After 2 days, gumaling din ako kaagad. Salamat kay Sab na nag-alaga sakin, hindi niya ako pinabayaan. Mabuti na lang at pinayagan siyang umuwi ng maaga mula sa trabaho niya para asikasuhin din ako.
“Manong, bayad po naming,” iniabot niya ang bayad kay Manong taxi driver. “Halika na, Flaire,” Bumaba kami ng taxi at hinila niya ako papunta sa isang club. Wait, CLUB?!
“Club! Sab, bakit dinala mo ako sa isang club? Akala ko ba, escort girl ang inaalok mo sa’kin? Bakit sa club?” bulyaw ko sa kanya.
Lumingon siya sakin at nagsimula na lang siyang humagalpak ng tawa. Problema nito? Siya yata ang may saltik sa’min eh.
“Problema mo?” tanong ko.
Umiling siya habang tumatawa bago niya ako sinagot, “Escort girl nga ang inaalok ko sayo.”
“Eh, bakit dinala mo ako sa isang club?”
“Ooh. Girl, relax ka lang d’yan, huwag kang ma-high blood. Yang puso mo,” biro niya sakin habang tumatawa.
“Eh bakit ba kasi nasa isang club tayo? Ipapasok mo ba akong pokpok? Tsaka 20 minutes pala ang layo nitong pinuntahan natin, akala ko ba malapit lang?” nakakainis naman itong si Sab.
“Flaire, pwede bang relax ka na muna dyan, okay? Hindi tayo pumuta rito para ipasok kang bayarang babae, nandito tayo dahil nasa loob ngayon ng club na yan ang boss ko, na siyang may-ari mismo ng club na ‘to. Kaya halika na,” magrereklamo pa sana ako kaso bago pa mangyari ‘yun, hinatak n’ya na ako papasok sa loob.
Huminto kami sa tapat ng pintuan dahil sa may mga bouncers na pumigil sa amin. Tinanong nila ang I.D namin at ibinigay naman ni Sab yung sa kanya. Tinanong din nila yung akin pero sinabi ni Sab na ire-recruit niya daw ako kaya pinapasok din naman kami.
Pagpasok namin, ang ingay-ingay tsaka ang dilim-dilim, iilang mga bagay lang ang nakikita ko dahil sa dim lights lang ang gamit. Halo-halo rin ang amoy sa paligid, may nakikita rin akong mga taong nagsasayawan, umiinom, o mga naghahalikan sa isang banda or worse, higit pa doon.
“Flaire, halika. Dito tayo.” At hinila na naman ako ni Sab sa kawalan.
Nakipagsiksikan kami sa mga taong nagsasayawan sa dance floor para lang makaraan. Kailangan daw naming pumunta sa kabila. May ibang mga lalaki pa na humarang sa amin at inayang makipag-sayaw sa kanila o kaya nama’y inalok kami ng maiinom, subalit, tinanggihan naman ni Sab lahat. Meron ding mga taong bumati sa amin, lalong-lalo na sa kaibigan ko dahil mga katrabaho niya ang bumabati sa kanya.
“Excuse me. Excuse me,” tulak pa din ni Sab sa mga taong nagsasayaw.
“Hey, ano ba?” reklamo sa amin ng isang babae, “Bakit ka ba nanunulak? Ha!”
“Well, dear, kaya nga sinabi kong ‘excuse me, di ba? Kaya, excuse me,” magpapatuloy na sana ulit kami sa paglalakad pero ayaw ng babae.
Sa halip, itinulak niya si Sab pabalik sa kinatatayuan niya kanina, “we’re not finish yet!”
Napataas ang mga kilay ko sa inasta niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
The girl has a shoulder-level brown hair, brown eyes, a straight nose, big lips and a round face. She also has an average height, curvy body and she’s now wearing a really slutty dress. I bet she’s a slut by the way she looks. Kating-kati sa lalaki.
“At ano naman ang dapat nating pag-usapan? Aber!” hamon ni Sab na siyang nagpainit yata sa ulo ng babae.
“You! About you, you bitch!”
“Oh, about me?” sarkastikong turo ni Sab sa sarili.
“Oo! Hindi ba, ikaw si Savannah? Oh wait, I’m sorry. I mean, Sabrina Torres?”