Kabanata 2

94 1 1
                                    

"Cloud, gumising ka na." Katatapos ko lang ihanda ang pagkain niya at pagbalik ko sa kwarto, nakita kong mahimbing na ang tulog niya.

"Hmmm.."

"Hoy Cloud, kakain ka pa. Bilisan mo diyan at nang gumaling ka na!" Di ko na napigilan ang pagkairita ko. Pinakaayaw ko sa lahat ang mabagal kumilos o kundi kaya ay ang matagal gumising.

"Talaga bang ayaw na ayaw mo akong makita?" Tanong niya sa akin gamit ang mahinang boses.

Ship. His morning voice. Nakakapanindig-balahibo.

"Kumain ka na lang diyan. Pagkatapos, uminom ka na rin ng gamot. Nariyan na at nakalagay sa tray." Lumabas na ako ng kwarto ko dahil sa hindi ko na kayang magtagal na kasama siya sa iisang kwarto.

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit ba ako nagkakaganito?

Siguro, nagugutom lang ako.

Tama. Gutom lang ako. Makakain na nga lang.

"MANANG! HALIKA NA PO AT KAKAIN NA." Sigaw ko dahil nasa second floor pa ang kwarto kung saan siya natutulog.

Naghintay ako ng ilan pang minuto subalit walang bumaba ni anino ni manang.

No choice. Kailangan kong umakyat ulit.

Pagdating ko sa harap ng kwarto ni manang, agad akong kumatok sa pinto.

*tok* *tok* *tok*

"Manang!" Walang nagbukas.

"Mana--" Naputol ang sasabihin ko sana nang bumukas ang pinto dahil sa pagpihit ko.

Wala si manang sa loob pero may nakita akong isang liham.

Ma'am Mazzie,

Ma'am uuwi po muna ako ngayon sa probinsya. Pasensya na po at hindi ako nakapagpaalam sa iyo nang personal. Nagkaroon po kasi ng sakit ang anak ko at walang magbabantay sa kaniya.
Siya nga po pala, nagpagabi dito si Sir Cloud. Pinilit ko po siyang umuwi kagabi pero ayaw pong paawat. Malamang po bukas, mataas na ang kaniyang lagnat.
Hindi ko po pala siya pinapasok dahil walang pahintulot ninyo.
Babalik po ako bukas o sa makalawa.

-Manang.

Umuwi si Manang? Pero labis ang pagbuhos ng ulan. Malamang ay mahihirapan siyang bumiyahe.

Bumaba nalang ulit ako at nagsimulang kumain.

Iniisip ko si manang. Sana ay ligtas siya sa biyahe.

Habang kumakain ako, nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin.

"Mazzie." Ship. Ulit? Kinakabahan na naman ako.

Nilingon ko siya. Saktong-sakto sa kaniya ang damit ni papa pero bakit parang mas bagay sa kaniya?

Ay erase.

"Oh?" Tanong ko sa kaniya habang nakataas ang kilay. Alam niya namang kumakain ako tapos iisturbohin niya ako? At tsaka, bakit ba nandito na 'to sa baba?

"Magaling ka na? Good. Pwede ka nang umalis." Saad ko ulit bago pa siya makapagsalita.

Nakita kong napabuntong-hininga nalang siya.

"Bakit ba pinapaalis mo ako kaagad?" May pagkairitang tanong niya sa akin.

Bakit? Simple lang. Sa tuwing malapit siya, ang lakas ng tibok ng puso ko. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko noon kay Clyde at hindi ito pwede.

Kapag hinayaan kong mapalapit ako sa kaniya, masisira ang pangako ko kay Clyde sa kaniyang libing.

***
Narito ako ngayon sa harap ng puntod niya.

Hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap. Ang hirap tanggapin.

Pakiramdam ko, gusto ko nalang siyang sundan. Para sa kabilang buhay, magkasama na kami. Pero sa lahat ng ginawa kong pagpapakamatay, walang natuloy. Lahat pumalpak.

Kaya nga nandito ako ngayon para humingi ng tulong sa kaniya.

"Clyde, mahal, tulungan mo naman ako. Hirap na hirap na ako. Hindi ako sanay na hindi ka nakikita at nakakasama. Clyde, a-ano na ang *huk* g-gagawin *huk* k-ko?" Umagos na naman ang mga luhang halos hindi maubos-ubos.

Nang halos wala ng luhang lumalabas, pinunasan ko na ang pisngi ko.

"Clyde, asahan mong, wala na akong mamahalin pang iba. Ikaw lang, hanggang sa aking kamatayan, katulad ng ipinangako ko sa'yo sa ating kasal." Kaya ko ito. Alam kong nandito parin si Clyde, kahit na hindi ko na siya nakikita.

***

"Hindi mo na kailangang sagutin. Halata na sa mukha mo ang sagot." Hindi ko namalayang matagal pala akong natigilan.

"Hayaan mo munang magpalipas ako dito ng gabi. Bukas na bukas din ay aalis ako kaagad." Wala naman sigurong masama doon. Wala rin naman si manang at kailangan ko ng kasama sa bahay.

Sa buong maghapon, wala akong ginawa kundi ang magtrabaho sa opisina ko dito sa bahay.

Isa akong architect. Hawak ko ang oras ko kaya wala akong problema. Hindi ako pumapasok sa mga kumpanya. Pero kahit na ganoon, marami parin akong mga kliyente.

Nang lunch time na, ang kinain ni Cloud ay ang tira pa kanina sa niluto ko para sa kaniya. Ininit ko nalang kasi sayang ng oras at sayang din ang pagkain, maayos pa naman.

Pagpatak ng alas-singko, bumaba na ako galing sa opisina para makapagluto na ng dinner.

Pumunta ako sa kusina at inihanda na ang mga rekado.

Menudo na lang ang lulutuin ko. My favorite.

Si Cloud, hayun at nasa salas. Nanunuod ng TV. Palipat-lipat lang siya ng palabas base sa pagpindot niya ng remote.

Ginipad ko na ang patatas, carrots, at iba pang ingredients. Ang karne, giniling ko na rin. Yup, giniling ang menudo na niluluto ko.

Masarap yun, try niyo.

Pagpatak ng 6:00, tapos na ako sa paghahanda ng dinner namin. Nakahanda na ang mesa, lahat.

Inaya ko na si Cloud para makakain na at agad naman siyang sumunod.

Habang kumakain kami, nakakabingi ang sobrang katahimikan.

Ninamnam ko lang ng mabuti ang paborito kong pagkain.

Nang matapos na kaming kumain, nagvolunteer na siyang maghugas.

Ako naman pumunta na sa salas para manuod ng palabas.

Habang nililipat ko ang mga palabas, may isang channel na nakakuha ng atensyon ko.

Isang pampasaherong bus ang nahulog sa isang bangin kaninang umaga. Ayon sa ulat, ang naturang bus ay bumibiyahe patungong Zamboanga. Tatlo ang patay na kinilalang sina Benni J. Cruz, 24 years old, Marry H. Hugos, 30 years old, at Roselina de Jesus, 54 years old.

Roselina de Jesus? Pamilyar.

Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon?

"Mazzie, siya si Roselina de Jesus at siya ang bago mong yaya."

"Talaga po? Pwede po ba kitang tawaging manang?" Tanong ko sa kaniya gamit ang malambing na boses.

"Oo naman, miss Mazzie." Saad niya sabay ngiti ng matamis.

Si manang. Siya iyon.

"Oh Mazzie? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Cloud gamit ang nagtatakang boses.

Tiningnan ko siya. Gusto ko sanang sumagot pero hindi ko na kinaya.

"MAZZIE!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another Sad Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon