Tapos na nga ba tayo?
Ito ang tanong na naglalaro sa aking isipan
Simula noong araw na ako'y iyong iniwan
At ang iyong paglisan ay tila hindi manlang pinag-iisipan.
Mahal, naaalala mo paba noong nagumpisa palang ang ating istorya?
Naaalala mo paba noong araw na tinanong kita kung ano nga bang namamagitan sa ating dalawa?
Noong araw na hiniling mo na kunng pwedeng tayo nalang dalawa
Yung unang beses mong sabihin sa akin na 'Oo' mahalaga ka at ang kadugtong ng salitang iyon ay ang wikang 'Iingatan ka'.
Ngunit wala kana pala, nagbago na ang dating tayo
Nagsimula nang maglaho ang letrang nag-uugnay sa ikaw at ako
Sa simpleng pag layo mo, siya namang simpleng pag luha ko.
Mahal nasaan kana ba? Hinahanap hanap parin kita
Kapag naaalala ko ang mga panahon na kung saan wala akong naiisip kung hindi ang "ikaw at ako".
Alam ko masyadong natagalan bago ako nalinawan
Sa mga bagay na magtutugma sa ating ngalan.
Gusto ko sanang bumalik sa nakaraan
Na kung saan ang mundo ko'y ikaw lang ang laman
Ngunit huli na pala ang lahat, dahil ito'y ala-ala nalamang.