Kabanata 1

137 5 1
                                    

Nakadungaw lamang ako sa bintana. Madilim na ang kalangitan at patuloy na bumubuhos ang masaganang ulan. Ganitong-ganito ang panahon noon nang nangyari ang trahedyang iyon, tatlong taon na ang nakalipas.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makalimutan. Hindi ko pa rin makalimutan si Clyde, ang asawa ko.

Mahal na mahal ko pa rin siya. Higit pa sa buhay ko.

He was my first love. And hopefully, my last.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi ni manang matapos na kumatok sa pinto ng tatlong beses. Mula pa sa aking pagkabata, kasama ko na siya at tandang-tanda ko na ang boses niya.

"Sino daw po manang?" Tanong ko kay manang matapos ko siyang pagbuksan ng pinto. Wala akong natatandaang inaasahang bisita sa ganitong oras.

Imposibleng sina mama iyon sa kadahilanang mayroon sila ngayong business trip nina papa.

"Si Sir Cloud po, ma'am."

Nang narinig ko ang pangalang iyon, biglang nag-init ang dugo ko.

"Paalisin mo siya. Sabihin mo sa kaniyang ayaw ko siyang makita." Matapos kong sabihin iyon kay manang, umalis kaagad siya sa harapan ko. Malamang ay pinuntahan na si Cloud at sinabihang umalis na.

Dalawang taon nang nanliligaw sa akin si Cloud. At sa loob ng dalawang taon, ilang ulit ko nang sinabi sa kaniya na wala siyang pag-asa at may asawa ako. Pero kahit pa ilang ulit ko na iyong sinabi, parang wala lang siyang naririnig. Patuloy parin siya sa pagsuyo sa puso kong matagal nang naangkin ni Clyde.

Ilang minuto pa ang lumipas, kumatok ulit si manang.

"Ano manang, umalis na po ba?" Nakita ko sa mukha ni manang ang pag-aalala. Kumunot naman ang noo ko.

"Ma'am, hindi daw po siya aalis hangga't hindi ka sa kaniya nagpapakita. Basang-basa na rin po siya ng ulan sa labas." Hindi ko inintindi ang sinabi ni manang. Tumalikod lamang ako at naglakad ulit patungo sa bintana.

"Ma'am baka magkasakit po si Sir Cloud." Nag-aalalang saad ni manang. Bumuntong-hininga na lamang ako at sumagot.

"Hayaan mo siya manang. Desisyon niya 'yan."

Ilang minuto pa, naramdaman ko na ang antok na kanina ko pa hinihintay.

9:00 p.m. na at sa tingin ko rin naman ay umalis na si Cloud. Hindi naman siguro siya ganoon katanga para manatili sa labas ng bahay ko hanggang umaga.

*
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Nang sumilip ako sa bintana, nakita kong patuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Siguro ay may bagyo ngayon, hindi ko lang nabalitaan.

Bumaba na ako para makapagluto ng agahan. Malamang ay tulog pa si manang sa ganitong oras.

May sarili na akong bahay ngayon at si manang lang ang kasama ko.

Matapos ang trahedyang iyon, nagdesisyon akong humiwalay na sa poder ng aking mga magulang. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko.

Tiningnan ko sa ref kung ano pa ang mga pagkain na nakaimbak. Hotdog, bacon, mga gulay, at iba pa. Marami pa naman pala. Baka next week na lang ako maggogrocery.

Nagprito na lang ako ng bacon at hotdog at nagluto ng sinangag.

Nang matapos na akong magluto, inihain ko na iyon at inilagay sa lamesa.

Hindi ko alam kung bakit, pero natagpuan ko nalang ang sarili kong naglalakad papalapit sa pintuan.

Binuksan ko ito at laking gulat ko nang nakita ko ang isang lalaking nakaupo malapit sa pinto at nakatalikod. Basang-basa na rin ito.

Pumasok kaagad ako sa kwarto ko at kinuha ang aking payong at t'walyang hindi pa nagagamit.

Malakas ang kutob kong si Cloud iyon. Kahit pa nakatalikod siya, hindi ko alam kung bakit, nakilala ko siya.

Hindi kaya, magdamag siyang nagpaulan sa labas ng bahay?

Lumabas kaagad ako sa bahay at nilapitan si Cloud. At nakumpirma kong tama nga ang hinala ko.

Nakita ko siyang maputla na ang mukha at ang kaniyang labi. Sobrang lamig na rin ng mga kamay niya.

Pinayungan ko siya at ipinulupot sa kaniya ang t'walyang dala-dala ko.

Ipinasok ko siya sa loob ng kwarto ko at ihiniga sa kama.
Ipinulupot ko rin sa kaniya ang makapal kong kumot.

Binuksan ko ang heater at naghanap ng mga tuyong damit na panlalaki.

Nag-init muna ako ng mainit na tubig bago pumasok sa kwarto nina mama at papa. Minsan, dito sila natutulog kaya nagdesisyon akong ang dapat guest room ay kwarto nalang nila.

Kumuha ako ng t-shirt at shorts ni papa. Naghanap na rin ako ng malinis na bimpo.

Pumunta na ako sa kusina at nakita kong kumukulo na ang mainit na tubig. Pinatay ko na ang kalan at inilagay ko na sa isang maliit na palanggana ang mainit na tubig. Inilagay ko ang palangganang may mainit na tubig, malinis na bimpo, at mga damit sa isang tray.

Pumasok na ulit ako sa kwarto ko at nakita ko siyang nanginginig, marahil ay dahil sa basa niyang damit.

Inilapag ko na ang bitbit kong tray sa mesang malapit sa kama ko.

Inialis ko sa kaniya ang kumot na nakapulupot sa katawan niya at binasa ko na ang bimpo ng mainit na tubig.

Dahan-dahan kong idinadampi iyon sa kaniyang mukha. Pababa sa kaniyang leeg at sa mga braso. Inalis ko ang kaniyang damit pantaas.

Kaya mo 'yan, Mazzie. Magfocus ka sa ginagawa mo.

Binasa ko ulit ang bimpo sa mainit na tubig at pinigaan ito.

Dahan-dahan ko ulit na idinadapi ang bimpo sa kaniyang katawan. Una sa kaniyang dibdib hanggang dahan-dahan na bumababa.

Napalunok ako nang hindi sinasadyang nahagip ng kamay ko ang kaniyang tiyan na parang bakal.

Takte. Pinagpapawisan na ako. Dahil ba ito sa heater?

Minadali ko na ang magpupunas sa kaniya hanggang sa likod niya at isinuot na sa kaniya ang damit ni papa.

Napatingin ako sa pantalon niya.

Hindi ko na ata kaya 'to. Takte. Ano na ang gagawin ko? Namemental block na ako.

Nakatulala lamang ako at iniisip kung ano na ang gagawin nang bigla siyang gumalaw.

Mabuti na lamang at nakita kong dahan-dahan niyang iminumulat ang mga mata niya.

"Mazzie." Ship. Ba't ganito ang nararamdaman ko?

Umiling-iling ako para maalis sa utak ko ang mga iniisip ko kanina.

"Magbihis ka na ng pantalon mo. Nandito ang shorts ni papa. Bababa lang muna ako para makapagluto ng makakain mo." Sambit ko sa kaniya gamit ang malamig na boses.

Paggumaling na siya, kailangan ko na talaga siyang iwasan.

May ibang dulot ang presensya niya sa sistema ko. Nakakatakot. Nakasisindak.

Another Sad Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon