Prologue
Ander Ako Sa kanya
Prologue
Sa buong buhay ko, isa lang ang pinangarap ko at yun ay ang makatapos ng pag-aaral. Kaya sa bawat araw na lang na ginawa ng Diyos, wala akong ginawa kundi ang kumayod ng kumayod, para maabot ang nag-iisang pangarap ko.
Pitong araw sa isang lingo, tatlongpung araw sa isang buwan walang araw na di ko pinangarap na makaahon sa hirap na kinasasadlakan ko.
Minsan iniisip ko, Nakikita N’ya kaya ako. Sa dami ng tao sa mundo. Bakit ako pa? Bakit ako yung nagdurusa ng ganito?
Ano bang naging kasalanan ko? Masama ba ako sa past life ko para karmahin ako ng ganito?
Sabi nila manhid daw ako. Walang pakialam sa mundo. Walang pakialam sa nararamdaman ng tao sa paligid ko.
Tahimik, seryoso at higit sa lahat masungit, Anong magagawa ko? Eh, Ayoko ng sagabal sa buhay ko.
Kasama na ang sinasabi nilang pagmamahal.
Ano bang malay ko sa pagmamahal? Tsk.. Bata pa lang ako namatay na ang nanay ko.
Ang tatay ko? Hindi ko alam at wala akong pakialam.
Wala akong paki kung nasa’n man siyang lupalop ng mundo. Tang ina iispin ko pa ba siya. Ako ba inisip niya nang iwan niya kami na nanay ko? Sira ulo pala siya.
Miss pusong bato, kadalasan yan ang naririnig ko. Wala daw akong kakayahang magmamahal. At dahil don wala rin daw akong karapatang mahalin.
Sa kanila na yang sinasabi nilang pagmamahal. At bahala ako sa buhay ko.
Yan, yan ang pinaniniwalaan ko…
Hanggang sa…
Hanggang sa dumating siya.
Hanggang sa bulabugin niya ang tahimik kong mundo at sirain ang pader na iniharang ko dito.
Matatanggap niya ba ako?
Matatanggap niya ba ang lihim ko?
O gaya ng iba huhusgahan niya rin ako.