Di ko alam kung ano ang dapat gawin
Ako'y litong-lito na sa mga pinapakita mo sa akin
Minsan naisip ko, ano ba talaga ang ginawa ko at naging ganyan ka?
Masakit isipin na ika'y lumalayo sa akin
Dahil nasanay ako na ikaw laging nandyan para sa akin
Nais kong malaman, kung bakit ka ganyan.
Kaibigan sana iyong malaman na ako'y nasasaktan
Nasasaktan dahil sa iyong pinaparamdam
Para akong basura sa iyong tabi na wala kang paki.
O aking kaibigan sana iyong malaman na di kita iiwan
Kahit sa huli kong hininga ikaw parin ang kaibigan ko
Kaya paalam aking kaibigan.