Hindi ko alam kung pano ko uumpisahan
Dahil sa umpisa palang, humantong na tayo sa katapusan
Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin at kung ano rin ang dapat gawin.
Kaya may tanong ako..
Pano maging masaya? Pano nga ba?
Kung ang taong nag papasaya ay wala
Wala na dahil may mahal ng iba
Masakit mang tanggapin pero kailangan harapin
Ang katotohanan na pilit aalisin
Di ko man maalis na ika'y isipin
Sapagkat ika'y mahal parin.
Ilang araw, ilang linggo, ilang buwan akong umaasa
Nag babasakaling ika'y bumalik pa
Pagkat sa puso ko mahal parin kita.
Pero ngayon ako'y pagod na
Pagod na pagod na at hindi ko na kaya ang sakit na nadarama
Dahil dito ako'y lalayo na,
Kaya mahal paalam na, paalam na sa mga ala-alang hindi na mauulit pa.
Balang araw, mamimis mo din yung dating ako
Dating ako na patay na patay sayo!
Dating ako na palaging andyan para sayo.
Dating ako na palaging umiintindi sayo
Dating ako na kahit kailan hindi naisip na ipagpalit ka sa iba!
Dating ako na baliw na baliw sayo
Pero lahat ng dating ako ay nawala nang dahil sayo.