Tatlong tao lang ang pinahahalagahan ni Crystell Zeal sa buhay niya. Una, ang Daddy Ferdinand niya na parang isang tunay na prinsesa ang turing sa kanya kahit na anak lamang siya nito sa labas. Ni minsan ay hindi siya ipinagkaila nito sa organisasyon, sa halip ay taas-noo pa siyang ipinagmamalaki nito sa kabuuan ng Mafia Group. Utang niya ang lahat sa Daddy niya.
Sumunod ang kuya Justin niya. Kahit na hindi naging maganda ang trato nito sa kanya sa simula pa lang, iginagalang pa rin niya ito bilang nakababatang kapatid. Bukod pa rito, mataas ang tingin niya dito. Wala siyang pakialam kahit na ano pa ang mga masasamang bagay ang ibinabato ng iba sa kuya niya. Marahil ay dala lamang ng tinatawag na inggit kaya ganoon nalang ang tingin ng mga ito.
Si Lance, ang kanang kamay ng Daddy niya ang ikatlo. Even at first, she couldn’t deny the fact that she had like him. Ang cool kasi nito. Kahit kailan ay napaka-professional ng dating at may sense of responsibility sa bawat kilos nito. In fact, gusto na niyang sabihin dito ang nararamdaman niya. And she definitely will kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.
Kung nagtataka kayo kung bakit wala ang Mommy niya at tatlong tao lang ang nabanggit, iyon ay dahil hindi niya nakilala ang Mommy niya. Bata palang ay lumaki na siya sa pangangalaga ng Daddy niya. Magkaganoon man, hindi siya galit sa ina niya. Marahil ay may rason kung bakit hindi na niya ito kasama pa sa mga sandaling yon.
“Crystell,” tawag ng isang boses sa labas ng kwarto niya kasunod ang sunod-sunod na katok sa pinto. Naputol tuloy ang pag-iisip niya sa kung paanong approach ang gagawin niya kay Lance. Mabilis siyang tumayo at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata niya ng makitang ang lalaking kanyang iniisip, ilang sandali palang ang lumilipas ay nasa harap na ng pinto niya. Alive and real.
“A-A… Lance! Ikaw pala!” Bungad niya. “Bakit?” Dali-dali siyang lumabas ng kwarto para harapin ito.
Ngumiti naman ito saka sinabing, “Your Dad called. Samahan daw kita sa boutique para sa fitting ng gown for your birthday.”
Natigilan siya. Oo nga pala! Muntik na niyang makalimutan. Schedule of fitting nga pala ngayon ng gown na pinatahi ng Daddy niya for her twentieth birthday. “Muntik ko ng makalimutan ang bagay na yan.” Sumulyap siya dito. “Sandali lang. Magbibihis na ako.” Tumango lang ito at saka ngumiti.
Naiwan si Lance sa labas ng kwarto para hintayin ito. Maraming gumugulo sa isip niya. Maraming bumabagabag sa konsensya niya. Maraming bagay ang hindi niya kayang ipaliwanag. Bahagya siyang sumandal sa malawak na pader habang nakatingin sa kawalaan. Dalawang araw nalang at maisasakatuparan na niya ang matagal na niyang pangako. Dalawang araw nalang at makakalaya na siya sa nakaraan na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang ala-ala. Huli na para magdalawang isip. Matagal na niya itong pinagpaplanuhan at pinag-isipan ng maraming beses. Buo na ang pasya niya. He couldn’t afford to back out now. He had all the resources he needed. Marami na siyang sinakripisyo. Maraming taon ang nawala at nasayang. Maraming taon ang kanyang pinadusahan at ngayon nga ay makukuha na niya ang gusto niya.
Lumabas si Crystell ng kwarto niya ng hindi namamalayan ni Lance. Nakita nitong nakatingin sa kawalan ang binata at mukhang malalim ang iniisip. Bakas sa mga mata nito ang kalungkutan. Ngunit sa kabila niyon ay may kung anong galit siyang nakita na nagdulot ng kaba sa kanyang dibdib.
Napansin siya nito saka ngumiti. “Andyan ka na pala.”

BINABASA MO ANG
Reckless Heart
Cerita PendekMasusukat nga ba ng yaman sa mundo ang kaligayahan ng isang tao at tanging material na bagay nalang ba ang nag-iisang sandigan ng bawat nilalang na naninirahan dito? Totoo na ang pag-ibig at tadhana ay dalawang makapangyarihang elemento sa mundong i...