-hiwalay namin.

"I love you so much AVO, sa susunod wala nang babalik 'cause this time..I'll never let you go again. Never."

♬ ng mahigpit..ng mahigpit...

-

Ako'y BabalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon