Chapter 3- New Life Will Start Today

37 2 0
                                    

"Flaire! Gising na! Tanghali na!" 

"Hmmmmmmm... mamaya na, antok pa ako." 

"Gising na, Ano ba? Ahh, ayaw mo ah...." 

"Saba ano ba? Ahihihi, Naki------ahihihi- kiliti ako"

Bigla kaong kiniliti ni Sab sa tagiliran at wala akong magawa kundi mapasigaw, ang lakas kasi ng kiliti ko dun eh. 

"Ano? Babangon ka o hindi?" 

"Ahihihi, oo eto na babangon na, tama na ang pangingiliti ah" 

"Ok." 

"Ano bang meron at nanggigising ka ng kay aga-aga?" 

"Wala lang, yung almusal mo kasi lumalamig na at tiyaka 12:00 na." 

WHAT?! Ginising niya ako para lang dun? Ang sarap ng tulog ko. Minsan talaga nakakainis itong babaeng ito. +_____+ 

"And thank you for last night, for making me feel better and for defending me against that girl." 

Pero nasabi ko na rin bang mas madalas mas nakakatuwa siyang kasama? Nakakabaliw rin itong kaibigan ko. 

"Wala yun, teka anong oras na kamo?" 

"12:00 a.m." 

Ewan ko pero bigla na lang gusto kong lumabas sandali. 

"Ah Sab, sandal lang ah, may titingnan lang ako sa labas." 

" Lalaki ba? Boyfriend mo?" 

"SIRA!" 

Lumabas na ako papunta dun sa mail box. Water bill, electric bill, ah eto from St. Christian Academy. Ano naman kaya ito? Pumasok na ako sa loob para tingnan ang sulat ko na iyon ng biglang hablutin ni Sab yung letter. 

"Sab, akin na!" 

"Ayoko nga! Di naman ito sikreto diba?" 

"FINE! Ikaw na magbasa!" 

Alam ko na rin naman yan eh. Hayaan ko na lang na basahin niya. Ganun din naman eh, malulungkot din lang naman ako eh kasi alam ko naming di ako nakapasa. 

" We would like to inform you you that Ms. Flaire Grace Santos passed our----" 

"Wait, passed ba daw?" 

"Oo" 

Nung sandaling narinig ko yun, para akong nabingi at pagkatapos nun.... 

"YES! NAKAPASA AKO! WOOHOO! NAKAPASA AKO!" 

Bigla na lang ako nagtatalon sa tuwa 

"Joke lang Flaire,! ahahaha! Kung nakita mo lang ang itsura mo" 

Some things are really to good to be true. NAKAKAINIS TALAGA! Pumunta na lang ako dun sa isang sulok ng bahay para umupo. Flaire, hindi ka iiyak diba, hindi! 

"Uy Flaire, sorry na. Akala ko naman tatawanan mo na lang eh. Uy sorry na." 

"Nakakainis ka naman kasi eh. Hayaan mo na nga, tara kain na tayo." 

"Smile ka muna, Please, Please" 

" Ito na. ?" 

"Ayan, mas maganda yan, tara na kain na tayo"

Ngayong araw din na ito pumunta ako sa St. Christian Academy sa hindi malamang dahilan, siguro para pakiusapan sila. 

"Thank you for your time Ma'am." 

"No problem Ms. Santos. We'll contact you when we've already made our decision." 

"Ok Ma'am. Thank you." 

Yan lang ang nasabi nila sa akin pero mas ok na yan kay sa naman na solid NO ang sagot nila diba. Malaking bagay na yun para sa St. Christian Academy na parang Shinhwa School sa Boys Over Flowers at Ying De sa Meteor Garden. Maraming gastos dahil ang school na ito ay para sa mayayaman. Tiyaka ko na nga lang iisipin, basta ang mahalaga makapasok ako. Sana lang. One step at a time lang. 

Palabas na sana ako ng school ng may nakita ako ng grupo ng mga estudyante nila na nagkukumpulan. Tiningnan kong mabuti at nakita ko na pinagkakaisahan nung mga teenager yung isang maliit na bata. Nag- init yung ulo ko kaya lumapit na ako sa kanila. Mga tatlo lang naman sila eh. 

"Hoy! Mga kabataang walang magawa sa buhay! Bitawan niyo nga yung bata!" 

Tiningnan ako nung isang lalaki ng masama. Anong akala niya natatakot ako? No way? 

"Ano bang pakialam mo Miss ha? Sino ka ba? Di ka naman estudyante dito ah!" 

Peste to. Pinaalala pa. Pinagaan ko na nga yung loob ko tapos ganyan. Lgot ka talaga sa akin 

"Oo nga, hindi PA, pero MAGIGING palang. Bitawan niyo nga yang bata, ang duwag niyo naman pinagtititripan niyo mas maliit sa inyo. Tss.." 

Nainis na yata sa akin yung lalaki. Haha buti nga sa kanya. 

"Tumahimik ka na miss ah, baka masu----" 

"Masuntok mo ako? Go ahead." 

"Aba matapang ka ah, eto ang sayo" 

Bago pa niya ako masuntok kinuha ko yung wrist niya at pinilipit yun ng sobra. 

"Ano lalaban ka pa?" 

"Hindi na po sorry na." 

"Wag na kayong magtitrip ng kahit na sinong tao ah lalo na bata, and wait, bago ko pala bitawan itong wrist mo, pag estudyante na ako rito, wag mo akong pahihirapan ah kung hindi mas malala pa rito matitikman mo galing sa akin." 

"Opo." 

"Pag bilang ko nang tatlo dapat nakatakbo na kayo, kung hindi PATAY KAYO SA AKIN! 1 2--- 

Kumaripas sila ng takbo, tama nga ako, duwag talaga. 

"Salamat po ah, Ate?" 

"Ah sorry, Ako nga pala si Flaire." 

"Salamat po Ate Flaire." 

"Wala yun, sige alis na ako ah, marami pa akong gagawin eh." 

"Sige po, salamat po ulit." 

Nagpaalam na ako dun sa bata, di ko pala nakuha yung name niya. Uuwi na ako kasi papasok pa ako dun sa trabahong binigay ni Sab. Kailangan kong kumita para makapag aral ako. Haaaaaay.......Buhay nga naman. My new life will start today.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ander Ako sa Kanya (Team Baliw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon