Chapter 1 *The Proposal*
"Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeew!"
What the? Nagising ako sa matinis na tili ni Sabrina, ang matalik kong kaibigan. Marahas niyang binuksan ang kurtinang tumatabing sa isang bahagi ng inuupahan naming bahay na nagsisilbing kwarto para sa aming dalawa.
"Ano bang problema mo?" di ko na naitago ang inis na nararamdaman ko, kararating ko pa lang galing sa trabaho, isang silbidora sa isang karenderya. Wala pa akong tulog at sumasakit na ang ulo ko.
"Relax lang, friend. Ewan ko lang kung magalit ka pa pag nakita mo kung anong hawak-hawak ko.
"Taena, ano ba yan?" natigilan ako nang iabot niya sakin ang tatlong puting sobre. Tiningnan ko ang bawat isa, St. Claire University, Shepherd's College at ang huli ay ang St. Christian Acatdemy.
Natigilan ako sa ginagawa kong pagbubukas ng sobre galing sa St. Claire. "Gusto mo ikaw na ang magbukas?" tanong ko kay Sab, subsob ns subsob kasi siya sa ginagawa ko.
"Alam mo friend, napakasungit mo," umupo siya ng ayos sa papag na kinauupuan ko.
Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa ng mahawakan ko na ang sulat. Eto na yon, ang resulta ng ilang gabing pagrereview ko. Napakaraming nakasulat, pero isang salita lang ang hinahanap ko passed o failed.
Napatingin ulit ako kay Sab ng muli siyang magtitili sa tabi ko. "Ano ba friend? pasado ka oh, tingnan mo."
Masaya naman ako na pumasa ako, pero alam ko at alam niya na isang school lang ang gusto kong pasukan. Ang SCA, ang St. Christian Academy. Binuksan ko ang sumunod na sobre galing sa Shepherd's College, pasado rin ako. So may dalawa akong pagpipilian kung di ako makakapasa sa SCA.
"Ano k aba friend? Kung kinakabahan ka, ako na ang magbubukas," hinaklit ni Sab ang huling sobre na kanina ko pa pala tinititigan.
Muli kong inagaw ang sobre sa kanya, "bakit? Ikaw ba ang nag-exam ha!" binuksan ko na ang sobre, at tulad kanina nauna ulit mag-react si Sab.
"Friend, pasado ka, pasado ka friend!"
"Oo nakikita ko, di ako bulag."
"Eh bakit malungkot ka, di ba friend yan ang pangarap mong school?" ang makilit na tanong ni Sab na kakamot-kamot pa sa ulo.
"Oo nga, kaya lang, kulang pa yung pera ko."
"Akala ko ba, kukuha ka ng scholarship exam, kayang kaya mo yon."
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi, "hindi ako nakakuha, hindi daw kasama sa priority scholar ang tulad ko na apat na taon na mula ng makatapos ng high school."
"Magkano ba kailanga mo? Baka makatulong ako."
Nagulat ako sa tanong ni Sab, matagal ko na ring kaibigan si Sab, high school pa lamang ako ay kaibigan ko na siya at batid ko ring hirap na hirap si Sab na pag-aralin ang apat niyang kapatid na umaasa sa kanya. "Sab, may mga kapatid kang nag-aaral sa probinsya niyo, alam kong nasa kolehiyo na yung sumunod sa'yo."
"Malay mo naman, friend, makatulong ako."
"Sab alam mo naming hindi birong halaga ang kailangan ko para makapasok sa SCA. Iwan mo na lang muna ako, malay mo makaisip ako ng solusyon."
"Sige, friend, diyan ka na muna."
Malungkot na umalis si Sab, kahit di ko ipinakikita na, masaya ako na willing siyang tulungan ako. Pero hindi biro ang halagang kailangan ko, isang daang libo para sa darating na semestere, kulang na kulang ang naipon ko sa loob ng apat na taon.